Gwen's Pov:It's 7:00 in the evening and the Lady and Man of the Night starts at exactly 8:00. Isang oras pa ang lilipas bago mag simula ang pageant pero dinudumog na ang school quadrangle. Bata, matanda, outsider at tsaka mga estudyante, lahat ay pumipila na papasok ng venue para manood ng pageant.
Dinig na dinig din sa labas ang sounds na nanggagaling sa loob mismo ng venue. Covered ito pero still tagos pa din hanggang labas ang mga musics na nakaplay.
Pinapanood ko lang iyong mga nagkukumpol kumpolang mga tao sa entrance habang nag sisipsip ng milk tea dito sa isang dayong tea vendor sa labas ng quadrangle.
"Can Hasher win the title?" Kumunot ang noo ni Laureen pagkatapos sipsipin ang biniling milk tea.
"Of course naman." Sabat ko at inilapag sa table iyong milk tea ko.
"The one who let you ride in his car the other day? Pang-uusisa ng kapatid ni Laureen sa kay Hash.
Oo, nandito din iyong kuya ng best friend ko, si Shiro. Tatlo kami ngayong nag mimilk tea dito sa labas. Sobrang awkward nga e, kase naman itong best friend ko'y abala sa pagseselpon. Para bang may inaatupag. Hindi man lang sumasali sa awkward moment namin ni Shiro.
" A-Ah. Oo. Siya 'yun." Tumango ako dito at luminga linga sa mga taong nagsisiksikan sa entrance ng quadrangle.
Tumango siya at humilig sa upuan.
"Gwen! May online voting pala?" Kumunot ang noo ni Laureen habang tutok na tutok sa cellphone.
"What?" Tanong kong gulat. "Ba't hindi man lang tayo ininform?"
"Kaya nga. Eto oh." Ipinakita ni Laureen iyong binabasa niyang article sa school page.
Binasa ko naman iyong nakasulat. Kakapost lang ng article and I sense sinadya ito ng organizer para masurpresa 'yung mga voters. But I'm pretty sure, hindi mahuhuli si Hasher.
"Ladies and friends. Few minutes to wait and the pageant is about to start."
Luminga linga ako nang marinig iyong boses ng emcee sa loob. Pati si Laureen ay napatigil na sa pagseselpon at ang kuya niya naman ay kasalukuyang sinipsip ng patapos ang milk tea.
"So? Let's go inside?" Tumayo ako at sinundan naman ng dalawa.
"Tara." Nakangising ani Laureen.
Pumasok kaming tatlo at nakikisiksik sa mga taong nag siksikan sa entrance. Medyo nabuhay na naman itong pours ko dahil sa pagdampi ng balat ni Shiro sa kamay ko. Paano ba naman kase sa sobrang sikip nagdidikitan na iyong mga tao. Napalunok na lang ako nang tumagal pa iyong pagdampihan ng balat namin. Ganito ba ako ka reactive?
"10 minutes left and our lovely ten pairs of candidates is about to sail." Buo ang boses ng emcee nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng quadrangle.
Diretso ang paningin namin sa nag-iilaw na stage. Kita dun ang mga colored light balls tsaka iba pang mga desenyong pang pageant. Pinapaligiran ng mga manonood iyong entabladong pagrarampahan ng mga contestants. Nag mistulang buhangin iyong mga manonood dahil sa sobrang dami. Ni hindi kayang bilangin at tantyahin.
"Saan tayo pupwesto?" Nakasimangot si Laureen habang sinusuyod namin iyong open space.
Tumawa si Shiro si likuran namin. "Seems like we're running out of chairs."
Luminga ako para humanap ng pwedeng pagpwestuhan. "Dun!" Sabay turo ko sa bandang harapan.
"Tse!" Umirap si Laureen dun sa itinuro kong pwesto dahil sa naunahan kami ng grupo ng mga babae.
BINABASA MO ANG
Love Me Back (Back Series 1)
General FictionPosible bang may mabubuong pag-ibig sa dalawang taong pinaglapit ang tahanan? Posible bang mag kasundo ang kanilang dalawang puso? Posible ba na ang dalawang mag kapit bahay, ay pwede sa kapit buhay? Posible-Ganiyan palagi ang nasa isip natin kapag...