Liana's POV
"Liana."
Napatingin ako sa pumasok sa kwarto ko. Si ate Sefie. Akala ko siya lang ang dumating pero hindi pala. May kasama pa siyang lalaki. Hindi ko alam pero parang nagdiwang ang buong kalooban ko.
"Damn." rinig kong giit ng lalaki. Kitang kita ko ang saya sa mukha niya. Sino siya?
"Liana, he's Blood. Your best friend. Sana maalala mo siya." sambit ni ate Sefie. "Una na muna ako. Mag-usap kayo diyan." pagkatapos magsalita ni ate Sefie ay lumabas na siya ng kwarto ko.
Napatitig ako sa lalaki. Ang gwapo niya. "Hello." giit ko at umupo. Tila ba wala siyang narinig at tinititigan lang ako.
"Liana..."
Nabigla ako ng yakapin niya ako. Bakit sobrang saya ng puso ko?
"Sorry kung hindi kita maalala ah. May amnesia kasi ako." paliwanag ko nang bumitaw siya sa yakap. Ang gwapo gwapo niya. Bestfriend ko lang ba talaga siya?
"It's okay. I'm very happy that you came back. Can I..."
Kumunot ang noo ko nang umiwas siya ng tingin. Anong nangyari?
"Anong gusto mong sabihin?" tanong ko pero hindi siya sumasagot. Ang weird niya.
"Alam mo kahit hindi kita natatandaan, ang saya saya ng puso ko. Siguro ang bait mo noon sakin. Siguro lagi mo akong pinoprotektahan, lagi mo akong inaalagaan. Salamat sa lahat ah. Kahit na hindi kita naalala alam ng puso ko na sobrang—-"
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong halikan. A-Anong...
"I-I'm sorry."
Napaiwas ako ng tingin. Para akong nakuryente sa ginawa niya. Bakit niya ginawa iyon?
"B-Bakit..." hindi ko maituloy ang sinasabi ko dahil sa mga titig niya. Para bang hinihipnotismo niya ako.
"Liana, I'm very excited to tell you this 10 months ago, but you faded away. I regretted the days that I didn't tell you this..." kitang kita ko sa mga mata niya ang pinaghalong saya at lungkot. "Liana, I love you." giit niya.
Halos sumabog ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan pero sobrang saya ko. Bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit hindi tumutugma ang lahat sa mga panaginip ko?
"I thought, we're just friends, but as the day goes by, my feelings for you changed. I'm sorry because I can't just stay with our friendship. Instead, I want this to level up. Liana, can I court you?"
Bakit ba sobra ang kaba ko? Ang daming pumapasok sa isip ko, pero hindi mga alaala. Hindi ko na maintindihan. Kung isip ko ang paiiralin, sinasabi niya na mag-oo ako dahil gwapo siya pero kung ang puso ko ang tatanungin, tila ba parang mahirap ang lahat. Para bang makagagawa ako ng kasalanan. Ayoko na. Sawa na'ko.
"Sorry. Hindi eh." giit ko habang umiiling. Nagtaka ako kung bakit may pumatak na basa sa kamay ko. Luha ko pala. Hindi ko naman alam kung ano ang iniiyakan ko. Kailangan ko na bang pumunta sa mental?
"Shh, it's okay. I will wait. For now, okay. I will accept it but never think that I'm giving you up, okay?" giit niya sa'kin at niyakap ako. Ako naman itong si marupok, sumiksik sa dibdib niya.
*******
Linggo na. Hay nako. Sobrang inip na inip na'ko. Si Ria kasi nawili sa paglalaba, hindi ko na makausap. Bestfriend niya na yung wasing machine doon.Ilang araw naring pumupunta punta dito si Blood. Nakakasawa na ang mukha niya. Nakakainis din pala sa tuwing nakakakita ka ng gwapo ano?
"Liana."
BINABASA MO ANG
HIS BELOVED WOMAN
RomanceWinter Claque tirelessly searched for his missing love, Leona, for six long months. When he finally found her, she denied being Leona and insisted she was her twin, Liana. However, a tattoo on her chest, similar to Leona's made him question if Liana...