Jordan's Pov
Nagising na naman ako na sobrang ingay sa bahay. Lasing na naman ang tatay ko. Hindi ko na alam kung dahil pa ba kay Nica yang pinag iiinom nya o dahil sa sobra na ang pagkalango nya sa alak.
"Nasan ang walang hiyang babaeng yan! Ilabas mo yang magaling mong anak Minda! Kahit kailan ay hinding hindi ko matatanggap na anak ko yan dahil sa ginawa nya kay Nica!" sigaw ng tatay ko.
"Tumigil ka na Lando!" pag aawat ng nanay ko.
"Tay! Nakakabulahaw na tayo sa ibang tao. Tumigil na po kayo. Pwede ba! Huwag na kayong uminom kung magwawala na lang kayo palagi." rinig kong sabi ni Dina. Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang isang malakas na kalampag.
Nakita ko na napaupo si Jude. Hinahampas ito ng tatay ko ng sinturon. Dali dali akong lumapit at sinangga ang hampas na dapat ay sa kapatid ko.
"Ano ba tay! Hindi ba kayo titigil? Bakit kailangan nyong saktan ang mga kapatid ko?" sigaw ko. Grabe ang sakit ng likod ko sa hampas ng sinturon.
"Lahat kayo mga walang kwenta!" sigaw nya.
"Sige sino ang anak nyo na may kwenta? Yung paborito nyong anak na nagpakamatay?" galit na tanong ko.
"Nang dahil sayo kaya siya nagpakamatay! Malandi ka kasi!" galit na sabi pa ng tatay ko.
"Malandi? Yang Nica nyo ang malandi! Kung hindi siya pumatol sa boyfriend ko ay hindi siya mabubuntis." galit na sabi ko.
"Kung pinagbigyan mo na lang sana ang kapatid mo at pinakiusapan yang boyfriend mo eh di sana ay hindi nagpakamatay ang kapatid mo." sigaw ni tatay.
"Bakit nyo ako sinisisi sa nangyari? Kasalanan ko bang hindi siya gustong panagutan ng taong iyon! Kasalanan ko ba na ayaw nya makinig? Ako nga hindi bumukaka sa taong iyon at sya nagpabuntis pa. Ngayon sino ang malandi!" sabi ko.
"Gumawa ka sana ng paraan mabuti. Pinabayaan mong mamatay ang kapatid mo! Kaya kasalanan mo!" sigaw pa nya.
"Tama na Lando!" awat ni nanay. Nag iiyakan na ang mga kapatid ko.
"Ayokong magsalita ng masama sa kapatid ko dahil patay na siya pero ang tanga nya. Kinitil nya ang buhay nya at ng anak nya dahil sa katangahan nya. Ako na ang niloko ng dalawang iyon tapos ako pa may kasalanan sa pagkamatay nya? Nakakatawa kayo!" galit na sabi ko. Hinampas pa ako ng sinturon ng tatay ko. Hindi ako umiyak at umaray. Tiniis ko lahat dahil sobrang galit ko sa kanya. Ayokong makita nya na umiiyak ako.
"Ate!" sabay na sigaw nila Dina at Jude.
"Tama na Lando!" sigaw ni nanay. Tumigil naman siya.
"Tandaan nyo yang ginawa ninyo. Wala na kayo sa ayos. Kaming buhay, matino at nakakatulong sa inyo ang ginaganito nyo. Samantalang ang taas ng tingin nyo sa malanding anak nyo na nagpakamatay! Hindi ko na kaya pang mamalagi ang mga kapatid ko sa inyo. Sasama ba kayo sakin Dina at Jude? Eh kayo nanay?" tanong ko sa kanila.
"Sasama ako ate huhuhu!" iyak na sabi ni Jude.
"Ako din ate Jordan." naiiyak na sabi ni Dina.
"Ikaw nay?" tanong ko.
"Dito na lang ako sa tatay nyo." sabi nya.
"Mas pinipili nyo ang tao na yan kaysa sa amin. Bahala kayo." walang kabuhay buhay na sabi ko.
"Dina, Jude, magsimula na kayong mag empake at aalis na tayo." sabi ko sa kanila.
Napalingon ako sa tatay ko na nakahiga sa sofa. Kaya pala hindi na naimik dahil nakatulog na.
Ganyan kami palagi. Galit na galit ang tatay ko sakin dahil sa nangyari kay Nica ang kapatid ko na sumunod sa akin. Si Dina ang pangatlo at si Jude ang bunso at nag iisang lalaki sa aming magkakapatid.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Downfall (Completed)
RomanceMasayahin, kalog at prangka yan ang katangian ni Jordan. Matalik itong kaibigan ni Ella at pinsan ni Alex. Siya ang naging breadwinner ng kanilang pamilya dahil naging iresponsable na ang kanyang mga magulang at dahil siya ang panganay sa kanilang m...