Chapter 23

52 6 0
                                    

Vince's POV

Magbabakasyun kami ng isang linggo. Alam nyo kung bakit?

SUSPENDED KAMI NG ISANG LINGGO!

Sinira kasi namin ang event nung sabado. Siguro alam nyo na kung bakit diba?

*Flash back*

"GAGO KA RIN NO? HINDI KA BA NAKINIG SA SINABI KO SAYO KANINA NA LAYUAN MO ANG GIRLFRIEND KO! HINDI KA BA NAKAKAINTINDI NG TAGALOG? OH BAKA NAMAN GUSTO MONG E-ENGLISH KO PA PARA SAYO?? LEAVE MY GIRLFRIEND ALONE! SHE'S MINE NOW! KUNG GUSTO MO SIYANG BALIKAN, HINDING HINDI YAN MANGYAYARI!

Rinig na rinig nang mga tao ang sigaw Luke. Kahit kami napalingon.

Tumayo si Luke at sinuntok yung Johnny. Hindi na siya nakapagpigil ng galit niya.

Nagkagulo ang mga tao. Syempre dahil kaibigan namin si Luke. Inawat namin ito. Dahil ume-Epal na naman ang mga barkada ni Johnny. Ayun nagkarambulan na.

Nasira tuloy ang gabi naming lahat. Moment na sana nawala pa. Napakaromantic ng gabi para sa amin ni Ysabelle. At alam ko pati rin kena Jake at Ryan nabad trip na din. Ewan ko kay Mark. Pero nag-init din ang ulo niya dun sa lalaking yun. Sira na kasi gabi niya so ayun sumugod din.

Bakit pa kasi sumulpot yung Johnny na yun? Hindi namin sinisisi si Luke. Kahit sino naman magagalit dun sa lalaking yun. Ikaw ba naman nasa sitwasyun ni Luke? Talagang mauupakan mo yun.

Pati narin kami napapausok ng ilong dahil sa lalaking yun! Hindi marunong rumespeto ng relasyun. Kailangan pa talagang umextra sa relasyun nila Luke at Camille?

Ang alam namin Ex siya ni Camille. So what? Ex na pala siya kaya huwag na siya manggulo pa dahil tapos napala sila. Hindi nya ba alam na may pinalit na siCamille sa kanya? At kaibigan namin ito. Si Luke!

Kaya ayun, nagkarambulan na naman. Dahil nga lumapit kami. Sumugod na din ang mga barkada nang epal. Kaya nagkagulo sa event.

Pagkatayo ni Luke at sinuntok si Johnny. Lumapit agad kami. Sinuntok ni rin ni Mark yung epal. At nakipagsuntukan na rin kami ni Ryan. Si Jake sinusubukang awatin kami. Pero nadamay na rin siya. Hanggang pinapalibutan kami ng mga tao.

"ITIGIL NYO YAN!" Sigaw ng principal. Gamit pa talaga ang microphone!

Napatigil kaming lahat. May umawat kasi sa amin. Syempre ikaw ba naman makigsikat na hindi oras.

Lumapit si Mr. Principal sa amin. Pinagalitan kami.

"I did not expect this from you Mr. Agustin! At ikaw Mr. Wong lage ka nalang nasasangkot sa gulo. Kasama ang mga kaibigan mo!"

"BOTH OF YOU! YOU WILL BE SUSPENDED FOR 1 WEEK!"

Eh di suspended na kung suspended. Umuwi na kaming lahat. Tumambay kami dito sa bahay.

Ginagamot ng mga girls ang mga pasa namin. Nagkwekwentuhan din kami. Nilalabas din namin ang galit namin. At kung gaano kami ka badtrip sa lalaking yun.

Ayaw na naming makita ang anino ng epal na yun. Baka kumulo lang ang mga dugo namin.

Syempre si Luke huminahon na. Pinauwi na rin namin si Camille sa bahay nila pagkatapos ng rambulan. At kami nalang ang tumuloy dito sa bahay.

Nagagalit na nasasaktan si Luke ngayon. Hindi namin maexplain. At dahil gabi na nga dito na kami natulog lahat sa sala. Dahil baka magulat lang parents nila sa mga itsura namin ngayon. Mag-alala pa sila at magtanong tungkol dito. Kaya napag-isipan namin na dito nalang muna sa bahay namin sila magpalipas ng gabi.

Total Sunday naman bukas. At suspended nga kami. Ehh di magbakasyun nalang muna. Magpalamig ng ulo at mag EENJOY! HAHAHAHA

I've WaitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon