Chapter 22

251 13 3
                                    

Lariana's POV

"You said what?!"

I glanced at Sancho. "May masama ba sa nasabi ko?" umupo ako sa may bar stool at uminom ng red wine.

Lumapit sa'kin si Sancho at tinabihan ako. "Lari, are you serious? Makikipagkita ka kay Liana?"

Tumango ako nang hindi siya tinitingnan. "Alam kong mahirap na para sa kaniya ang mga nangyayari and if I'm not mistaken, nagpaplano na si Blood na magpropose sa kaniya." inubos ko ang laman ng goblet ko at humarap kay Sancho. "I can't let that."

"But Lari, baka mapahamak si Liana sa gagawin mo. You started a war between her and Violet. Sigurado akong may mangyayaring masama kay Liana kapag nalaman niya ang totoo. Hindi maganda na magka-ayos sila ni Winter na nandiyan si Violet."

Napapikit ako. "First of all, Violet started this war. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ganito kagulo ang buhay ni Liana. Second, alam kong papayag si Liana na magpakasal kay Blood kung nagkataon mang magpopropose nga siya. Last, kaya nating protektahan si Liana kung may balak man si Violet na masama, especially that I have her son."

Gulat na tumingin sa'kin si Sancho. "You what? Anong ibig mong sabihin? Y-You have Violet's son?"

Tumango ako. "Dahil pabayang ina ang Violet na iyon, ni hindi niya man alam na nawawala na ang anak niya." tumayo ako. "This is my plan, Sancho. Anak sa anak."

Tumayo rin si Sancho at iniharap ako sa kaniya. "Wag mong sabihin na may plano kang masama sa anak ni Violet?"

I frowned at him. "Of course not, Sancho! I'm just saying na kilala ko na si Violet. Alam kong sa oras na malaman ni Winter ang totoo, she'll take the risk and target Liana and her family. Alam kong idadamay niya ang mga alagang bata ni Liana at kasama ron si baby Aresse. Hindi ko hahayaang masaktan ang anak ko, Sancho."

Tinalikuran ko siya at hinanap ang number ni Liana sa cellphone ko. I texted her the address kung saan kami magkikita. Alam kong sisipot siya lalo na't tungkol sa mga nangyari noon sa kaniya ang pag-uusapan namin.

I know I'm doing the right thing, gagawin ko ang lahat para maayos ang gulong ito dahil sa totoo lang, ako naman talaga ng dahilan ng lahat ng ito.


Liana's POV

I was babysitting baby Aresse when I felt my phone vibrating. Someone texted me.

From: Unknown Number

Meet me at the Juan Fajardo Cemetery this day. This is important. I know you have so many questions about what happened before. It's all about you, Winter, and your baby. If you want to know everything, meet me later at 4 pm.

~LD

W-What the hell is this?

Sinigurado ko munang mahimbing na ang tulog ni baby Aresse bago ako lumabas ng kwarto.

It's Sunday and I'm totally free but...who is this? Anong alam niya sa mga nakaraan namin ni Winter?

I immediately dialed the number but it's unattended.

Lumabas ako ng kwarto at agad na pinuntahan si Ria sa kwarto nila ni nanay.

"Ria?" tawag ko sa kaniya nang makapasok ako sa kwarto. Nakatutok ito sa laptop niya.

Agad siyang tumingin sa akin. "Oh, bakit?" tumayo siya mula sa kina-uupuan niya at lumapit sa'kin.

"Pwedeng bantayan mo muna si baby Aresse? Uhm, aalis kasi ako mamaya, may aasikasuhin lang ako sandali." pinilit kong huwag kabahan dahil kapag nanginig ang boses ko, alam kong iinterviewhin ako ni Ria hanggang madaling araw.

HIS BELOVED WOMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon