Liana's POV
"What's her name?" tanong ko kay Sancho habang papasok kami sa mansiyon.
The baby's really cute, like so so cute! She's so little and I love her so much!
Bago pa man makasagot si Sancho ay agad nang nagsalita si Wendy. "OMG! Ayan na ba yung baby mo?!"
Agad siyang lumapit sa'kin dahil ako ang may hawak sa baby.
"Grabe Sancho, ang cute!" gigil na gigil si Wendy sa sobrang tuwa nito na makita ang bata.
"Anong pangalan, bro?" tanong ni Denver.
"Wintliane Aresse."
Napa 'oh' ako. "That's a beautiful name! Sinong nag-isip?" Knowing Sancho, siguro hindi siya ang nagpangalan sa baby niya.
Umupo muna kaming lahat bago siya magsalita.
"Her mom, Lariana." sagot niya.
Kumunot naman ang noo ko. Lariana? That's somehow a familiar name. A really familiar name pero..ah ewan.
"Grabe, Sancho. Ang cute ng anak mo! Pero bakit parang hindi mo kamukha? 'Tsaka wait.." nahinto si Wendy at tiningnang mabuti ang baby ni Sancho na hawak hawak ko ngayon. "Mas kamukha niya pa si Liana eh!"
Natawa ako. Oo nga. Nakikita ko rin ang mukha ko sa baby.
"Kamukha niya ang mama niya, that's why. 'Tsaka magkahawig naman sila ni Liana kaya.." napatango nalang si Sancho.
"Nasan naman yung jowa mo? Bakit hindi mo sinama?" tanong ni Denver.
Napakamot naman sa ulo si Sancho. "S-She's in Australia, y-yeah...Australia.."
Kumunot ang noo ko. "So iniwan niya sa'yo 'tong baby niyo? Marunong ka bang mag-alaga?"
Napangiti siya ng kaunti. "Yun na nga eh. Hindi talaga ako marunong kaya hihingi sana ako ng tulong sa'yo." giit niya.
"Eh?"
"Pwedeng sa'yo muna si Aresse kahit mga ilang linggo lang? Kailangan ko kasing umuwi ng Cebu. Si mama kasi eh..." lumungkot ang mukha niya.
Natuwa ako at nalungkot at the same time. "Oo naman! Pwedeng pwede 'no! Pero anong nangyari kay tita Sunny?"
Mas lumungkot ang mukha ni Sancho. "She was diagnosed with cancer 10 months ago and now..it's on stage 3."
"What?!" sabay kaming tatlo nina Wendy at Denver na napasigaw ng kaunti.
"Bakit hindi mo sinabi sa'min no'n? Kasama ka namin 10 months ago ah." tanong ni Denver.
"Ayaw ipasabi sainyo ni mama eh. Ayaw niya raw kayong mag-alala." giit ni Sancho.
"Sabihin mo kay Tita Sunny, magpagaling siya ah? Magp-principal sponsor pa siya sa kasal ko." ngumiti ako ng kaunti.
"Oo sige, sasabihin ko."
Nafeel siguro ni Wendy ang lungkot sa paligid kung kaya't lumapit nalang siya kay baby Aresse at nilaro ito.
"Tara na pala sa dining room! Kumain na tayo." giit ko para ibahin ang topic. Hindi ako sanay na pinag-uusapan namin ang mga malulungkot na bagay lalo pa't ngayon nalang kami nagkita-kita ulit.
Naunang tumayo si Denver at inakbayan si Sancho papuntang dining room. Magkasabay naman kami ni Wendy dahil siya ang nagdala ng gamit ni baby Aresse.
Nang maka-upo na kaming lahat ay si Wendy na ang nagsandok ng kanin at ulam ko dahil bitbit ko nga si baby Aresse.
"Mukhang ready ka nang maging nanay, Liana. Tingnan mo oh, parang ikaw talaga yung nanay ni Aresse." inilabas ni Denver ang cellphone niya at pinicturan kami ng bata.
BINABASA MO ANG
HIS BELOVED WOMAN
RomanceWinter Claque tirelessly searched for his missing love, Leona, for six long months. When he finally found her, she denied being Leona and insisted she was her twin, Liana. However, a tattoo on her chest, similar to Leona's made him question if Liana...