Liana's POV
Iniwan ko ang natutulog na si baby Aresse sa loob ng van at lumabas na nang makitang lumabas na ang ibang mga pulis at may mga kasamang mukhang tauhan ni Violet.
Nasa'n sina Winter? Okay lang ba sila?
"Sir, nasa'n yung ibang mga kasama ko? Okay lang po ba sila?" tanong ko sa isang pulis na kalalabas lang mula sa lugar.
"Sa ngayon miss ay hinuhuli na nila si Violet Alton at nagkakabarilan sa loob. Hindi ko masasabing okay lang ang mga kasama mo pero siguradong mahuhuli naman ang suspek."
Napapikit ako at kinabahan sa sinabi niya. Papano kapag may nangyaring masama sa kanila? Bakit iba ang nararamdaman ko? Bakit parang hindi tama?
Tumunog ang cellphone ko tandang may tumatawag kung kaya't kinuha ko ito mula sa bulsa ko at sinagot ang tawag.
"Anak, is there's something wrong there? Are you okay? Why am I feeling that you're not?"
"Mom, I'm okay. I'm also feeling that. Siguro dahil na rin nasa loob pa sina Sancho, si Junior..." napakagat ako sa daliri ko because of anxiousness. Please, sana naman walang mangyaring masama sa kanila.
"Si Junior nasa loob pa rin?! Hostage pa rin ba siya nung Violet?"
"I don't know mom, pero sana walang mangyaring masama sa kaniya. I will blame myself forever kapag may nangyaring masama kay Junior."
"Just pray, anak. Walang mangyayaring masama kay Junior, okay?"
"I really hope mom...oh my god!"
"What? What happened?"
I immediately ended the call when I saw Sancho carrying Lariana in his arms coated with blood.
"What happened?!" nilapitan ko siya at napatakip ako sa bibig nang makitang sobrang daming dugo ang lumalabas kay Lariana.
"She got shot by Violet. She's in critical condition. She's losing too much blood." Sancho said. Worry is all over his face.
Sakto nalang at dumating ang mga ambulansiya. Agad na isinakay si Lariana.
"I need to go with you." giit ko kay Sancho pero umiling siya.
"Winter got shot too, Liana."
Napahinto ako at napatingin sa gilid ko. I saw Winter assisted by a police officer. May tama siya sa tagiliran. Agad akong lumapit sa kanila at inalalayan din siya. "You need to go to the hospital as soon as possible. You're also losing too much blood."
"It's okay. I'm okay."
"No, you're not! Look at yourself, pwede kang mamatay nang wala sa oras!"
He smiled at me. "You're so worried..."
"Nakukuha mo pa talagang ngumiti? You need to go to the hospital, Winter!" giit ko 'tsaka bumaling sa paramedics. "Kuya, paki-assist na siya please."
Napatigil ako nang hawakan ni Winter ang kamay ko. "I love you."
"Winter..."
"I might suddenly die later so I'll just remind you that I love you so much."
Tumulo ang luha ko. "Don't say that!"
Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang luha ko. "I love you so much, Liana."
"I love you too." I answered while crying. He kissed me on my forehead and then isinakay na siya sa ambulansiya.
Pinunasan ko na ang luha ko nang tawagin na ako ni Dana. Pumasok na ako sa van at sakto namang gising na si baby Aresse. Nandito na rin sina Junior at ang anak ni Violet. May dugo rin sila sa mga damit nila pero wala namang sugat.
BINABASA MO ANG
HIS BELOVED WOMAN
RomanceWinter Claque tirelessly searched for his missing love, Leona, for six long months. When he finally found her, she denied being Leona and insisted she was her twin, Liana. However, a tattoo on her chest, similar to Leona's made him question if Liana...