Joseph's Pov
Lumipas pa ang mga linggo at nanatiling ganun pa din ang kalagayan ni Jordan. Medyo malaki na ang kanyang tiyan. Malaki din ang ipinayat niya dahil hindi siya madalas nagkakakain. Sinusuka nya minsan ang kanyang kinakain. Wala akong magawa kundi ang unawain ang lahat ng nangyayari sa kanya. Sabi naman ni Faith ay maselan talaga ang pagbubuntis ni Jordan pero atleast daw ay hindi kami nahihirapan na painumin ito ng gamot. Alam kong nalaban siya kaya hindi rin ako sumusuko sa kanya. Malaking dagok lang talaga ang dumating sa kanya kaya naman payo ni kuya Gab, matinding pag aalaga ang kailangan.
Pagdating naman sa trabaho ay tinutulungan ako ni Migs at Seb sa kompanya ko. Dinadala na lang nila ang mga importanteng mga papeles na kailangan kong pirmahan. Malaking pasasalamat ko at nandyan parati ang pamilya ko na laging nakaagapay samin. Gaya ngayon, nandito sina Mama at Seb na nagdala ng mga pagkain. Gusto kasi ni mama na siya ang magluluto ng pagkain ni Jordan para daw siguradong malinis at masustansya. Natawa na lang kami ni kuya Gab ng sabihin yun ni mama kasi ang totoo gusto nya lang ipagluto ang mga manugang nya. Wala kasing anak nababae si mama. Isa pa ay natutuwa siya ngayon kay Jordan dahil nagpapasubo na sa kanya ito di tulad dati na ako lang ang nakakapagpakain sa kanya.
"Jordan anak, gusto mo bang paliguan kita?" tanong ni mama. Tinitigan lang si mama ni Jordan.
"Ako na mama." sabi ko.
"Oo nga ma, kay kuya Seph lang nagpapaasikaso si ate Jordan." sabi ni Seb. Ngumuso naman si mama halatang dissapointed. Inakbayan ito ni Seb.
"Huwag ka nang magtampo ma, paggumaling si ate malamang sayo magpapaturo yan kung paano mag asikaso sa bata." pag aalo ni Seb.
Lumapit ako kay Jordan. Tatalikod na sana sa amin si mama nang bigla siyang hawakan sa braso ni Jordan.
"Jordan, anak gusto mo ba ako ang mag asikaso sayo?" tanong ulit ni mama.
Napatingin kaming lahat kay Jordan at inaantay kung sasagot siya. Nagulat ako ng tumango siya sa sinabi ni mama. Nagkatinginan kami ni Seb at napatingin ulit kina mama at Jordan. Nakita namin na napangiti si mama at masayang masaya.
"Mabuti pa kuya Seph, punta muna tayo kay kuya Gab habang inaasikaso ni mama si ate Jordan. Bigyan muna natin sila ng time na makapagbonding." sabi ni Seb. Tumango ako sa sinabi ni Seb.
"Babe, iwanan muna kita kay mama ha. Aalagaan ka nyang mabuti. Pupunta lang ako kay kuya Gab." paalam ko sa kanya. Nakatitig lang ito sa akin. Hinalikan ko muna siya bago kami umalis ni Seb.
"Sa tingin ko kuya medyo gumagaling na si ate Jordan." sabi ni Seb habang papasok kami ng opisina ni kuya Gab.
"Nagulat nga ako nung hawakan nya si mama." sabi ko.
"Sinong humawak kay mama? At bakit kayo nandito?" tanong ni kuya Gab.
"Si Jordan kuya, sa tingin namin ay unti unti na siyang gumagaling. Kanina hinawakan nya si mama para magpaasikaso sa kanya. Dati rati ako lang nagpapakain sa kanya at nag aasikaso pero ngayon si mama lahat ang gumawa." masayang sabi ko.
"Eh di masayang masaya si mama nyan. Hahaha! Gagawing barbie ng nanay natin ang syota mo." biro ni kuya Gab. Nagtawanan kaming tatlo.
"Hindi kaya kuya Seph, sawa na si ate Jordan sa mukha mo kaya kay mama siya nagpapaasikaso." biro naman ni Seb. Binatukan ko naman ito.
Marami kaming napag usapan nila kuya Gab at Seb. Kadalasan tungkol sa mga negosyo at siyempre ang tungkol sa kalagayan ni Jordan. Natigilan kami ng nangring ang cellphone ni kuya Gab. Sinagot nya naman ito agad. Nakatingin lang kami ng Seb kay kuya.
"Oo nandito, ibibigay ko ba?" tanong ni kuya sa kausap nya. Lumapit si kuya sa amin at nagulat ako ng ibinigay ni kuya ang cellphone sa akin.
"Gusto kang kausapin ng asawa ko." sabi ni kuya. Tumango na lang ako.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Downfall (Completed)
RomanceMasayahin, kalog at prangka yan ang katangian ni Jordan. Matalik itong kaibigan ni Ella at pinsan ni Alex. Siya ang naging breadwinner ng kanilang pamilya dahil naging iresponsable na ang kanyang mga magulang at dahil siya ang panganay sa kanilang m...