Gwen's Pov:
Matapos akong ihatid ni Teo ay diretso kaagad ako sa kwarto. Wala akong ibang ginawa 'ron kundi ang umiyak ng umiyak. Parating sumasagi sa isipan ko iyong mga naging eksena sa pageant. Inis at selos ang tanging nararamdaman ko sa bawat oras. Naiinis ako kay Hasher sa kabila ay nagseselos.
Kinaumagahan, hindi kaagad ako lumabas ng kwarto. Nagkukulong lang ako at wala sa gana ko ang kumain at gumawa ng kahit na ano. Ngunit kasalungat nun ang nangyari. Napabalikwas ako sa kama nang maulinigan ko ang isang pamilyar na boses sa labas ng bintana sa kwarto ko. Binuksan ko iyon at bumungad sa mga mata ang nakangusong si Hasher sa kaharap na bintana. Is this fvcking for real? Ghad! Bungad na bungad sa dalawang mata ko ang saya sa mukha niya. Para bang humupa kaagad iyong inip ko sa kaniya nung nakita ko siyang ngumisi sa akin. He changed my mood!
"Gwen, punta ako sa inyo mamaya!" Sambit niya sa kabila.
Natataranta na naman ang buong sistema ko. Hindi ko alam kung ano yung isasagot sapagkat kagabi lang nangyari iyong dahilan ng pagdadalamhati ko. Totoong medyo galit ako kay Hash pero agad ding humupa iyon nang sa akin na ngayon ang atensyon niya.
"I-ikaw b-bahala. A-anyway congrats!" Nauutal kong sagot at sinuklian iyong ngisi niya. "Sige. Maliligo lang ako."
Kaagad kong sinara iyong bintana, pero bago pa man masara iyong awang ng sliding window ay nahagip ng isang mata ko ang pag lunok ni Hash. Why? Is there something wrong with my words previously?
Inayos ko ang sarili at kaagad na tumungo ng banyo. Matapos ang mahigit kalahating oras na pagligo sa wakas ay tapos na din. Inayos kong muli ang sarili. Nag damit at tumungong kusina para mag timpla ng kape. Kasunod nun ay tumungo ako ng sala para dun mag kape.
Sumisimsim ako ng kape nang may biglang kumatok sa pintuan. Muli na namang nabuhay ang pagkatarantada ko. Kumatog kaagad ang dalawa kong binti nang marinig ang katok na iyon. Shet!
"Unlock 'yan. Pasok lang." Pinilit kong maging normal ang tono ng boses ko kahit na sa loob loob ay natataranta na.
Bumukas iyong pinto at tumambad sa mga mata ko si Hasher. Ganun parin ang ekspresyon ng mukha niya. Nakangisi at hindi maipagkakaila ang ngisi niyang abot tainga.
"Come sit down here." Itinuro ko siya sa gawi ko kung saan ang sofa.
"Salamat." Aniya saka pumanhik sa gawi ko at umupo na din.
"Coffee? You want?" Offer ko kahit na halos hindi na ako makapagsalita dahil sa dating niya. He can made someone speechless by his stunning looks and alluring assets.
"'Wag na. Tapos na ako. Tsaka nandito ako para sabihin sayo kung sasama kaba ngayong gabi." Nagtaka ako sa sinabi ni Hasher.
Ngayong gabi? Where?
"Hmm? Saan ba? Bakit? Anong merun ngayong gabi?" Kumunot ang noo ko habang pinapaulanan si Hasher nang mga katanungang iyon.
"Inimbitahan ako ni Shavia sa victory party niya sa pageant. Ngayong gabi daw at plano kong isasama kita... kung ayos lang sayo."
Lintek na Shagagang 'yan! Naalala ko tuloy iyong mga eksena kagabi. 'Yung pagiyak ko. Shet! Hindi kaya namumugto ang mga mata ko ngayon? Hayst! Don't worry Gwen, you already took a bath and you also done rinsing those pains but the scenes of jealous still remains as stains. Arrghh!
"Hindi ba magmumukha akong tanga 'ron? Imagine, I'm not invited at bigla bigla na lang susulpot?" Tatawa-tawa kong wika kay Hasher.
Sumeryoso ang ekpresyon ng mukha niya. "Bakit? Invited lang ba ang pwedeng pumunta? Tsaka kung hindi ka inimbita at least inimbita kita."
BINABASA MO ANG
Love Me Back (Back Series 1)
General FictionPosible bang may mabubuong pag-ibig sa dalawang taong pinaglapit ang tahanan? Posible bang mag kasundo ang kanilang dalawang puso? Posible ba na ang dalawang mag kapit bahay, ay pwede sa kapit buhay? Posible-Ganiyan palagi ang nasa isip natin kapag...