Liana's POV
Since Junior needs to go to school, ako na ang naghatid sa kaniya, pagkatapos no'n ay dumeretso muna ako sa isang park. It's Monday, by the way.
Wala na naman akong kasama.
Nasa school si Junior at nasa kompanya naman si Blood. Mukhang pinapahirapan talaga ng Winter na'yon si Blood.
It's my fault though...
Kung hindi ko idinamay si Blood sa kaguluhang 'to, hindi siya nagpapakahirap ngayon na ihandle ang kompanya nila.
Kailan ba magiging tahimik at maayos ang buhay ko? Kailan kaya ako magiging masaya at magkakaroon ng masayang pamilya?
Pumikit na lamang ako at huminga ng malalim. Siguro, matagal pa iyon.
Hangga't nandiyan pa si Winter at mahal niya pa ak—si Leona, hindi matatahimik ang buhay ko.
Ano ba ang dapat kong gawin para tigilan na niya ako?
Oo mahal ko siya. Mahal na mahal ko pa'rin siya pero hindi naman mapagkaka-ila na si Leona talaga ang mahal niya simula pa noong una.
At ngayon na alam na niyang nagpanggap lang ako na bilang si Leona, nararamdaman ko na na unti-unti siyang aalis at lalayo mula sa'kin.
Masakit.
Oo gusto ko siyang umalis pero ayoko rin at the same time. That's my real feelings. Ang gulo di'ba?
Mahal ko talaga eh.
Pero wala akong magagawa sa magiging desisyon niya. Hindi naman ako si Leona at kahit na i-pursue niya ako, hindi kami magiging masaya dahil hindi ko kailanman malilimutan ang pagkamatay ng anak ko.
Hindi kami ang para sa isa't isa dahil palagi lang kaming magkakasakitan.
Hindi kami destined for each other.
Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at naglakad lakad muna.
Tahimik ang park. Kaunti lang ang tao dahil may pasok ang mga bata na laging naglalaro dito.
Napangiti ako ng mapait nang maalala na dati kaming naglalaro dito ni Leona. Noong elementary days at sobrang close namin noon. Walang makapaghihiwalay sa'min.
Kung nabubuhay siguro si Leona, wala akong problema ngayon. Tahimik akong nabubuhay at walang bigat sa damdamin ko na boyfriend ko si Blood.
Bakit ba agad siyang kinuha ni God?
Ang sabi pa naman nila, hindi agad kinukuha ang masasamang damo?
Napailing nalang ako at muling naglakad. Napunta ako sa isang seesaw.
Maraming bata at magjowa ang gumagamit nito pero heto ako, mag-isa lang.
Sumakay ako sa isang side at naglaro ng mag-isa.
I stopped when I imagined Winter playing it with me.
Ano ba Liana? Nababaliw ka na ba?
Bumagsak ang balikat ko at muling na-disappoint. Paano mo siya makakalimutan kung ang laging laman ng utak mo ay siya lang lagi?
BINABASA MO ANG
HIS BELOVED WOMAN
RomanceWinter Claque tirelessly searched for his missing love, Leona, for six long months. When he finally found her, she denied being Leona and insisted she was her twin, Liana. However, a tattoo on her chest, similar to Leona's made him question if Liana...