Chapter 8

311 25 2
                                    

Liana's POV

Kagigising ko lang at eto ako ngayon. Nagluluto ng almusal. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin ngayong araw. Gusto kong pumunta sa mall pero mukhang hindi pwede. Darating kasi si Ria dito. Gusto niya raw kasing makita itong condo. Kasabay niya rin ang mga naiwan kong gamit. Hindi kasi nagkasya lahat sa kotse ko kagabi kaya ngayon nila dadalhin ang iba. I'm so thankful for my dad dahil hindi niya ibinenta ang condo ko. Well, ako rin kasi ang naghirap para mabili ito. Wala ni kahit na isang kusing ang ibinigay ng mga magulang ko para mabili ito.

Pagkatapos kong magluto ay kumain na ako. Hindi kagaya nang mga nakaraang araw, tahimik ang paligid. Mas maganda sa pakiramdam. Walang gulo. Mas nabawasan ang stress ko.

Hindi naman ako ganito dati. Gustong gusto kong ibalik ang dati kong ugali. Yung kahit 24 hours ako sa library, hindi ako mabobore. Pero nagbago na ang nagbago. Hindi na pwedeng ibalik ang nakaraan.

Ngayon na naaalala ko na ang lahat, gustong gusto kong murahin ang mundo. Ang dami dami kong pinagsisisihan. Napakarami ko na yatang kasalanan. Paano ba nagsimula ang lahat ng ito? Bakit ang isang tahimik na babae na maayos ang pamumuhay noon ay magiging isang babaeng sira at wala nang ikaa-ayos pa?

Isa lang akong nerd noon. Laging top ng klase. Laging hinahangaan ng iba dahil sa katalinuhan. Wala yatang pagkakataon na hindi umakyat si mom and dad sa stage para sabitan ako ng medal. Mahigit kumulang 1,000 ang medals ko kung hindi ako nagkakamali.

Mahilig na mahilig ako sa libro. Kahit anong libro. May mga araw pa nga na hindi na ako kumakain dahil nawili ako sa kababasa. At napagalitan pa nga ako ng dahil doon. Bookworm ako kung tawagin. Ang nagpauso non? Si Leona.

Hindi kami magkasundo ni Leona sa kahit na ano mang bagay. Mahilig akong mag-aral, siya hindi. Mahilig siyang magparty, ako hindi. Mahilig akong mapag-isa, siya hindi. Mahilig siyang gumala, ako hindi. At marami pang iba. Kung sa 100% na pagkakatulad, 5% lang ang meron kami. Kahit na kambal pa kami.

Bully si Leona. And I can really say that she is a bitch. Flirt din. Hindi ko siya sinisiraan, sinasabi ko lang ang totoo. At inamin niya rin naman. Sa school, siya ang pinakamaganda. Kahit pa magkamukha kami. Mas lamang siya at mas sikat. Lagi kasi siyang sumasali sa pageant. Kumbaga mas na enhance ang kagandahan niya kaysa sa akin. Pero kahit na ganun, hindi ako nainggit sakaniya. Mas gusto ko nalang na mapag-isa at walang fans. Mas tahimik.

Never kaming naging magka-ayos ni Leona. I mean, magkaayos naman kami nung grade school pero habang tumatanda kami, napapalayo kami sa isa't isa. Pasaway siya kay mom and dad. But still, mahal na mahal pa'rin siya. Ang tanging ipinagselos ko lang noon kay Leona ay yung pagiging carefree niya. Kapag may nagawa siyang hindi maganda, okay lang sakaniya. Pero ako? Bumaba lang ng isang numero ang grades ko, feeling ko bibitayin na ako. Takot akong masabihan na isa akong failure. Ayokong masira ang image ko kay mom and dad. Ayoko silang madisappoint.

Maraming kaibigan si Leona. May mga totoo, may mga plastik, at may mga hindi mo maintindihan. Hindi ko alam kung papaano ang ginagawa niya para magkaroon ng sobrang daming kaibigan. Gusto kong isigaw ang salitang 'sana all'. Pero kahit na ganun, feeling ko swerte pa'rin ako. May best friend pa'rin naman ako. Si Blood. Kaya kong ipagsigawan na sobrang swerte ko talaga sakaniya. Kung umasta kasi siya sa'kin, para ko siyang boyfriend. Kaya nga ako nahulog sakaniya. Inlove ako sa bestfriend ko. Yes. Pero hindi niya alam. Dahil ayokong masira ang friendship namin.

Masaya naman ako dati. Masayang masaya. Kung hindi lang naman dumating ang araw na ikinagimbal ko.

Hinding hindi ko makakalimutan ang araw ng iyon. Umuulan. Napakalakas. Mukhang may darating na bagyo. Tulog na ang lahat pero ako, hindi pa. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko non. Paborito ko ang ulan. Mahal na mahal ko ang ulan. Pero nang mga sandaling iyon, hindi talaga ako mapakali. Kaya bumaba ako sa sala. Binuksan ko lang ang dim light dahil baka magising ang mga tao. Sa mga sandali ding iyon, may kumatok sa pinto. Hindi na ako nagtaka kung sino ito dahil halata naman. Ganitong oras umuuwi si Leona kung hindi ako nagkakamali.

HIS BELOVED WOMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon