Chapter 3

150 8 0
                                    

Sofia is typing...

(Ano kaya sasabihin niya?)

Sofia Alvarez
Hindi naging kami.

Hindi nga ba naging sila? Magsasaya ba ako o masasaktan para sa kanya?

Pero ang alam ko minahal nya talaga yun. Masaya sila tuwing nagkakasama. Masaya siya sa piling ni Ryan Wong. Ano ba talaga ang nangyari sa kanilang dalawa?

Luke Agustin

Huh? Akala ko naging kayo. Sorry ha? Okay ka lang ba?

Sofia Alvarez

Akala ko nga rin eh. Akala ko.

Sa sinabi niya alam kung nasasaktan pa siya. At baka pa nga tumutulo ang mga luha niya ngayon.

Sana nga lang nasa tabi niya ako at pinupunasan ang mga luha niya na dumadaloy sa kanyang mga pisngi.

Ang tanga naman kasi ni Ryan bakit niya nagawang saktan si Sofia. Ang hilig niya talagang magpa-asa ng mga babae! Ang nakakalungkot lang, sa dina-dinaming babae sa mundo si Sofia pa talaga ang napili nyang saktan. Ang Gago niya!

Wanna know the reason behind Luke's reaction? Better read the next chapter. :)) - Author

Sofia's POV

Bigla nya atang natanong? Naging seryuso bigla ang usapan.

Sofia Alvarez

Hindi naging kami.

Ito na naman. Napapaiyak na naman ako. Naiisip ko na naman kasi ang mga pangyayari. Kung bakit ako nasaktan ng ganito.

Nasasaktan ako dahil nag Expect ako. Hindi lang expect ha?! Nag Assume din ako sa lalaking isang duwag!

PLEASE READ:
Expect or Assume

Nakasingit pa talaga. Hihi - author

Pinaniwala niya ako sa maling katutohanan. Pinaasa niya lang ako na mayroong kami. Na magiging kami. Matapos ko siyang mahalin at tinanggap ito pa mararanasan ko?

Hindi na kasi ako nadala. Dapat kasi hindi na ako umaasa pa na may matinong lalaki ngayon.

Kahit nung High School. Yung 1st boyfriend ko niloko ako! Pinagsasabay kami ng mga babae niya! Ang malas ko kasi pagdating sa mga lalaki.

LAHAT SILA SA SIMULA LANG MATINO. SA SIMULA LANG MASAYA. AT SA HULI PURO PASAKIT NA!

Bat' kasi ang hilig nilang mangloko? Ligaw ng ligaw yun naman pinapaiyak lang kami! May pa rosas-rosas pa. Teddy bears at chocolate. May pahatid-hatid. Yung kinukumusta ka palagi. Lahat yan sa simula lang! Ang ending nyan ang mga babae pa ang nasasaktan. Ang kapal ng mga mukha diba!?

Sino ba sila para saktan tayong mga babae ha?

Kahit ang papa ko iniwan kami. Nangako siyang babalikan nya kami. Naghintay ako. Kahit ngayon naghihintay pa rin ako. Pero sa mga nangyari? Hindi na ako magpapaloko! Lahat sila mangloloko!

WALA Na KASING MATINONG LALAKI NGAYON!

I've WaitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon