Chapter 37

28 1 0
                                    

5 Ways to Move On
by Roobeeloo

A: Delete the name. Forget the feeling.
B. Meet new friends. (Opposite Sex)
C. Make yourself busy.
D. If Plan A, B and C won't work. I think you need to seek proper closure.
E. Then find your true love.

—————————————

Luke's POV

Ilang buwan na rin ang nakalipas. At ilang buwan na rin akong ganito. Nakakapagod na. Nakakasawa.

From: Camille

Im sorry Luke hindi ako makakapunta dyan ngayon. Pupunta na kasi kami ng states. Don na kasi kami titira ng family ko. Hope you'll forgive me. I love you.

Paulit-ulit ko tong binabasa. At paulit-ulit rin akong nasasaktan. Lagi kong iniisip, tinatanong kong bakit? Sa anong dahilan? Sapat ba ang rason kung bakit niya ako iiwan?

Araw-araw akong naghihintay ng paliwanag niya. At wala akong sinayang na panahon na tawagan siya. Ngunit nag-iba na yata ang number na ginagamit niya.

Alam mo yung feeling na parang may kumuha ng kaluluwa mo? Pakiramdam na walang ganang mabuhay? Parang buhay na walang pag-asa? It made me feel like Im a living dead.

"Luke?"

Natauhan ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko. Binuksan ko ito at nakita ko sina Jake, Ryan, Vince at Mark.

"Oh? Bat' kayo nandito?" Tanong ko sa kanila.

"Andito kami para tulungan ka." Sabay kindat ni Ryan.

"Tulungan saan?" Teka. Naguguluhan ako. Tutulungan sa saan?

"Tutulungan ka naming mag move-on bro!" Sagot ni Mark

"Huwag mong sirain ang buhay mo sa isang babae lang bro. Madami pa dyang iba!" Pagpapaliwanag ni Vince.

"Makakakita ka rin ng higit sa kanya." Hirit ni Jake

"Oo nga! Walag kwenta yung babaeng yun bro. Paulit-ulit kang sinasaktan. Pakita mo sa kanya na kaya mong maging masaya kahit wala na siya!" Sabi ni Jake

Natahimik ako saglit. Bakit hindi ko yan naisip? May point nga sila. Bakit ko ba sasayangin ang buhay ko? Mabubuhay naman ako ng wala siya. Nakaya niyang iwanan ako. Kakayanin ko din ang kalimutan siya.

"Tama mga bro! May point kayo. Hindi lang siya ang babae sa mundo. Ipapakita ko sa kanya na kaya ko! Kaya simula ngayon. Ededelete ko na ang lahat ng to."

Messages From Camille Deleted.
Pictures with Camille Deleted.

"Whoooooh!" Sabay sigawan naming lahat sa kwarto ko.

"Kuya!? Ang ingay nyo!" Sigaw ni Angela sa kabilang kwarto.

"Ssssssssh." Pagtahimik namin.

"We miss you bro!" Sabay yakap ni Ryan sa amin. At heto, naiipit ako sa mga yakap ng mga mokong.

"Teka nga. Anong nakain nyo ba't kayo napasugod dito?" Tanong ko sa kanila.

"Galing kasi kami sa cafeteria. Sawa na kasi kaming tumambay don kaya naisipan naming dalawin ka." Paliwanag ni Vince.

"Bro, At sa sabado nga pala gigimik tayo!" Halatang excited si Mark

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko sa kanila.

"Sa Red Club. Kung saan kami nag victory party dati. Masaya don. Mag-eenjoy tayo." Sagot ni Vince

"Celebrate natin yang freedom mo Luke! Hahaha." Pagbibiro ni Mark

"Gago! Celebrate natin ang summer!"

Sa wakas, natauhan na rin ako. Summer ngayon. Kaya susulitin ko ang panahon. Mag-eenjoy kami. At kakalimutan ko na si Camille simula ngayon.

I've WaitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon