Chapter 6

323 29 0
                                    

Third Person's POV

Magulo.

Napakagulo ng mansion.

Kahit ang mga katulong ay sama samang nagpulong sa sala. Basag lahat ng mga gamit. Pati na ang mga antique na galing pang France. Lahat ng mga picture frames, nagkalat na rin. Pati na ang napakamahal ng TV na galing pang England. Walang natirang gamit na babasagin. Lahat nagkalat na sa sahig.

"Tama na. Liana, tama na!"

"Hindi!! Hindi!!!!"

Puros sigawan. Wala ni kahit na sino ang mahinahon. Ang iba nga'y pinili na lamang na manahimik.

Napakaraming pumipigil kay Liana. Hindi nila ito maintindihan. Simula pa kaninang hapon nang magising ito'y ganiyan na siya. Parang nababaliw. Nasisiraan na ng bait. Para siyang sinaniban ng masamang espiritu. Marami siyang isinisigaw ngunit hindi nila ito maintindihan.

"Huwag niyo akong hahawakan!!! Lumayo kayong lahat!!! Lumayo kayo!!!" halos mabingi ang lahat sa sigaw ng dalaga. Inaalis nito ang pagkahawak sa kaniya ng kaniyang kuya at ng kaniyang papa.

"Liana anak, tama na!" umiiyak na sigaw ng kaniyang ina. Nasasaktan ito sa nangyayari sa kaniyang anak. Parang itong takas sa mental.

"Hindi...hindi!!!!" matinis na sigaw ng dalaga. Ang iba'y napatakip na sa tenga sa sobrang lakas nito. "Patay....patay na siya!!! Hindi!!!"

Napatigil ang iba sa isinigaw nito. Sinong patay? Anong nangyari?

"Papatayin nila ako...isusunod nila ako...ayoko!!! Hindi!!"

Nagimbal ang iba sa sinabi nito. Ano na naman? Ano ba talaga ang nangyayari?

"Shh, anak nandito si papa. Shhh." niyakap ng ginoo ang kaniyang anak. Hinayaan niyang pagpapaluin at paghahampasin siya ng kaniyang anak. Kung iyon lang ang makakapag patigil, bakit hindi?

"Ma'am, Sir, nandiyan na po ang ambulansiya." giit ng isang katulong at may kasunod na isang doktor.

"Please, patigilin mo ang anak ko nagmamakaawa ako." hindi matigil sa pag-iyak ang ginang. Nasa tabi nito si Sefie.

"We just need to inject this to her." sagot ng doktor at naglabas ng isang syringe. Isa itong pampatulog.

"Huwag!!! Huwag!!! Hindi!!" nagwala ito nang lalo nang makita ang hawak ng doktor. Tila ba parang may naaalala siya dito.

"Anak please, huminahon kana..." hirap ng sabi ng papa nito.

"A-Ayoko niyan!! Mamamatay yung baby ko, huwag...please...huwag.." umiiyak si Liana. Takot na takot ang mga mata nito at hawak ang kaniyang tiyan na para bang may bata talaga doon.

Napakunot ang lahat sa sinabi ng dalaga. Baby? Anong baby?

"H-Huwag niyo kong papatayin please, nagmamakaawa ako...m-mamamatay yung baby ko. H-Hindi siya pwedeng mawala...siya nalang ang m-meron ako.." nakayukong umiiyak pa'rin ang dalaga at hawak hawak ang kaniyang tiyan.

Hindi siya maintindihan ng lahat. Anong baby ang pinagsasasabi niya? Naguguluhan silang lahat.

"Nagbalik na naman siya...nagbalik na naman ang nakagigimbal na ala-ala niya..." hindi mapakaling giit ni Flor.

"Ma'am Leni, nangyari na po ito dati. Sinasabi niya rin po ang mga bagay na 'yan dati. P-Pero mas malala po siya ngayon..." paliwanag ni Ria.

Totoo. Noong ika-dalawang buwan ni Liana sa bahay nila'y para rin itong nababaliw. Sinasabi nitong papatayin nila siya. Papatayin siya at idadamay ang baby niya. Hindi rin nila alam ang nangyayari noon. Mabuti na lamang at nang matulog ito'y bigla niya na lamang nalimutan ang lahat. Para itong bangungot sa dalaga. Nakakapangilabot na bangungot.

HIS BELOVED WOMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon