Chapter 32

45 4 2
  • Dedicated kay Saar Meeyn
                                    

Luke's POV

Camille Calling...

Bakit siya tumatawag? Anong kailangan niya?

Pero bakit biglang gumaan ang pakiramdam ko? Biglang nabuhayan ang puso ko. Ito ba yung sinasabi nila na kinikilig? Ito ba yun na parang lumulutaw ka sa mga ulap?

"Huy! Cellphone mo may tumatawag!" Sigaw ni Mark

Natigilan ako. Pinatay ko na lang at nagpanggap na hindi ko ito kilala. Pero sa totoo gusto kong sagutin ang tawag niya. Itanong kung bakit siya napatawag? Kung namimiss na ba niya ako? Kung nag-aalala ba siya sa akin?

"Sino yun?" Biglang natanong ni Jake.

"H-ha? Wala. Unknown number." Sagot ko sa kanya. Dahil nahihiya akong aminin na si Camille ang tumatawag.

♬♪♩You're over my head,
Out of my mind
Thinkin' I was born in the wrong time
It's like a rewind
Everything is so throwback age
Baby you're so classic♬♪♩

Tumawag ulit siya at hinayaan ko nalang hanggang sa hindi na siya tumawag.

Pagka-alis ng mga mokong tenext ko siya agad.

To: Camille

Bakit ka tumawag kanina? Usap tayo. Magkita tayo sa Ice Cream Shop. Hihintayin kita.

Message Sent!

7:21pm

Pumunta agad ako sa Ice Cream Shop at hinintay siya. Pero isang oras na akong naghihintay hindi pa rin siya dumadating.

"Sorry Luke natagalan ako. Kanina ka pa ba?"

"Hindi. Kararating ko lang din." Pagsisinungaling ko sa kanya.

"Luke, kumusta ka na? Bakit lage kang absent sa school?" Biglang tanong niya.

"H-ha? Papasok na ako bukas. At okay lang naman ako. Ikaw? Kayo ni Johnny kumusta?" Tanong ko sa kanya.

"Kaya pala ako tumawag dahil nag-aalala ako sayo. Mabuti naman okay ka lang. Si Jake kasi sinabing masakit raw ang puso mo. Dahil ba yun sa akin?"

Parang iniiwasan niya yung tanong ko kung okay lang ba sila ni Johnny.

"H-ha? Sinabi niya yun-"

Hindi natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang nasabi na...

"Im sorry Luke. Dahil sa nagawa ko sayo nagdurusa ka ngayon. Hiwalay na nga pala kami ni Johnny. Hindi talaga niya ako mahal. May iba siyang girlfriend. Ginamit niya lang tayo." Habang dahan dahang napapaiyak si Camille.

"Teka? Hindi ko maintindihan. Ginamit? Tayo? Paano?" Hindi ko talaga maintindihan. Nalilito ako sa mga sinasabi niya ngayon.

"Yung lalaki na nakaaway nyo nila Ryan dati? Kapatid niya yun. Nung nalaman niya na girlfriend mo ko sinubukan niya akong agawin sayo. Ang tanga ko para maloko niya. Ang tanga ko para hindi ko malaman ang mga plano niya. Ang tanga ko para piliin ulit siya. Dapat hindi ko na siya tinanggap pa. Sana ikaw na lang ang pinili ko. Im sorry Luke kung nasaktan kita." Habang patuloy pa rin ang pag-iyak niya sa harapan ko.

A/N
Nasa huli ang pagsisisi. In english, a taste of your own medicine. ✌

Hindi ako makapagsalita sa naririnig ko ngayon. Kapatid ni Johnny yung nangloko sa kapatid ni Ryan? Yung sinugod ni Ryan?

Teka? Hindi ko maintindihan kung bakit siya sa akin naghihiganti? Dahil ba kaibigan ko si Ryan? What the- I dont deserve his revenge. Dahil hindi ako si Ryan. At una kapatid niya unang nangloko sa kapatid ni Ryan.

ANO BA TO! HINDI KO NA NAIINTINDIHAN. ANG GULO NA NANG BUHAY KO!

"Ilang araw ko din tong pinag-isipan kung sasabihin ko ba sayo. Dahil oo nagui-guilty na rin ako sa nagawa ko sayo. At alam kong karma ko rin to sa pag-iwan ko sayo. Luke? Im so sorry."

"Wala kang kasalanan. Si Johnny ang may kasalanan ng lahat."

"Pwedi ko pa bang maibalik yung dati Luke? Maiintindihan ko kung ayaw mo na. Im really sorry." Tumayo siya at nagsimulang maglakad paalis.

Sinundan ko siya at hinila paharap sa akin. At yinakap ko siya nang mahigpit at binulong ko sa kanya...

"I really missed you."

I've WaitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon