Joseph's Pov
Nakaapat na araw na si Jordan sa Baler. Umuwi agad ako kinagabihan dahil may mahalaga akong meeting kinabukasan. Kakarating ko lang ulit ngayon ng Baler. Nagpaalam ako kay Jordan na ipapasyal ko sina Dina at Jude. Kunwari may gusto daw puntahan si Jude. Hindi naman namin pwedeng sabihin kay Jordan.
"Bakit ba hindi ako pwedeng sumama?" tanong ni Jordan.
"Ate naman bibilhan ka namin ng regalo tapos isasama ka namin? Eh pagnakita mo eh hindi na surprise yun." sabi ni Dina.
"Ate minsan lang kaming lumabas ni ate Dina. Magpahinga ka lang dyan at kami na bahala sayo." sabi naman ni Jude. Napailing naman ako. Ano ba naman tong mga dahilan namin. Paano papayag tong si Jordan.
"Babe, nakapangako kasi ako na ipapasyal ko sila. Baka mapagod ka lang. Sa isang araw iuuwi na kita ng Manila tapos puro trabaho ka na naman. Hayaan mo sa susunod pangako mag aouting tayo. Ako bahala sabihin nyo lang kung saan. Pwede beach o pool. O gusto nyo Boracay." sabi ko.
"Ayun oh! Nice one bayaw!" sabi ni Jude. Napangiti ako.
"Bayaw ka dyan! Sige na alis na kayo ng maaga. Para makauwi kayo ng maaga din. Ikaw Joseph, ingatan mo ang mga kapatid ko." sabi nya.
"Oo naman babe. Pagnaging mag asawa tayo eh di magiging kapatid ko na sila. Naku tara na, alis na tayo." pag aaya ko. Baka kung ano pa masabi namin eh.
Umalis kaming tatlo nila Jude at Dina. Inarkila ko ang helicopter ng kaibigan ko para mapabilis kami. Mahirap kasi kapag sa kotse lang kakain ng ilang oras. Nagpark ako sa hotel na pagmamay ari namin dahil sa rooftop nun ay nakapark ang helicopter na inarkila ko.
"Wow kuya Joseph! Diyan tayo sasakay? Makakasakay na ako ng helicopter." nakangiting sabi ni Jude.
"Kaya magpagaling ka dahil ipapasyal ko pa kayo sa cruiseship naman." sabi ko.
"Talaga kuya? Naku pangarap ko makasakay sa isang cruiseship." sabi ni Dina.
Lumipad kami gamit ang helicopter papuntang ospital ni kuya Gabriel. Paglapag namin duon ay agad naman na inasikaso si Jude. Si Faith ang kasama ni Dina na umaalalay kay Jude. Hindi naman maitatago kay Faith ang tungkol kay Jude kasi makikita at makikita nya kami sa ospital dahil duon ito nagtratrabaho. Nagbilin si kuya sa mga staff nya ng mga gagawin kay Jude na mga laboratory. Inaya naman ako ni kuya Gabriel sa opisina nya.
"Bakit kayo naglihim kay Jordan? Hindi basta basta maooperahan si Jude kung walang consent ng mga magulang nya o atleast ni Jordan. Nag iisip ka ba Joseph?" sermon sakin ni kuya Gabriel.
"Kuya, alam ko naman yun. Kaso humiling ang bata sakin eh. Anong magagawa ko. Sa ngayon hanggat hindi natin nacoconfirm ang sakit nya ay pababayaan ko muna siya sa kahilingan nya. Huwag kang mag alala uunti untiin ko ang bata na piliting sabihin sa ate nya. Trust me kuya Gab." paliwanag ko.
"Trust me ka dyan. Siguraduhin mo yang pinaggagagawa mo. Baka pagnagkataon hindi ka pa nakakapanligaw eh basted ka na agad." sabi pa nya.
"Kuya Gab naman. Huwag ganun, baka magkatotoo yan eh." angal ko.
"Magkakatotoo yan kung ipagpapatuloy mo ang kalokohan mo. Isa pa huwag mong gagawing sangkalan si Jude para makuha si Jordan." sermon pa ni kuya.
"Oo naman kuya. Kaya kong pasagutin si Jordan ng hindi ginagamit ang bata. Kuya naman tumutulong lang talaga ako sa batang yun. Medyo hindi rin kasi maganda ang pamilya ni Jordan. Actually nabugbog pa siya ng tatay nya at walang nagawa ang nanay nya." paliwanag ko kay kuya Gab.
"Yun na nga ang itatanong ko kasi may nakita akong bakas ng mga pasa at mga sugat. Natamaan ba ang ulo nya?" tanong ni kuya.
"Hindi ko alam kuya Gab. Si Dina nalang ang tanungin mo." sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Downfall (Completed)
RomanceMasayahin, kalog at prangka yan ang katangian ni Jordan. Matalik itong kaibigan ni Ella at pinsan ni Alex. Siya ang naging breadwinner ng kanilang pamilya dahil naging iresponsable na ang kanyang mga magulang at dahil siya ang panganay sa kanilang m...