Chapter 38

23 1 2
                                    

Sofia's POV

"Saang paaralan ka ba mag-aaral Sofia?" Tanong nang Tita ko sa akin.

"Sa San Vicente University po." Sagot ko naman.

"Mabuti yan Sofia. Kagaya ng mga pinsan mo na doon din nagtapos ng college." Dagdag ni Tita

Nasa elementary pa lang kasi ako pangarap ko na ang doon mag-aral. Ewan ko ba kung bakit? Marahil ito raw ay maganda at sikat na paaralan dito.

Dati kasi noong nasa 6th grade ako. May ginawang campaign ang mga taga SVU sa paaralan namin. Inaanyayaan nila kaming lahat na doon mag-aral ng High School. May speaker sila na sobrang convincing. Lahat ng magagandang katangian ng SVU binabanggit niya. Kaya nga campaign diba? Pero hindi ko yan alam nung bata pa ako. Manghang mangha ako sa mga sinasabi niya. Parang tatalino ka talaga at sisikat kung doon ka mag-aaral. Yun nga lang, madaming sosyal, mayayaman at mga maaarte hindi ko kalebel.

Sa last part ng campaign may mga nagpe-perform. May sumasayaw, kumakanta at may banda pa. Sobra akong namangha sa kanila. Parang gaya ng mga nakikita ko sa tv tuwing linggo. Para silang mga artista kung gumalaw, manamit at itsura. Alam niyo naman bata pa ako nyan kaya ganun mag-isip.

Nakapagtapos ako ng high school sa paaralang hindi ko pinangarap. Sa isang all girls school ako napadpad. Kasi nga Tito ko ang principal at hindi lang yan ha? Pati ibang mga teachers don Aunties ko pa. Ang iba kaibigan ng Mama ko. Edi wow madaming magbabantay sa kin diba? Kaya ako? Behave na behave ako sa school baka kasi isumbong pa ako sa Mama ko. Lagot na talaga.

Yung ex boyfriend ko? Lihim ko siyang sinagot. Hahaha nakakatawa nga kasi sa text lang kami laging nagkakasama. Kasi nga alam nyo naman ang buhay ko sa school daig pa may CCTV camera. Pero teka ha? Minahal ko yun kahit minsan lang kami nagkakasama. Yun nga lang hindi nakuntento, hindi naging loyal kaya niloko ako. Pinagsasabay niya kami dahil hindi ko siya binibigyan ng oras. Ang nakakalungkot lang seryuso kong minahal kaso niloko ako. Kakabwesit yung gagong yun. Inaakbayan yung bagong girlfriend sa harap ko. Ewww ha so cheap. Hindi man lang iniisip kung ano ang masasabi ng mga tao. Pssssh.

By the way, Nasan na nga ba ako? Ahh oo. Sa San Vicente University ako mag-aaral kami ni Christine. Doon kami maghahasik ng lagim. Pero syempre biro lang no.

Napagpasyahan kong Architecture ang kukunin. Si Christine? Pinush ang pagiging accountant kaya Accountancy ang kukunin. Accountant nga diba so malamang Accountancy ang kursong kukunin, daah? Hahaha = ̄ω ̄=

Sana nga makapasa siya sa entrance exam kasi balita namin mahirap daw yung kursong yun. Maraming bumabagsak sa pagiging Accounting Technology. Mabuti nalang hindi na ako pinilit ni mama na kumuha ng kursong may maraming math. Kasi sa totoo lang HINDI TALAGA AKO MARUNONG. Promise kahit nga multiplication table hindi ko nga kaya kahit addition and substruction nahihirapan ako. Pero yung malalaking numero lang ha? Baka kasi isipin nyo na ang bobo ko. Yung mga numerong ganito lang oh 62948392 - 18302 mga ganyan. Nahihirapan ako kapag wala si bespren calculator. Hahahaha (*^﹏^*)

"Bukas pupunta nga pala tayo sa Royal Resort Fia, isama mo yung kaibigan mong si Christine." Ang magandang balita ni Tita ngayong summer! Emm so excited! Emm gonna wear my swimsuits and everything! My camera. Oh my camera be full charge. Hahaha

"Huwag na yan isama si Fia. Dito lang yan." Pabiro ni Tito.

"Opsss! No. No. No. No waaaaay. Im not leaving without yoooo. Hahaha" Kumakanta lang? "Tito naman. Huwag ganyan. Ready na kaya ako. Kahit ngayon pa tayo pumunta oh." Pabiro ko ding sabi sa kanya. Syempre di pa ako ready no. Kailangan ko pang etext si beshy Christine.

Tekaaa, Fia nga pala nickname ko. You can call me that if you want to. Hehehe

Agad kong kinuha ang pinakamamahal kong phone. (Kasi nga wala akong pambili ng ibang phone kaya pinakamamahal ko to.) At tenext agad si Beshy.

To: Beshy Christine

Besh!!!! Royal Resort tomorrow. Be ready!

-SEND-

Teka? Ilang araw ba kami don? Maitanong nga.

"Tita ilang araw po ba tayo dun? Kasi malayo po yun diba?" Tanong ko kay Tita.

"Daddy? Ilang araw nga ba tayo don? 3 days ba?" Tanong ni Tita kay Tito.

♥____♥ 3 dayssss?

"Gawin nalang nating 1week Mommy. Total summer vacation naman." Sabi ni Tito.

Waaaaaaaaaaaaaah! Waaaaaaaaaaah! I love you sooo much Titooooo! ヽ(^。^)ノ

Spell Summer? THE BEST!!!! Hahahaha. Royal Resort, Sofia Alvarez is coming!!!! ♥♥♥♥♥♥

I've WaitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon