Chapter 22 Fred

1.1K 44 15
                                    

Jordan's Pov

Ipinagtapat sakin ni Joseph na may kapatid ako. Ikinuwento nya sa akin ang mga nalalaman nya tungkol sa pagkakalayo ko sa mga tunay kong mga magulang. Hindi na ako nagulat ng makita ko si Jenny dahil kamukhang kamukha ko siya. Simula pa nuong gumaling ako sa sakit nuon ay nagkakaroon ako ng mga panaginip nuong bata pa ako na hindi ko magulang ang nakagisnan ko. Binale wala ko lang yun dahil akala ko ay isamg panaginip lang talaga. Pero ng makita ko ngayon si Jenny at ang mga sinabi nila sa akin ay tumutugma sa panaginip ko. Napangiti ako. Tumayo ako at saka lumapit kay Jenny. Nagulat siya ng yakapin ko siya ng mahigpit.

"Ate Jordan huhuhu! Salamat at buhay ka. Matatahimik na sila mama at papa dahil nahanap na kita. Sobrang saya ko ate." sabi ni Jenny habang naiyak.

Umiyak din ako. Wala lang boses. Hindi ko alam kung bakit ayaw lumabas ng boses ko. Kaya naman ako naiiyak dahil nakakapanghinayang dahil hindi ko man lang nayakap ang mga magulang ko. Pero nagpapasalamat ako dahil may kapatid pa ako.

"Teka ate, hindi ba maiipit ang pamangkin ko sa higpit ng yakap mo?" natatawang sabi nya habang nahikbi. Umalis ako sa pagkakayakap at ngumiti.

"Siya nga naman babe, humiga ka na muna ulit at para makapagpahinga ka na. Kanina ka pa daw iyak ng iyak. Baka mapaano si baby nyan." sabi ni Joseph. Tumango ako at bumalik sa higaan ko. Inalalayan naman ako ni Joseph.

"Oh siya mga anak alis muna ako para makapagpahinga na. Dadalhan ko na lang kayo bukas ng makakain." sabi ni mama Letty.

"Sige Ma! Salamat po sa pagbabantay sa mag ina ko. Ikaw Seb, magpapaiwan ka ba?" sabi ni Joseph.

"Hindi muna kuya, may meeting kasi ako bukas eh. May kailangan ka pa ba? Tatawagan ko na lang si kuya Migs." sagot ni Seb.

"Hindi na. Ako nang bahala. Isa pa nandito naman si Jenny para samahan ang ate nya kung may bibilhin ako sa labas. Magpahinga na kayo." sabi ni Joseph.

"Sige anak alis na kami. Jordan anak, babalik na lang ako bukas at dadalhan kita ng mga masasarap na pagkain." paalam ni mama Letty. Tumango ako at ngumiti bago sila umalis.

Tahimik ang paligid ng maiwan kaming tatlo nila Joseph at Jenny. Nagring ang cellphone ni Joseph, sinagot nya ito at pagkatapos ay pinatay agad.

"Jenny pakibantayan muna si ate Jordan mo. May kakausapin lang akong tao sa baba." sabi ni Joseph kay Jenny.

"Sige kuya akong bahala kaya ate." nakangiting sabi ni Jenny.

Lumapit sa akin si Joseph at hinalikan ako sa noo.

"Babe, bababa muna ako ha. Kakausapin ko lang yung tauhan ko. Importante lang. Babalik ako agad." paalam ni Joseph. Tumango ako bilang pagsang ayon. Lumabas naman agad si Joseph.

"Ate, magpagaling ka ha. Gusto kitang makasama at makakwentuhan. Natutuwa ako kasi hindi na ako mag isa. Hindi ako makapag aral ng maayos kasi hinahanap kita. Yan kasi ang matagal nang inaasam nina mama at papa." naluluhang sabi ni Jenny. Inabot ko ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit si Jenny.

"Okay lang ako ate. Pinalaki ako nila mama at papa na maging matapang. Oh siya matulog ka na. Kailangan mong magpalakas. Nandito lang ako." sabi pa ni Jenny. Ngumiti ako at saka pumikit.

Nagising ako dahil sa may humahaplos sa pisnge ko. Hindi ako nagmulat ng mata dahil akala ko si Joseph lang iyon. Ngunit nagsalita ang taong nahaplos sakin. Napadilat ako ng mata dahil sa boses na iyon.

"Sinabi ko naman sayo na sa akin ka lang. Asawa ko, bakit ka nagpabuntis sa hudas na yun? Hindi ako papayag na wala nang bisa ang kasal natin. Akin ka lang Jordan!" sigaw ni Fred.

Sinubukan kong sumigaw pero walang boses na lumalabas. Tumutulo na ang luha ko. Asan ang mga kasama ko?

"Kukunin kita sa kanya. Kayo ng anak mo. Aangkinin ko siyang parang sakin. Hintay ka lang ng kaunti. Nahirapan ako sa mga nagbabantay sayo pero wala eh magaling akong lumusot." iyak na ako ng iyak sa mga sinasabi ni Fred.

The Playboy's Downfall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon