Lariana's POV
"Are you really sure about this, Lari?"
I was getting ready when Sancho came inside our room. He's worried, as usual.
"Sancho, alam mo namang pwede nang matapos ang lahat kung gagawin ko 'to." huminga ako ng malalim. "Alam mo rin na marami akong kasalanan kina Liana at Leona kaya ko 'to ginagawa."
Tumalikod ako kay Sancho at tiningnan ang sarili ko sa salamin. I look exactly like Liana. Siguradong hindi magtataka ang Violet na iyon, she's stupid.
"Just please, be careful." he said, as always.
Ngumiti ako at muling humarap sa kaniya. He hugged me. Napangiti ako. I feel how much he loves me.
"Mag-iingat ako, I promise." I kissed him. Hindi ko na pinatagal dahil alam kong naghihintay na ang Violet na 'yon. Baka kapag nabored iyon eh baka mapatay niya pa ng wala sa oras ang dalawang bata. Mabilis pa namang lumuwag ang turnilyo niya sa utak.
Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na para sumakay sa kotse.
"Send us a signal when you're in need of help, okay? We'll back you up."
Hindi na'ko sumagot pa at pumunta na sa sinabing lugar ni Violet. Habang papunta ay bigla kong naalala kung saan ang daang ito. If I'm not mistaken, ang lugar na sinabi ni Violet ay ang lugar kung saan niya rin dinala noon si Liana.
Nang makarating ako sa isang abandonadong lugar ay agad ko na iyong pinasok.
Nararamdaman kong marami ang nakamasid sa'kin pero alam ko namang kaya ko sila.
Napatigil ako nang may maramdaman akong tao na nasa likuran ko. Agad akong humarap sa kaniya.
"Sino ka?" tanong ko pero sinenyasan niya lang ako na sumunod sa kaniya. Mukhang dadalhin niya ako kung nasaan si Violet kaya sinundan ko nalang siya.
"Good day, Leona."
Sinamaan ko nang tingin si Violet nang makita ko siya. "Walang maganda sa araw kung nandiyan ka."
"Oh, really?" natawa siya at tumayo mula sa pagkakaupo niya. "Ang tapang mo ha? Natuto ka yata noong muntik na kitang mapatay?"
Ngumisi ako. "Oo, ang tanga mo lang hindi mo pa tinuloy."
Nawala ang ngiti sa labi niya. "Bitch."
Natatawa akong lumapit sa kaniya. "Kawawa ka naman, bobo ka na nga, tanga ka na nga, pikon ka pa."
"You bitch." naglabas siya ng baril at itinutok iyon sa akin. "Gusto mo bang mamatay ng maaga?"
"Kawawa ka talaga, napakatanga mo." sinipa ko ang kamay niya kung kaya't lumipad ang baril na hawak niya. Naglabas ako ng dagger at itinutok iyon sa leeg niya. "Baka ikaw ang maagang mamatay?"
"Marami akong tao, Leona. Hindi mo'ko mapapatay."
Ngumisi ako ulit. "Kahit barilin ako ng mga tao mo, kaya kitang saksakin ng limampung beses. Mamamatay tayong dalawa."
"Talaga ba? Edi hindi mo na mababawi ang mga batang hawak ko."
Nawala ang ngisi sa labi ko. Idinikit ko ang dagger sa leeg niya. "Dalhin mo'ko sa kanila."
"At bakit ko iyon gagawin?"
"Dahil hawak ko rin ang anak mo, Violet."
Nanlaki ang mga mata niya. "Y-You.."
"Gusto mo bang patayin ko ang anak mo? Kayang-kaya ko 'yong gawin. At alam mo bang iniisip ni Winter na sa kaniya ang bata?"
"D-Don't you dare kill my son!"
BINABASA MO ANG
HIS BELOVED WOMAN
RomanceWinter Claque tirelessly searched for his missing love, Leona, for six long months. When he finally found her, she denied being Leona and insisted she was her twin, Liana. However, a tattoo on her chest, similar to Leona's made him question if Liana...