Chapter 18

237 13 0
                                    

Liana's POV

Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Napahawak ako sa ulo ko dahil kumikirot iyon.

"You're awake."

Napabaling ang tingin ko sa nagsalita. I was shocked when I saw Winter sitting on the couch beside the bed.

I was left speechless. Kaya pala familiar ang lugar. This was our hide-out before.

Dito nabuo ang lahat.

"Did you just abduct me?"

He smiled sadly. "I'm sorry."

Huminga ako ng malalim at umupo ng maayos. "I-uwi mo na ako habang hindi pa'ko galit sa'yo, Winter."

He looked at me. "I can't."

Ikinuyom ko ang mga palad ko. "Winter, please. I-uwi mo na ako habang hindi pa ako tuluyang nagagalit sa'yo." pinipilit kong huwag magalit dahil alam kong iiyak ako nang wala sa oras.

"Can't we just have a time? I want to express myself."

Ngumisi ako. "You expressed yourself how many times Winter so no need."

Lumapit siya sa'kin at lumuhod sa harap ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. "Can't we start again? Can't we start as you are Liana and I am Winter who's willing to give up everything just to have you?"

Kahit pala anong pigil ko ng luha ko basta kapag nakikita ko si Winter at bumabalik ang mga ala-alang nagawa namin noon, iiyak pa'rin ako.

Binawi ko ang kamay ko mula sa kaniya at umusog para layuan siya. "Winter, hindi tayo pwede. May boyfriend na'ko at alam mo 'yan." pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa mga mata ko.

"I don't care, I just love you so much."

"No Winter. That's not loving, that's an obsession." may galit sa boses ko.

"Liana..."

Tumulong muli ang luha sa mga mata ko. "Winter, hindi na ako si Liana na nagpapanggap bilang kapatid ko. Iba ako sa Liana na nakilala mo noon." tiningnan ko siya. "I'm not naive, I'm not kind, I'm not caring, I'm not innocent, and I'm just like those women you've met before."

Umiling siya. "No, you're not."

"Wag mo'kong diktahan, Winter. Alam ko sa sarili ko kung sino ako, alam ko sa sarili ko kung ano ako, at alam ko sa sarili ko na h-hindi kita mahal.."

Muli kong pinunasan ang luhang tumulo mula sa mga mata ko.

"I won't give up, Liana."

Tumingin ako sa kaniya nang may lungkot at galit. "Winter.."

"I love you so much and I won't stop until you love me again."

"Winter please! Ayokong masaktan ka kaya lumalayo ako sa'yo. Hindi mo alam ang buong kwento kung bakit ganito ako sa'yo kaya please lang, tigil na."

Kapag nalaman niya na namatay ang anak namin ng dahil sa kaniya, sigurado akong masasaktan siya ng sobra at hinding hindi niya mapapatawad ang sarili niya.

Ayokong mangyari 'yon dahil kahit pagbali-baliktarin natin ang mundo, mahal ko pa'rin siya.

"Then tell me kung bakit ka nagmamatigas sa'kin. Why can't you say you love me even though you do?"

Umiling ako. "I will never tell you, Winter. You don't deserve to know."

Halo-halo ang nararamdaman ko para sa kaniya. Oo mahal ko siya pero galit din ako sa kaniya at the same time dahil sa mga nangyari noon.

HIS BELOVED WOMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon