Chapter 39

17 0 0
                                    

Ryan's POV

"Nasaan na ba kayo? Kanina pa kami naghihintay dito! Ang bagaaaaal nyo!" Pagpapadali ni Mark kay Jake at Vince.  Habang hawak ang telepono niya.

30 minutes late na yung dalawa. Nakakabagot maghintay no!

Andito na kami sa Red Club kung saan madalas pumunta si Vince. Minsan sumasama kami sa kanya na gumimik dito dahil kilala siya sa Club na to. Kaibigan ng Daddy niya ang may-ari ng mamahaling club na ito. At kababata rin niya yung anak ng may-ari na si Red. Halata namang sa pangalan niya galing yung pangalan ng club. Sikat yung gago dito magaling sumayaw eh, minsan nga kapag pumapasok yun dito parang celebrity.

"Haay sa wakas dumating din!" Pagpapasalamat ko na dumating na din yung dalawa.

Naglalakad sila habang nagsisisihan.

"Ang tagal niyo!" Pagreklamo ni Mark

"Ito kasi ang bagal!" Paninisi ni Vince kay Jake

"Yung kotse mo kasi bulok!" Paninisi rin ni Jake kay Vince.

"Hahaha..." Tumawa nalang bigla si Luke na kasama din nila.

"Para kayong aso't-pusa! Pumasok na nga lang tayo. Ang gulo niyo." Dagdag ni Luke.

Naglalakad kami papunta sa huling pila papasok ng club. Nakatayo na si Jake sa huling pila at nasa likuran lang kami pero bigla kaming hinila ni Vince sa unahan ng pila at pumasok lang bigla. Walang kibo yung mga guard, nabigla kami. Pero syempre kilala nga siya dito kaya siguro ganun.

Ang dilim ng lugar tanging red lights lang ang meron. At sobrang lakas ng music hindi na nga kami nagkakarinigan.

"Hoooh! Party!" Sigaw ni Mark habang sinasabayan sa pagsayaw yung mga sumasayaw na mga babae sa club.

"Ang kapal naman ng mukha nitong gagong to." Pabulong kong sabi sa sarili ko.

Kami ni Luke at Jake nakasunod lang kami kay Vince. Naghahanap ata siya ng table.

"Ooops! Sorry!" Sabi nung babae na nakabangga sa akin.

"Sorry din, hindi kita nakita." Pagpapaumanhin ko sa chicks na babae. Mabuti nalang hindi ako nabuhusan ng inumin niya mabuti marunong akong umilag.

"Sino kasama mo?" Tanong ko sa kanya. *chickboy activate*  ̄︶ ̄

"Friends ko. Ikaw ba?" Sagot niya.

"Mga kaibigan ko din. Gusto niyo ba jo-moin sa amin?"

"Sure! Saan ba kayo?"

Hinanap ko agad si Vince. At nakita ko sila sa VIP table ng club.

"Ahhhm, Doon!" Sabay turo ng daliri ko sa table namin.

"Ahh, kasama mo si Vince?"

"Oo, kilala mo?" Ayy, oo nga pala sikat nga pala si Vince dito.

"Sino ba dito ang hindi. Hahaha. Ikaw talaga." Sabay hampas sa balikat ko. Teka? Feeling close teh?

"Ahhhh. He... he..."

"Punta muna ako sa table namin. Be there in a minute. See yah!" Sabay kindat ni... putik! hindi ko naitanong. Sa lahat ng moves yun pa nakalimutam ko. ╯︿╰

"Okay." Sabay mahiwagang ngiti ko.

Nagmamadali akong lumapit sa table namin.

"Sino yung chicks na kausap mo dude?" Tanong ni Vince.

"Shit! Nakalimutan ko ngang itanong!" Hindi ko man lang kasi naitanong ang pangalan niya! Gago ka Ryan!

"Hindi mo natanong??" Hirit ni Jake

"Here's your order sir." Sabi nung waitress ng Club. At inilapag na niya yung mga drinks namin. At kinuha agad namin yung drinks.

"Problem solve, mukhang pupunta sila dito Ryan." Sabi ni Luke

"Alright dude!" Hirit ni Vince

Tumayo agad ako at sinalubong sila. "Sorry, hindi ko natanong yung pangalan mo kanina. Natulala kasi ako sa ganda mo." Booom! Pick-up line ni Ryan. ﹋o﹋

"I also forgot to ask your name. By the way Im Celine." Sabay abot ng kamay niya.

"Ryan. At ito nga pala mga kaibigan ko si Vince, Luke at Jake. May isa pa kaso busy sa mga babae niya. Yun si Mark." Sabay turo kay Mark.

"Hahaha, oh! I see. Well, these are my friends Monica, Thalia, Aimee and Gina."

"Hi!" Sabay bati ng mga mokong sa mga kaibigan ni Celine.

"Have a seat." Pagmamabuti ni Vince.

After 1 hour

"Powder room lang ako ha?" Biglang bulong ni Celine sa tenga ko.

Tumango lang ako. Kanina pa kami nag-eenjoy dito. Si Mark hindi na lumapit sa amin. Sa ibang table na nakaupo ang gago.

Kinuha ko agad ang baso ko at uminom. Tumingin-tingin ako sa paligid. Si Vince at Luke mukhang nag-eenjoy. Si Jake naman parang nahihiya. Pero si Mark? Sobrang nag- eenjoy! Akala mo lumalangoy sa tubig na puno ng chicks. Mabuti wala si Angelique dito.

Tumingin ako sa relos ko. Malapit na pa lang maghating-gabi. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung meron bang tumawag o nagtext.

(Chinese Accent Here)
From: Ama

Ryan. Uwi ikaw agad. Babyahe pa tayo bukas ng umaga.

Hala! Pupunta nga pala kami ng pamilya ko sa Royal Resort bukas! Lintek na!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I've WaitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon