Chapter 9

326 30 4
                                    

"Blood..."

Nginitian niya ako ng matamis. "Hi there, beautiful." may dala siyang bulaklak. Ang favorite ko! Tulips!

"P-Pasok ka." niluwagan ko ang pinto para makapasok ito. Napapikit ako nang maamoy ko ang pabango nito. It's also my favorite smell! 'Shattered Kisses' from their company; Ellieas.

"I'm very grateful that you came back here. But I'm very very grateful when they told me that you remember everything now." ngumiti siya sa akin at umupo sa couch. Hindi ko mapigilang mapatitig sa mukha ni Blood. He's so handsome.

"I'm also grateful, Bloody." natawa ako nang makita ko ang reaksiyon niya. Nanlaki ang mga mata niya nang tawagin ko siya sa palayaw ko sakaniya. Mukhang namiss niya ang pagtawag ko sakaniya ng ganun.

"You really remembered everything."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano pa ba?" natawa ako. I'm happy na hindi pa'rin nagbabago ang dati naming closeness. We're best friends anyway.

"Well, uhm, Liana..." napaangat ang tingin ko sakaniya. Para itong may importanteng sasabihin. "You know that I like you, right?"

Napalunok ako. My gosh, bakit niya ako pinapakaba? "A-Ah Blood, k-kasi..." awkward. Damn.

Ngumiti ito. "It's okay, Liana. No need to rush. I can wait." napaiwas ako ng tingin sakaniya. What the hell is going on? I'm refusing my crush's proposal to be his girlfriend? My gosh, this is insane!

"Blood, I'm very sorry. M-Marami kasing nangyari sa'kin from the day na nawala ako. And the thing is, natatakot pa'rin ako..." napapikit ako at sinubukang pakalmahin ang sarili ko. Ayokong umiyak. Ayokong ibalik ang mga nangyari. Ayokong maisip ang mga masasamang nangyari sa akin. Ayokong balikan ang mga bangungot na iyon.

"What happened? You can tell me." sagot nito. Umiling lamang ako. Hindi niya pwedeng malaman. At ayoko rin namang magkuwento.

"I will tell you but not now, Blood. I'm still hurting." umiwas ako ng tingin ng maramdaman kong may tumulong luha mula sa mga mata ko. Bwisit naman oh. Sabi nang ayokong umiyak!

Naramdaman ko ang paglapit ni Blood at ilang segundo pa nang maramdaman ko ang yakap niya. Hindi ko mapigilang mapahagulgol. This is what I wanted 6 months ago. Gustong gusto kong mayakap noon. Gustong gusto ko ng karamay.

"Whoever brought you pain, I will curse them to death. You don't deserve the pain, Liana. Love is you deserved."

Napahagulgol na lamang ako. I'm very very happy that I have him. I have my boy best friend. Sana siya nalang ang minahal ko. Sana sakaniya nalang ako nahulog. Hindi sa lalaking iyon.

Ilang minuto pa at bumitaw na ako sa yakap. Nakakahiya na kay Blood. "Sorry, I'm very dramatic." natawa ako ng kaunti. He just smiled.

"It's okay. Just remember that I am always here for you." ginulo niya ang buhok ko. Bakit ang hilig niyang gawin 'yon? Tss.

"Wait, Bloody. Do you remember what you did when we were in grade school?" tanong ko sakaniya. May plano ako.

Kumunot ang noo niya. "I chopped your hair?" hindi niya siguradong sagot. Ngumiti ako at tumango.

"Yes! And I want you to do it again." sagot ko. I want to move on. And that's what ladies do.

"But that's a long time ago." sagot nito at napakamot pa sa ulo. Ang cute niya.

"I don't care, Bloody." sagot ko at tumayo. Kumuha ako ng gunting sa kusina at muling bumalik sa sala. Ibinigay ko ang gunting kay Blood. "Now, do it. I want it the same as what you did when we were in grade school."

HIS BELOVED WOMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon