Chapter 20

43 5 1
                                    

"Will you be my date?"

Tumingin ako sa mga tao. Ayokong mapahiya si Luke sa kanila. Ano ba ang pwedi kong sabihin na hindi siya masasaktan??

Lahat sila naghihintay ng sagot. Ano ba ang dapat kung gawin o sabihin?

Sasabihin ko ba na "No"? Tatakbo ba ako? Hindi kikibu? Magsosorry? Ano???

---------------------------------

"Yes."

Teka? Bat ko nasabi yun? Baka kasi mapahiya siya ng dahil sa kin.

Yinakap nya ako bigla.

"Thank you" bulong niya sa akin.

Nalulungkot ako. Nahihiya na akong humarap pa sa kanya.

Sa totoo lang. Ginamit ko lang siya para maka-move on sa ex ko. Pinamumukha kasi ni Johnny na hindi ako makaka-move on sa kanya. Kaya ayun nagpanggap ako na may gusto kay Luke. Nagpapanggap ako sa tuwing kasama ko siya. Sa totoo lang mahal ko pa si Johnny. At hindi si Luke.

Yung status ko sa Facebook? Gawa gawa ko lang yun para makita ni Johnny. Sinadya ko yun para makita niya at mapansin din ni Luke. Dahil alam kong may hinahanap si Luke sa Facebook kaya alam kong makikita nya yun. At online si Johnny. Sigurado akong makikita nila pareho yun at para pagselosin si Johnny.

Sa Ice Cream shop, si Johnny ang nakita ko. May kasama siyang ibang babae. Nasaktan ako. Pero nagtataka si Luke kaya pinakita ko sa kanya na okay lang ako. Pero sa totoo lang. Nadudurog ang puso ko.

Nung araw na may nakaaway sila Luke. Kasama ko si Johnny. Nag-usap kami. Alam niya na siya parin ang mahal ko. Gusto nyang magkabalikan kami. Pero paano si Luke?

Nabigla ako, dahil nakita kami ni Mark. Akala ko malalaman na ni Luke. Kaya medjo umiiwas ako sa kanya.

Ano ba ang gagawin ko? Natatakot akong saktan si Luke.

Sobrang bait niya sa akin. Napaka seryuso nya sa relasyon namin. Minahal nya ako ng sobra sobra. Tinuring niya akong isang prinsesa.

Siya yung tipong gagawin ang lahat mapasaya ka lang. Na iintindihin ka nya palagi. Kahit nagmumukha siyang tanga patatawanin ka pa rin niya.

Ano ba ang dapat kong gawin para hindi siya masaktan?

Luke, Im sorry.

I've WaitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon