Chapter 6

81 5 0
                                    

6 Months After

-SCHOOL-

"Pakopya ng assignment Luke!" - Vince

"Ang swerte mo naman?" Pabirong sabi ko. Syempre busy siya sa dance group niya at sa mga babae niya. Kaya sa pag-aaral? Ewan ko sa kanya. Matalino naman tamad nga lang.

"Sana babae nalang ang pag-aaral no? Para ang bilis lang pasagutin." -Mark

Nagsalita ang chickboy. Well, ipanalangin mo bro.

"Hinahanap mo pa rin ba yung girl sa concert?" Tanong ni vince habang nagsusulat. Copy paste lang ng assignment ha?  ̄ω ̄

"Oo eh, hindi ko nga mahanap dito sa school."

"Baka naman sa ibang school nag-aaral?" -Mark

"Baka nga, Sa dami ng kilala namin dito malamang hindi talaga yan dito nag-aaral. Kung dito pa yun nag-aaral baka natuhog na yun ni Mark. Hahaha" -Ryan

"Gago!" - Mark

"Magsulat nalang nga kayo. Ang daldal nyo. Yang pangungupya ang atupagin nyo hindi buhay ko."

Sa ibang school nga siguro siya nag-aaral. Paano ko kaya siya mahahanap? Ang dami pa namang school meron dito.

"Anong meron mga dudes?" Dumating pa tong isang to. Late palagi sa lahat ng oras. Hindi to maasahan sa oras ng sunog. XD Si Jake talaga.

"Si Luke hinahanap pa rin si girl sa concert" -Vince

"Umaasa ka pa rin don? Maghanap ka nalang ng iba jan." Sabay tingin kay Camille na kaklase namin. May pangiti-ngiti pang nalalaman.

"Si Camille nalang. May pag-asa ka pa jan. Tutulungan ka namin! Expert ata kami jan." Sabay kindat na sabi ni Mark.

Bago ko makalimutan, yan ang mga kaibigan ko.

Vince- kaibigan ko simula elementary pa lang kami. Lagi kasi kaming magkadikit niyan. Sikat yan dito. Maraming fans.

Mark- Chickboy ng barkada. Laging may chicks kahit saang sulok pa yan.

Jake- Pinakamabagal sa aming lahat. Laging late pati sa balita.

Ryan- Basaguliro. Huwag mong galitin yan. Uupakan ka.

I've WaitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon