Gwen's Pov:
Pagkarating namin sa parking lot ng school ay nanatili kami sa loob ng kaniyang kotse. Hindi kaagad kami bumaba dahil sa hindi pa naman saktong oras ng ganapan.
Marami naring mga estudyante ang nagsipagdatingan. Kaniya kaniyang bitbit ng gift bag and gift box. Samantalang ako, bitbit din ang gift bag na may lamang kwentas sa loob.
"Yan 'yung gift mo sa'kin?" Nakangising pinatay ni Hasher ang makina ng sasakyan at pinasadahan ang bitbit kong gift bag. "Sa'kin na 'yan."
Inilayo ko sa kaniya iyong gift bag ko. "Mamaya na sa exchange gift. Baka mag mukha akong hindi kasali 'ron dahil sa ibibigay ko na itong gift ko sayo ngayon."
"Edi... dalawa tayong mag mukhang hindi kasali!" Ipinatong niya ang dalawang kamay sa manibela. Tumingin siya sa back seat ng kotse saka ako nginisihan at kinindatan. "'Yan naman ang gift ko sayo."
Nagtaka ako sa sinabi niya. Napalingon akong bigla sa back seat kung saan nandun ang isang gift box. Ngayon ko lang din ito napansin gayong abala ako sa mga pinag-uusapan namin ni Hash kanina. Is this for me?
"Anong gift mo sa'kin?" Inulit ko iyong sinabi niya kamakailan. Hindi ko kayang waglitin sa isipan iyong sinabi niya kaya ngayon ako ay nagtataka. "Seryoso kang sa'kin 'yan?"
"Pangalan mo ang nabunot ni Wayne kaya pinalitan ko ng sa'kin. Oo, seryuso ako, sayo 'yan. At gusto ko ngayon na, bubuksan mo iyan." Seryosong utas niya na bakas sa kaniyang mukha ang sinseridad.
"P-Pinalitan m-mo? Do you mean, we both draw each other's name?" Kumunot ang noo ko dahil sa naguguluhan na ako.
"H-Hindi. Si Wayne ang nakabunot ng pangalan mo at pinalitan ko lang dahil gusto ko na ikaw ang bibigyan ko ng regalo." Pagpapaliwanag niya na nakatingin saking dalawang mata.
Tumango nalang ako kahit na hindi parin ako satisfied sa sinabi ni Hash. Kahit na nagdadalawang isip kung sa'kin ba talaga ang regalong tinutukoy ng boyfriend ko sa back seat ay hindi ko parin maiwasang magpatianod sa paniniwala. Mas lalo kong nakumpirma na sa'kin nga talaga ang gift box sa back seat nang nabasa ko ang gift card na nakadikit sa wrap nito.
"To my only sweetheart, Gwen Gomez."
Kinikilig na sana ako sa unang parte ng nakasulat sa card pero napalitan ito ng tawa nang nabasa ko ang panghuling nakasulat. Gwen Gomez?
"Nagkamali ka ata ng nilagay na pangalan." Tumawa ako. "Sino ba si Gwen Gomez?"
"Syempre ikaw!" Umalon ang noo niya at nagpakawala pa ng malalim na pagbuntong hininga. "Iyan din naman ang magiging apelyido mo eh. Bakit ayaw mo sa apelyidong 'yan?"
"Ay naku! Sobrang gusto!" Umirap ako sa kawalan. "Kung pwede ngang palitan ang apelyido ko ngayon na, pinalitan ko na ng apelyidong 'yan."
Binawi ko lang talaga ang loob ng boyfriend ko. Hindi naman sa ayaw ko ng apelyido ko ngayon kaya ko nasabi iyon, sadyang gusto lang talaga ni Hasher kaya sinasabayan ko na rin. Pero kahit papaano sa sinabi ko ay umaliwalas ang mukha niya. Alam kong natuwa siya 'ron sapagkat buo sa dalawa kong mata ang saya sa kaniyang mukha.
"Tignan mo na 'yan." Inginuso niya iyong gift box sa back seat. "Sana ayos 'yan sayo."
"Mamaya na sa exchange gift time... baka magtaka ang mga kaklase natin kapag nahalata nila na pareho tayong walang gift." Pagpapaliwanag ko.
"Wala namang problema dun... ako 'yung pagbibigyan mo ng regalo, ikaw naman ang sa'kin." Sabi niya. "Okay namang mag exchange gift na tayo dito ngayon na."
"Ano kaba? Mas ayos 'yung dun sa venue nu?" Ngumiwi ako at nagkibit balikat narin.
"Hindi na kase ako makapagtiis... at tsaka, diba, gusto mo ng privacy? So why don't we do this in here?" Atat na aniya na animoy hindi na makapagtiis.
BINABASA MO ANG
Love Me Back (Back Series 1)
General FictionPosible bang may mabubuong pag-ibig sa dalawang taong pinaglapit ang tahanan? Posible bang mag kasundo ang kanilang dalawang puso? Posible ba na ang dalawang mag kapit bahay, ay pwede sa kapit buhay? Posible-Ganiyan palagi ang nasa isip natin kapag...