Gwen's Pov:
Ilang sandaling nakatitig sa akin sina Laureen at Tita matapos iyong sinabi ni Nake. Hindi naman sa guilty ako or affected ba sa kindat ni Hasher kung ako man talaga 'yun pero nahihiya akong labanan iyong mga titig nila. Gusto kong mag patinag sa malalaman nilang mga mata. Gusto kong isuko iyong mga mata ko sa titigang nagaganap ngunit wala akong sapat na dahilan para gawin iyon.
"Is Hasher really winked at you? Huh?" Gulat na ani Laureen.
Ngumisi si Tita.
"T-tayo 'yung kinindatan niya, h-hindi ako." Nilingon ko si Nake na tinatama iyong sinabi niya.
Hindi ko alam kung paano buohin iyong naging dahilan ko. Ngumisi lang lalo ang mama ni Hasher sa naging tugon ko. Si Laureen naman ay napilitang tumango. Shet! Kinabahan ako!
"And we are now for the talent segments." Mabuti nalang at naagaw ng emcee iyong atensyon nila kaya nilubayan din ako ng kaba.
Nabaling ang mga mata nila sa stage para manood sa kung sino iyong nag peperform. Para akong na out of mind dahil sa panandaliang scene namin dito sa table. Kaya nama'y hindi ko man lang napansin kung sino iyong nag peperform ng talent sa stage. Saka ko na napagtanto kung sino iyon nang humigit na naman ang mga tili at sigawan.
"Valin De Guzman and Chad Hanslan! Perfect!"
"Chad Hanslan! Go babe!"
Napalingon ako sa gilid namin nung dumapo sa tainga ko iyong kakaibang hiyaw ng babae. Kaya naman pala, ang ex na si Shine pero mukhang kulog. Nakakatawa. Well, hindi ako bitter kay Chad kaya ko iyon nasabi sadyang hindi lang talaga ako sinungaling. What I see is what the fact.
Napabuntong hininga na lamang ako habang natatawa sa isipan. Sinundan pa iyon ibang contestants with their talents. Hindi ko na naituon ang atensyon sa performer dahil sa sobrang ingay. Lumipas din ang ilang minutong sigawan at humupa din ito nang biglang nag lights off.
Hindi pa sila nag lights on at ganun na ulit kaingay ang quadrangle. Pangalan niya palagi ang naririnig ko sa bawat bukambibig sa kakatili at sigaw. Ni pangalan ni Shavia ay bihira lang sa pandinig ko. Dahil siguro sa natabunan na ito sa sigaw ng mga supporter ni Hasher. So they're the next performer?
Pinako ko ang paningin sa stage. Dun ko naaninag nang mas klaro sa paningin nang nag lights on na. Grabe! Gusto kong maduwal ng dis oras. May ni anong hangin ang nanonoot sa dibdib ko. Kinakapos ako ng hininga dahil sa presence ni Hash at Shavia sa harapan, sa mga mata ng tao at sa mga mata ko. Gusto kong lumabas nalang at piliing palampasin itong segment nila. Paano ba naman kase, tamang tama din nung nag lights on ay nakita ko kaagad si Hasher na topless at white jeans bottom lang. Nakahawak sa bewang ni Shavia na mag kalapit ang mukha. Dun ko lang din naaninag ang saplot ni Shavia. Nakabalot ng white tube ang dibdib habang naka up to shoe na puting saya. Para silang anghel na bigla bigla nalang tumambad sa harapan ng lahat. Their white motifs presence makes people groaned as they sway for moves together with the song played. Ghad! Is this my last breath?
They're now performing an interpretative dance with the song used: Someone You Loved by Lewis Capaldi.
‘I'm going under and this time I fear there's no one to save me..
This all or nothing really got a way of driving me crazy...♪’Napalunok akong pinapakinggan ang music habang pinapanood ang matutugmang action nila sa kanta. Shet! Umuurong ang mga mata ko sa mga interpretation moves nila. Mag kahawak kamay habang dahan-dahang lumalayo sa isa't isa? Nakahawak sa dibdib ni Hash habang pulupot na pulupot ang braso kay Shavia? Is this a torture?
BINABASA MO ANG
Love Me Back (Back Series 1)
General FictionPosible bang may mabubuong pag-ibig sa dalawang taong pinaglapit ang tahanan? Posible bang mag kasundo ang kanilang dalawang puso? Posible ba na ang dalawang mag kapit bahay, ay pwede sa kapit buhay? Posible-Ganiyan palagi ang nasa isip natin kapag...