Angela's POV
"Ma bakit po hindi pa umuuwi si kuya?"
"Nandon raw sa bahay nila Vince. 'Don raw muna sila. Bakit?"
"Wala lang po."
"Bakit namimiss mo na?"
"Ewwwww! Mama talaga."
Pero syempre oo. Namimiss ko na ang kuya ko. Kahit pasaway ako mahal kasi ako nun. Tight kami ng ganito ohhh. *finger cross*
"Ma okay lang ba may papupuntahin ako dito bukas?"
"Sino? Mga kaibigan mo?"
"Opo. Kaibigan ko. Okay lang po ba Ma?"
"Bakit hindi?"
"Thanks Ma!"
To: Ate Ganda
Ate pumayag na si Mama. Wala din kasi si kuya dito. So punta ka na ha?
Message Sent!
Sana pumayag na si Ate. Magpapaturo kasi ako ng projects. Syempre hindi to alam ni kuya no. Math lang kasi alam nun.
Si Ate magaling sa English! Mabait pa tsaka maganda. Sayang nga lang wala si Kuya dito. Ipapakilala ko sana sa kanya si Ate Ganda ko. Hehehe
1 Message Received
From: Ate Ganda
Okay Angela. Makakahindi ba ako sayo? See you tomorrow.
Yes pumayag na si Ate Ganda! Buti naman. Kasi ang hirap kasi gumawa ng literary pieces. Take note gagawa kami ng essay, short story, poem, drama at novel. Alam ba ni kuya yan? HINDI! =_______=
By the way nga po. Ako po pala si Angela Agustin. Ang cute na kapatid ni Luke Agustin.
2 years po agwat namin. So kung si kuya 4th year high school. Ako po 2nd year.
Huwag na po kayong magbilang. Baka po kasi ma stress lang po kayo. Hihihi ∩__∩
Nag-aaral po ako sa Saint Fatima High School. All girls po dun. Bawal boys! And Catholic School po yun. Halata naman po diba?
"Angela matulog kana. Gabi na. Tigilan mo na yang kakabasa ng pocket book. Masisira ang mata mo nyan."
Chapter 26 na kasi ako. Gusto ko na kasing tapusin ang pagbabasa nito. Ang ganda na kasi ng storya.  ̄ω ̄
"Oo ma. Matutulog na po. Goodnight po mother dear. Hehe"
Makatulog na nga. Pupunta pa nga pala si Ate Ganda ko bukas.
To: Kuya Luke
Goodnight kuya! I miss you. Hugs and kisses.
Pinatay ko na ang ilaw. At pumikit hanggang sa nakatulog na ako. Hehe
------------------------------------------
It's a brand new day!! Yey!
Pupunta na nga pala si Ate Ganda mamaya. Im so excited!
"Angela, diba ngayon yun dadating ang bisita mo?"
"Yes po mama. Bakit?"
"Gusto mo maghanda ng snacks para sa inyu mamaya?"
"Sige po mama. Tutulong po ako sa inyu."
"Ano ba gusto mo?"
Ahmmmmmm....
"MANGO FLOAT!"
"Nag-isip ka pa talaga ha? Alam ko namang favorite mo yan."
"Hehehe, oo nga po. Pinatatagalan ko lang."
"Sige eprepare mo na yung Condense milk at crackers. Ako na dito sa mangga."
"Okay dokey mama!" At naglakad na ako na parang army. Hehehe
After 30mins...
Tadaaaaaang!!!
Tapos na!
Kaya tinawagan ko na si Ate Ganda na pumunta dito. At sinabi ko na rin sa kanya ang address. Ilang minuto lang dadating na siya.
After 20 minutes
*Ding Dong. Ding Dong.*
Doorbell po yan. Hindi artista. =_______= - author
Hamparorot akong tumakbo sa gate at pinapasok si Ate Ganda. :)
"Good afternoon po." Sabi ni Ate Ganda sa mama ko na maganda din. Hehehe
"Maupo ka ija. Pasensya ka na sa anak ko makulit kasi yan."
Mama? Huwag mo na ipagkalat. Alam na kasi yan ng buong bayan. Hehehe
"Mama talaga. Wait lang Ate Ganda ha? Kukunin ko muna sa kwarto ko yung mga gagamitin natin para sa projects."
Ate Ganda's POV
Nakakahiya namang tawagin na Ate Ganda. Ang kulit rin kasi ni Angela kahit sinasabihin kong huwag akong tawagin ng Ate Ganda ayun nasanay na.
"Mama talaga. Wait lang Ate Ganda ha? Kukunin ko muna sa kwarto ko yung nga gagamitin natin para sa projects."
Ayan na naman. Tinawag na naman ako na Ate Ganda. Naku! Nakakahiya! Sa harap pa talaga ng mama niya.  ̄﹏ ̄
Tama nga ang mama niya na pagpasensyahan ko nalang si Angela. Talagang pinanganak yung makulit.
"Ganda ba talaga ang pangalan mo o tawag lang sayo ni Angela?" Nagbibiro ka po diba??
"Naku! Hindi po..."
"Tawagin mo nalang akong Tita. Huwag kang mahiya. Wait lang ha? Kukunin ko muna yung pagkain."
O___________O
TITA????
Hindi man lang ako pinatapos magsalita. Parang alam ko na kung saan nagmana si Angela.  ̄ω ̄
"Okay na po ba to Ate Ganda?"
O.o Ayan na naman ang Ate Ganda nya. Naku. Pagtinatawag niya ako ng ganyan parang gusto kong maglaho.
"Oo. Okay na yan. Start na tayo?"
"Sigeeee!" May kasamang malaking smile pa talaga.
"Ito na ang snacks nyo." Habang papalapit ang mama ni Angela sa amin. At nilalapag ang mga pagkain.
"Wow Mango Float? Thank you po."
"Diba nga Tita na itatawag mo sa akin?"
"Ayy. Thank you po Tita. Favorite ko kasi to."
"Same tayo Ate! Hehe Tumulong din ako sa paggawa nyan."
Naubos ko ang isang plato ng mango float. Biro lang. Hindi ako ganyan katakaw. Hahaha
After 10461937391 years natapos din kami. Hayyyy. Nakakapagod.
"Maggagabi na pala. Una na po ako." At kinuha ko na ang aking sling bag at ready nang umalis.
"Sige Ate Ganda. Thank you ∩__∩"
"Uwi na po ako Tita. Maraming salamat po."
"Sige. Gan.."
"Naku! Sofia po pangalan ko Tita. Hindi Ganda. Hehehe"
"Hahaha. Sige Sofia. Ito kasi si Angela tawag ng tawag sayo ng Ate Ganda. Nahawa tuloy ako. Mag-ingat ka ha?"
"Sige po. Babye po Tita. Bye Angela."
BINABASA MO ANG
I've Waited
Teen FictionThis is a story of patience. How this two person met (Sofia and Luke). And the story behind their perfect love. P.S - story every chapter is quietly short. Im more focus on the story of the main characters than the other characters. Enjoy! :))