Lariana's POV
"I'm so thankful that you allowed me to be with you."
I smiled at Sancho and hold his hand tightly. "You know me, Sancho. Sigurado ako na kapag nakaharap ko na si Violet, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mapatay ko siya ng wala sa oras."
Nasa kotse pa kami at bumabyahe pa papunta ng Ashley's. Isa iyon sa mga sikat na fashion designer dito sa Pilipinas.
Siguro wala silang budget for HCS, in short for Hera Chie Sotto. Iyon ang pinakasikat na fashion designer dito sa Pilipinas, top 1 ba. If I'm not mistaken, HCS ang laging nagdedesign ng mga gown and suits ng Alvareoz family, isang multibillionaire family.
"Hindi ko alam kung matatawa ako o kaiinisan si Violet sa pagkadesperada niya na maging asawa si Winter. Nagpapasukat pa ng gown eh hindi naman willing na magpakasal ang pinapantasya niyang lalaki sa kaniya." I smirked. Violet, Violet, Violet..such a loser. Ugh.
"Let her, Lari. She'll be crying in pain soon kapag naayos na ang lahat."
I looked at Sancho. "I really hope so."
Mas binilisan ni Sancho ang pagmamaneho ng sasakyan kung kaya't mga limang minuto lang ay nakarating na kami agad sa pupuntahan namin.
"You'll wait for her here?" tanong ni Sancho. Tumango ako at lumabas na ng sasakyan. Bago ko isara ang pinto ng kotse ay ibinigay ko ang isang chip kay Sancho. "Nasa Luna's Restaurant si Dana, ibigay mo 'yan sa kaniya para mahack niya ang mga CCTV ng Ashley's."
Tumango si Sancho at sinarado ko na ang kotse. Umalis na siya at hinanap ko naman ang kotse ni Violet.
Nang mahanap ko iyon ay agad kong inilabas mula sa bag ko ang mga thumbtacks at pako, lahat ng mga matutulis na bagay na ibinigay sa akin ni Dana.
Inilapag ko iyon sa palibot ng gulong ng kotse ni Violet. Pinaka-ayos ko pa iyon para talagang sure na mabubutas ang gulong ng kotse niya kapag idinrive na niya ito.
Come on, Violet, gusto kitang inisin hanggang sa mabaliw ka.
Inilabas ko rin ang dagger na ibinigay sa akin ni Dana. Inilapat ko ito sa kotse ni Violet. I was amazed at how it scratched the car so badly.
I stopped when I was pleased to see how bad the scratches were. I even engraved the word "slut" on it, just like her.
Sa likod lang naman ang sinira ko so, I'm sure hindi niya agad 'to mapapansin, tanga pa naman ang babaeng iyon.
Ilang minuto pa nang makita ko na siya. Oh, Violet, it's nice to see you again.
"Violet."
Umangat ang tingin niya sa akin at nang makita na niya ako ay nanlaki ang mga mata niya. "Leona..."
"How are you? It feels like walang nagbago sa'yo, you're still a bitch."
Walang isang segundo ay napangisi na siya. Oh, ano pa ba ang ikagugulat ko, may lahi nga palang demonyo—este, demonyo nga pala ang babaeng ito.
"And you? Looks like may nagbago sa'yo, tumapang ka. Nakakatapang pala kapag pangalawang buhay mo na 'no?"
Ngumisi ako. She really thought that I'm Liana, thanks for having this face by the way.
"Pangalawang buhay?" I laughed. "Yes, thanks to you." kahit nakangiti ay siguradong halata sa mga mata ko ang pagkapoot. Sino ba naman ang hindi magagalit sa babaeng ito?
"You're welcome."
Nilapitan ko siya. "Ang saya saya mo, not knowing that I'm here to say that I know all of your secrets." Nanigas siya sa kinatatayuan niya. I smirked. "Gusto mo bang malaman kung ano?"
BINABASA MO ANG
HIS BELOVED WOMAN
RomanceWinter Claque tirelessly searched for his missing love, Leona, for six long months. When he finally found her, she denied being Leona and insisted she was her twin, Liana. However, a tattoo on her chest, similar to Leona's made him question if Liana...