Chapter 21

46 5 0
                                    

Luke's POV

We are all preparing for the Prom. Minsan nalang kami nagkikita ng mga kaibigan ko. Alam kong busy din sila sa paghahanda at sa mga kapartner nila.

Si Jake sinusubukang yayain si Kitty. Si Vince gumagawa ng paraan para makapartner niya si Ysabelle. Si Mark naman pumipili pa sa mga babae niya.

Mabuti pa si Ryan wala ng problema. Ka date niya si Hannah.

Ako? Ka date ko si Camille. Effective ang gimik ko. Pinagsama ko ang math at love. Hehehe Okay ba?

Sobrang lamig ng mga kamay ko non. Nanginginig ang mga tuhod ko sa kaba.

Nang nakita ko na siyang paparating. Bumibilis ang pintig ng puso ko. Kakayanin ko ba to? Mahihimatay yata ako sa gagawin ko.

Paglabas ko na may dalang maraming rosas, natigilan lahat ng mga tao at nagsisigawan. Kinikilig sila sa ginawa ko. Siguro kinikilig din si Camille ngayon. :))

Nilapitan ko siya. Binigay ang mga rosas na dala ko. Tinanggap nya naman ito. Naghihiyawan ulit ang mga tao sa paligid namin.

Suminyas na ako kay Mike. Isa sa mga member ng math club. Kaibigan ko siya dahil nagkapartner kami dati sa Math Quiz.

Ayun nga, suminyas na ako na ilagay yung cartolina na may nakasulat na "Will you be my date?"

Nagpatulong ako sa kapatid ko para dun. Magaling kasi yun maglagay ng mga ano-ano eh. Kaya nagpatulong ako. Inaasar pa nga ako. May girlfriend na kasi daw.

Pagkakita ni Camille sa bulletin bigla siyang natulala. Siguro na surprise. Hindi na ako nagtataka sa isaagot niya. Kaya confident na ako. Alam kong yes ang isasagot niya. Ako lang naman ang boyfriend nya kaya alam kong yes ang sagot niya.

"Yes."

Naghihiyawan na ang mga tao. Kinikilig. Hinahampas at yinuyugyug ang mga katabi nila. Yung tipong nagwawala na. Hahaha

Bigla kong yinakap si Camille at binuhat. Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko. Basta ang alam ko lang, MASAYA AKO NGAYON!

Balita ko, naglakas loob na raw si Jake na edate si Kitty. At sa harap pa talaga ng mga kaklase niya ito tinanong. Mabuti hindi naduwag. At dahil dyan gusto kong bigyan ka ng slow clap Jake! Hahaha

Si Vince naman, nag-alay ng maraming bulaklak kay Ysabelle. Pinuno ba naman ang SSG office ng paboritong bulaklak ni Ysabelle. Sino ba hindi mapapaYes dyan?  Mabuti na rin para magka-ayos na ang dalawa.

Si Ryan, si Hannah ang ka date. Feeling ko may gusto dun ang mukong. Pero bestfriend lang tingin kay Hannab sa kanya. Kaya ayun, FRIENDZONE.  ̄ω ̄

Naku si Mark? Pinagmamalaki pa nya sa amin na lima raw ang ka-date nya sa Prom. Talaga lang ha? Aabangan ko yan bukas!

Prom Night? Would it be a night to remember??

Abangan...

I've WaitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon