Chapter 13

250 16 3
                                    

Happy 1k followers!!! I love you all JDnians!! Let's expand our HJFam more!! Muwah~❣️🌺

**************

Liana's POV

It's Wednesday and I decided to go to the mall. Wala akong kasama dahil busy si Blood sa kompaniya nila. He said that someone's sabotaging their company.

Alam ko na kung sino ang salarin. It's Winter. Kilala ko ang lalaking iyon. He would do anything dahil nagseselos siya. He wants to ruin Blood's life.

Gano'n ba talaga siya ka obsessed kay Leona? Damn him, really.

Ilang sandali lang nang tumunog ang cellphone ko. Ria's calling. "Hello?" bungad ko pagkasagot ko ng tawag.

"Sis! Where u? Half day lang daw ako ngayon sabi ng kuya mo kaya bonding tayo! Asan ka? Tumawag ako sa mansion wala ka daw dun eh."

Napangiti ako. Mukhang may makakasama ako ngayon. "Nasa Alvareoz Mall ako. Hintayin kita sa may Jollibee." giit ko.

It's 12:30 at hindi pa ako nanananghalian. Siguro naman ay hindi pa'rin siya kumain kaya dito nalang sa Jollibee. Favorite niya pa naman dito.

"Libre mo food ha." giit niya.

"Oo na pero libre mo'ko kapag sumahod ka na ah." sagot ko.

Narinig ko ang pagtawa niya. "Oh sige sige. Pasalamat ka talaga malaki sweldo dito sa kompaniya niyo."

Napangiti nalang ako at in-end na ang tawag. Pumasok ako sa Jollibee at nag-order ng maraming pagkain. Hindi sapat ang isa kay Ria. Matakaw ang babaeng iyon.

Ilang minuto lang nang makarating si Ria. Iwinagayway ko ang kamay ko para makita niya kung saan ako naka-upo.

"Eh? Bakit wala pa yung foodalus?" tanong niya nang makalapit siya. Umupo na siya sa upuan at nilagay ang bag niya sa tabi niya.

"Marami kasi akong in-order. Sabi nung ate sa may cashier ihahatid nalang nila. Marami pa naman ang nakapila." sagot ko.

Napanguso siya at inalis ang coat niya. Napaka-init kasi, nagcoat pa siya.

"So anong ganap mo? Parang wala kang trabaho ah." giit niya.

Napangiwi ako. "Wala nga pero plano kong magtayo ng coffee shop." giit ko.

Tumaas ang kilay niya. "Bongga ah. Lagi akong pupunta diyan kapag gawa na iyan." giit niya. Sakto naman ang pagdating ng mga order namin.

"Thank you."

"Ay pak! Sa'kin 'tong mga mushroom soup ha." kinuha ni Ria ang tatlong mushroom soup at inilapit iyon sa kaniya.

Well, I don't really like mushroom soup kaya sakaniya talaga lahat ng iyon.

Habang kumakain kami ay may napansin ako sa labas.

Wait....is that...??

Pinakatingnan ko ang lalaking nasa labas. Si Denver 'yun ah.

Dali dali kong inubos ang pagkain ko at ininom ang pineapple juice na in-order ko.

"Sa'n ka pupunta?" tanong ni Ria na ngayon ay kinakain ang chickenjoy niya.

"Ah sa labas lang. Pakibantay nalang 'tong bag ko ha. Sandali lang ako, babalik din ako kaagad." giit ko at dali daling lumabas ng Jollibee.

Tumingin tingin ako sa paligid ko at hinanap si Denver. Sigurado akong siya 'yon.

Pinuntahan ko ang kinatatayuan niya kanina pero wala na siya ro'n. Nasa'n na iyon?

Naglakad lakad pa ako at hindi ko napansin ang isang babae kaya nagkabunggo kami.

HIS BELOVED WOMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon