Jordan's Pov
Maraming nangyari sa amin sa loob ng mahigit na isang taon simula ng sagutin ko si Joseph. Puro kami away bati pero habang tumatagal ay nakikilala ko siyang mabuti. Nanganak na ang kaibigan kong si Ella at kambal at parehong babae ang anak nila. Kakatapos nga lang ng 1st birthday ng kambal. Siyempre isa ako sa ninang kaya dapat ako din ang punong abala. Nagkatampuhan nga kami ni Joseph kasi sobrang busy ko daw at nakakalimutan ko na siya. Si Jude naman ay maayos na ang kalagayan. Mabuti na lang at hindi cancer ang bukol nya. Bumalik na sa Baler sina Dina at Jude at duon sila nakatira kina kuya Oliver. Gusto kasi ni kuya Oliver na may kasama si Faith lalo pa at buntis na ito. Binibisita ko na lang sila ng madalas. Natigil ako sa pagmumuni muni ng bumukas ang pinto ng opisina sa coffeeshop.
"Hindi kaya mamulubi si papa Joseph? Aba araw araw ka na lang ba papakiligin sa special delivery? Eto delivery para sayo." sabi ni Alex.
Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang sari saring mga white chocolates na nakalagay sa isang box.
"Wow naman! Sarap!" sabi ni Alex.
Yan ang nakakainlove kay Joseph, kahit nagkakatampuhan kami ay palagi pa din nya akong nililigawan. Hindi nya ako kinalilimutang padalahan ng mga bulaklak o chocolates.
"Uy penge ha." sabi ni Alex.
"Nagpaalam ka pa eh kinakain mo na nga." pambabara ko sa kanya.
"Damot nito. Teka maiba ako, bakit ba hindi mo pa sinasagot si papa Joseph. Mahigit isang taon na siyang nanliligaw sayo ah. Isa pa wala na akong nababalitaang may kasama siyang babae." sabi ni Alex. Ngumiti lang ako sa kanya. Paano sila makakabalita ng ganun eh good boy si Joseph ko. Subukan nya lang magkaroon ng ibang babae, naku makikita nya ang hinahanap nya.
Habang nadaldal at lamon ng lamon sa harap ko si Alex ay biglang nagring ang cp ko. Sinagot ko ito pero wala naman nasagot. Nakadalawang ulit pa ito ng tawag.
"Anong problema?" tanong ni Alex
"Ayaw sumagot eh." sagot ko.
"Ang creepy naman nyan." sabi pa ni Alex. Nagsimula na akong kabahan.
"Alex, kinakabahan ako parang may hindi magandang mangyayari. Tawagan kaya natin sila Dina." sabi ko sa kanya.
"Ikaw naman baka naman nagpaprank call lang. Huwag kang praning hahaha. Tigil mo na nga ang pag inom mo ng kape. Eto kainin mo na lang ang padala sayo ni papa Joseph." sabi nya at pagkatapos ay isinubo sakin ang isang chocolate.
Tinawagan ko sina Dina at Jude para makasigurado. Okay daw sila dun kina Oliver at nakikipaglaro sila ng Mobile Legends kina Faith at Oliver. Mukhang tinuturuan ng mga kapatid ko ang dalawang yun. Binalewala ko na lang ang tawag at nagpatuloy na lang sa pagtatrabaho.
"Jordan hindi ka ba kakain? Tara na nagpadeliver ako ng pagkain." pag aaya ni Alex.
"Huh? Bakit anong oras na ba?" tanong ko.
"Loka! Sobrang subsob mo dyan sa ginagawa mo at hindi mo na namalayan na ala una na. Kumain na tayo at baka malipasan na tayo ng gutom." sabi ni Alex at saka tumalikod para lumabas ng opisina.
"Oo na sige." sabi ko at sumunod sa kitchen ng coffeeshop.
Habang kumakain kami kasama ng ibang mga staff ay panay kwento ni Alex tungkol kay Jack. Napababa kasi ang sintensya kay Jack. Nakita naman namin talaga na mahal na mahal nya ang pinsan ko. At isa pa napatawad na din si Jack ng pamilya ni Ella kaya masayang masaya si Alex. Patapos na akong kumain ng magring ang cellphone ni Alex.
"Hello mudra ng kambal. May kailangan ka?" biro ni Alex. Kilala na namin kung sino ito dahil si Ella lang naman ang tinatawag nya ng ganun. Maya maya ay nagseryoso mukha ni Alex.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Downfall (Completed)
RomanceMasayahin, kalog at prangka yan ang katangian ni Jordan. Matalik itong kaibigan ni Ella at pinsan ni Alex. Siya ang naging breadwinner ng kanilang pamilya dahil naging iresponsable na ang kanyang mga magulang at dahil siya ang panganay sa kanilang m...