Gwen's Pov:
Sabay kaming tumingin ni Hasher sa kakahinto lang na kotse. Nakababa na ang bintana kaya buo sa dalawa kong mata kong sino iyong nakasakay. Hindi ko alam kung magugulat ba ako o matutuwa kaagad.
"Mommyyy!... Daddyyyy!!!" Hindi ko mapigilang sumigaw sa gulat at tuwa.
"Sweety!" Kaagad na nakipag-beso si mommy sa'kin matapos silang bumaba ni daddy.
"We miss you!" Niyakap nadin ako ni daddy.
Naglakbay ang tingin ni mommy. Nahagip niya si Hash na nakatayo sa tapat ko. Tinignan ako ni mommy na ngayon ay bakas sa mukha niya ang pag-tataka. Pati si dad ay pasimpleng kumindat sa akin.
"Who is he, Gwen?" Tanong ni mommy.
Tinignan ko si Hash na ngayon ay may puri ang nguso kina mommy at daddy.
"Siya ba?" Pabulong na pangungulit ng daddy, tinampal ko lang ang braso ni daddy saka inirapan.
"Dad... mom, si Hash, kaibigan ko." Sabi ko saka nilingon si Hash. Tumango siya kina mom at dad. "Hash, mommy at daddy ko."
"Good evening po sa inyo." Ani Hash at kaagad na nag mano sa kanila isa't isa.
Napalunok ako sa ginawa niya. Para bang namara ang lalamunan ko sa ginawa niyang 'yun. Bumilis ang paghinga ko. Shet! What feeling is this? Kumunot ang noo ni mommy nang nag mano si Hash sa kaniya. Para bang meaningful iyon kay mom. Well, siguro nabigla lang ito dahil for the first time, I think it was her first time na may nag mano sa kaniyang hindi pa niya lubusang nakilala. Si dad naman ay tinanguhan si Hash matapos ibigay ang palad dito.
"So? How long have you been friends?" Tanong ni mommy sa aming dalawa ni Hasher.
Tumingin ako kay Hash. "Weeks, I guess."
Tumango si mommy.
"How's your study, Gwen?" Nakangising pag-eksena ni dad.
"Okay naman po, daddy." Sagot ko.
"Mabuti pa sa bahay na tayo mag-usap." Ani mama at umakmang pumasok ng kotse pabalik.
Tumango si dad.
"Diyan kana sasakay, Gwen?" Biglaang tanong ni Hash. Napalingon kaming pareho sa kaniya.
"A-ahmm. Oo." Ngumuso ako.
"Wait." Naguguluhang pambabara ni daddy. "Magkaibigan lang ba talaga kayo?"
Nagulat ako sa tanong ni dad. Diretso akong napalingon kay Hash. Nakatingin din siya sa akin at tila'y nag-uusap ang aming mga mata.
"Opo." Magalang na sagot ni Hash kay dad. "Actually po, mag katabi lang 'yung bahay namin sa inyo, dito sa syudad... sa tinitirhan ni Gwen ngayon."
"So, you mean... kaya kayo magkaibigan kase mag kapit bahay?" Nakadungaw na si mom sa bintana ng front seat. Nauna na pala itong sumakay.
"Hindi naman po sa ganun, tita." Tumindig 'yung balahibo ko sa tawag ni Hash kay mom. "Magkaibigan kami ng anak niyo dahil sa kabaitan niya. Well raised talaga."
Well raised! Hindi ko alam kung nambobola lang ba itong si Hasher o katotohanan ba talaga ang pinagsasabi niya. Lumunok nalang ako. Hindi ko din alam bakit wala akong ma i-singit. Hindi ko kayang buksan ang bunganga ko at wala akong ibang magawa kundi ang makinig na lamang sa pag-uusap nila.
"Siya. Uwi na tayo. Dun na tayo sa bahay mag-usap, Gwen." Ani dad at pumasok na ng kotse.
Nilingon ko si Hasher na nakanguso sa akin. Tinanguhan niya ako at sumenyas na sumunod na ako kila mom at dad. Sinunod ko naman siya. Agad akong pumasok ng kotse namin saka nagsimula ng mag maniho si daddy.
BINABASA MO ANG
Love Me Back (Back Series 1)
General FictionPosible bang may mabubuong pag-ibig sa dalawang taong pinaglapit ang tahanan? Posible bang mag kasundo ang kanilang dalawang puso? Posible ba na ang dalawang mag kapit bahay, ay pwede sa kapit buhay? Posible-Ganiyan palagi ang nasa isip natin kapag...