Chapter 28

65 6 0
                                    

Mark's POV

Lunes na! Balik buhay estudyante na naman. Hindi ko alam kung magdidiwang ba ako o malulungot.

Una, magdidiwang ako dahil hindi ko na makikita ang babaeng mangkukulam?

(Sa ibang school kasi yun nag-aaral. Buti naman!)

Pangalawa, malulungkot dahil tambak na ang mga reports at projects namin? Kailangan kasing makabawi sa isang linggong pagkasuspendi. Baka pa hindi kami makagraduate nito.  ̄ω ̄

Alin ba sa dalawa? Hay buhay! Parang life! Ang sarap tuloy kumanta ng...

"Lord, patawad...."

"Huy Mark magtigil ka nga! Uulan!" Nagsalita ang itlog!

"Huy Jake! Inggit ka lang wala kang boses na maganda! Ehem, mic test."

"Tumahimik nga kayo. Mag-aral na nga lang tayo kung gusto nyong grumaduate!"

Ayan tuloy, award galing kay Luke. High Blood po siya these past few days. Ewan ko po. Siguro dahil dun sa nangyari sa kanila ni Camille.

Ganyan talaga ang pag-ibig. Walang dulot kundi puro pasakit!

Teka nga, this is not all about me. Huwag kayong mag-aalala gagawa si Miss Author ng sariling kong storya. Take note po, Ako ang Bida! (*¯︶¯*)

Teka Mark? Sino may sabi? Matagal pa siguro yun. Mga 2819401 years! Hahaha- author

Miss author, huwag kang tamad! >______

Ganun? Galit?! Sige na nga. Gagawan ko kayo ng storya ni Angelique. Ayeeeee! Hahaha- author

Nevermind na lang! Nagtatampo na po ako. Mmmmmmhhh.

A/N:

Promise po. Gagawan ko po ng storya si Mark at Angelique. Pagkatapos nitong I've Waited. :))

"Oo nga, mag-aral nalang kasi tayo. Ito kasi si Mark hindi marunong magseryuso."

Ouch ha? Tagos hanggang buto! Ang sakit magsalita. Sige na nga magseryuso na tayo. Baka pa magsalita ulit si Jake!

Study. Study. Study. Study
Work. Work. Work. Work.

*Beeeeeeeeep!*

Hep! Cellphone ko po yan. Hindi busina ng jeep!

1 Message Received

From: Witch

Asan kayo panget?!

Naku! Naku! Nagtext ang mngkukulam! Delete. Delete. Delete! Baka pa malaman niya kung nasaan kami!

Nandito nga pala kami sa isang cafeteria malapit sa school. Dito kami tumatambay paminsan-minsan. Syempre para magpa-aircon! Hahahaha

Nakakahiya nga. Lima kaming tumatambay dito, ang order namin dalawang frappe lang? Ako at si Luke lang ang bumili habang yung tatlong ugok libreng tumatambay dito. Diba nakakahiya? Ang mga gago libreng nagpa-aircon! HUY! BUMILI DIN KAYO! HINDI BA KAYO NAHIHIYA SA MGA NAGTRATRABAHO DITO?

"3 frappe for customer Jake, Ryan and Vince."

Aba? Bumili ba yung mga gago??

"Teka, miss..."

"ANGELIQUE??"

O__________O

"Dito ka pala nagtra-trabaho?" Obvious ba Jake?

"Oo, partime job ko."

Ahh, partime job. Okay! Himala ah? Hindi ako pinapansin.

"Huy mangkukulam! Bat' mo sila nilibre?? Paano ako?"

"Actually, HINDI YAN LIBRE! Nilagay ko lang jan para makausap kayo. Sa kabilang table yan."

 ̄﹏ ̄  Jake, Ryan, Vince

Hahahaha. Buti nga sa inyo! Assuming kasi! HAHAHAHA

"Pero syempre biro lang! Hahaha Libre ko na yan sa inyu Vince, Jake at Ryan. ∩__∩"

O__o

"Salamat Angelique ha? ∩__∩" Sabay-sabay pa talaga ang mga mokong!

"Sure! Teka, bat ang sobrang seryuso ngayon ni Luke? Anong nangyari sa kamay nya? May nangyari ba?"

Teka? Denidedma nyo ko! Nagtatampo na po ako dito!! Hmmmp!

"H-ha? Ahh wala. Nag-aaral lang para maka-graduate."

Yun lang ba talaga? O sinusubsub mo ang sarili mo jan para makalimutan yung nangyari kanina?

*FLASHBACK*

Nagmamadaling pumasok si Luke. Tumatakbo papunta kay Camille. Yinakap niya bigla dahil oo miss na nya. Gusto ni Luke magka-ayos na sila. Gusto niyang mag-usap sila. Mag-explain at makapag explain din si Camille.

"L-Luke?"

"Camille Im sorry. Gusto ko mag-usap tayo. Gusto kong mag explain tungkol dun sa nangyari sa prom. Gusto ko ring marining ang explanation mo. Alam kong kaibigan lang ang turing mo kay Johnny kaya magkasama kayo nung gabing yun. At alam ko kung bakit ka yinayang sumayaw ni Johnny dahil hindi kita naisayaw. Naawa siya sayo kaya nilapitan ka niya. Dahil ako na boyfriend mo hindi naglakas loob na isayaw ka. Diba tama? Kasalanan ko to lahat. Dahil sa pride ko. Dahil sa galit ko. Im sorry Camille."

"Ahhhhh. Ehhhh. Luke?"

Yinakap ulit ni Luke si Camille.

"Camille, I love you. Im so sorry. Please forgive me. At magkaayos na tayo. At maibalik yung dati."

"Luke, Im sorry. Nagkabalikan na kasi kami ni Johnny."

Umalis si Camille at naiwang nakatayo si Luke. Tulala, hindi makapagsalita. Hindi makagalaw. Hanggang sa sinusuntok na nya ang pader. Umiiyak. Nagwawala.

"Luke tama na yan!"

"Hindi Mark! Ang tanga ko para umasang magkaka-ayos pa kami! Habang siya binabalikan na ang ex niya!"

"Luke! Itigil mo na yan! Dumudugo na ang kamay mo!"

Mabuti dumating na sila Ryan at inawat na namin siya.

Kaya hindi muna kami pumasok. Ginagawa nalang namin ang mga assignments at projects namin dito. Kaya nandito kami sa cafeteria tumatambay.

*END OF FLASHACK*

I've WaitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon