Jake's POV
3 weeks nalang graduation na. At good news! Makakapagraduate kami! Mabuhay kami! Hahaha
Nagplaplano na kami kung saang school mag-aaral. Nakakalungkot lang magkakahiwalay na kaming magkakabigan.
Si Vince sa ibang bansa raw mag-aaral. Akalain mong Architecture ang kukunin? Akala ko ba puro sayaw ang alam nun?
Si Ryan? Ayun hindi raw muna mag-aaral. Siya raw kasi ang magmamanage ng restaurant nila ng pamilya niya. Instik kasi ang mokong.
Si Mark? Naku! Gustong mag criminal. Este, criminology. Sayang parang bagay kasi sa kanya ang pagiging seaman. SEAMANLOLOKO ng mga babae! hahahaha
Ako? Kukuha ako ng accountancy.
Si Luke? Civil Engineering ang kukunin. Matagal na nyang pangarap yun. Dun rin raw siya sa ibang bansa mag-aaral kagaya ni Vince. Nag-usap ata ang dalawa. Hindi na sila naghiwalay. Nung elementary pa yan, hanggang college pa rin ba? Hindi ba siya nagsasawa sa mukha ni Vince? = ̄ω ̄=
Balita ko. Ayy teka! Tunog chismis ah? Ito aayusin ko. Alam ko kung bakit sa ibang bansa mag-aaral si Luke. Para lumayo at umiwas. Para na rin makalimutan yung nangyari.
Hindi na nga siya laging sumasama sa 'min. Lage na siyang nag-iisa. Minsan nagkukulong lang sa bahay nila. Kung minsan naman nagyayaya ng inuman. Himala siya pa talaga ag nagyaya. Nag-aalala na tuloy kaming lahat sa kanya. Kahit mga magulang niya.
Malapit na finals namin. Si Luke hindi pa rin pumapasok.
Dati hindi yun basta-basta umaabsent. Pero ngayon? Ilang araw na siyang hindi pumapasok.
"Mr. Santiago? Bakit hindi pa pumapasok si Mr. Agustin?" Tanong ng isa naming teacher kay Vince
"A-ah. May sakit po siya Maam." Sagot ni Vince. Syempre alam namin na nagsisinungaling si Vince. Ginawa lang niyang alibay ang may sakit si Luke.
"Ah ganun ba? Sige. Pakisabi sa kanya na kapag magaling na siya pumasok na siya. Dahil exams na sa Monday."
"Yes Maam."
Matapos ang klase. Unti unti nang umaalis ang mga kaklase ko sa room. Ako nalang ang naiwan habang yung tatlo naghihintay sa labas. Nag-eenjoy din yung mga gago dahil maraming mga chicks ang dadaan.
"May sakit si Luke?"
Puta! Akala ko ba ako nalang naiwan dito? Bakit may biglang nagsalita? Natapun ko tuloy ang libro na hawak ko. Buti hindi napansin ng mga gago baka pagtawanan pa ako sa pagiging nerbyuso. Ito naman si Camille parang multo. Biglang magpapakita ng hindi mo ene-expect!
"Oo! May sakit siya ngayon! May sakit siya sa puso!" Yan ang sinagot ko sa tanong niya. Nagalit kasi ako sa bigla nyang pagsulpot. Hindi ko alam kung saan nanggaling.
Tila natigilan siya sa sinabi ko. Napatamimi ko ata? Bakit hindi niya ba alam na sobrang nasasaktan si Luke ngayon dahil sa kanya? Ano ba siya bulag?
"Huy Jake! Bilisan mo nga dyan!" Sigaw ni Ryan
"Gusto mong sipain kita papalabas? Ang bagal mo!!!" Umuusok na ang ilong ni Mark.
"Sige Camille." Pamamaalam ko sa kanya. Habang siya naiwang nakatayo sa loob ng room.
"Bat mo kausap si Camille? Anong sabi?" Nakakachismis na tanong ni Vince. Chismuso! Haha
"Wala. Nangungumusta lang kay Luke bat daw absent."
"Ang kapal naman ng mukha niya para mangamusta! Hindi ba niya nakikita na siya ang may kagagawan nito lahat?"
May tama ka dyan Ryan! Kung babae lang ako ngayon? Naku sasabunutan ko yung babaeng yun! Kakalbuhin ko siya! Che!
Bagay sayo Jake! Pagpatuloy mo yan. Haha - author
BINABASA MO ANG
I've Waited
Teen FictionThis is a story of patience. How this two person met (Sofia and Luke). And the story behind their perfect love. P.S - story every chapter is quietly short. Im more focus on the story of the main characters than the other characters. Enjoy! :))