Chapter 6

46 4 0
                                    

Gwen's Pov:

Ilang sandali din akong natuliro bago makabalik sa ulirat. May kung ano sa loob kong hindi ko maintindihan. Ang tanong ni Hasher ang siyang ikinatunganga ko.

"Huh? Ba't naman ako magagalit?" Ngayon ay ngumisi na ako para pambawi sa di ko inaasahang inasal ko kanina.

"Wala." Nagpakawala siya ng nguso saka tumingala.

Tinignan ko lang siyang nakatitig sa kawalan. Kahit saang anggulo tignan, gwapo talaga. His tantalizing eyes that brings glamorous thing you couldn't explain, 'yung tipong tinitignan ka lang, nabibighani kana. Tangos ng ilong niyang bakas ang nose line. His kissable lips na kapag nakaawang ay nakakabalisa. Kaya hindi ako nagkamali sa pag recommend sa kaniya bilang representative ng Lady and Man of the Night. He's perfect!

"Iwan na muna kita, Gwen." Bigla siyang tumayo sabay baling sa'kin. "Punta lang akong room."

Tumango ako. "Sige."

Umalis na siya. Nakatalikod sa gawi ko. Ngunit, kahit na ang layo na ng agwat niya sa gawi ko ay sinusundan ko parin siya ng tingin. Paglalarawan parin ng assets niya ang mga naiisip ko. Matangkad, maputi tsaka sobrang cool na medyo hot. Shet!

"Ahhh!" Napasigaw ako sa bigla nang may biglang tumama sa braso ko. Nakaramdam tuloy ako ng sakit dito. Shet! Tinignan ko iyong tumama sa braso ko at nakumpirmang isa itong bola ng soccer.

Oo, kahit na malapit na matapos ang school year, may mga naglalaro parin ng kahit na anong sport. Siguro ay talagang hilig nila ang sport kaya hanggang ngayon determinado parin ang iilan sa paglalaro.

But wait! Who's that guy running straight at me. Wearing a Fly Emirates top and a terno lower. Napako ang paningin ko sa lalaking ngayon ay naglalayag patungo sa gawi ko.

Siguro siya 'yung nag hit ng bola kanina at tumama sa'kin. Pero bakit siya tumatakbo ngayon? Oo nga pala, 'yung bola, kukunin niya. Tinignan ko ang bola na gumulong kanina at pumwesto sa malayuan. Umiling iling ako at ginawaran ng tingin ang iilan sa nag lalaro ng soccer sa unahan.

"Are you okay?" Napalingon ako sa gilid ko nang may biglang nagsalita. Nilingon ko ito at naaninaw ang lalaki kaninang tumatakbo patungo sa gawi ko. Akala ko ba'y bola 'yung kukunin niya?

Naiilang kong nilingon siya. Pawisan siya at humihingal pa sa pagod.

"Hmm..." Ngumuso ako. Naalala ko 'yung sakit sa braso ko kanina, oo kanina pa iyon dahil hindi naman gaano kalakas 'yung pagtama ng bola sa'kin kaya mabilis ding humupa.

"Ayos ka lang ba, Miss?" Kumunot ang noo niya na bakas sa mukha ang pangangambala.

"Oo, ayos lang ako." Ngumuso ako at tumango.

"Seryoso kaba diyan?" Usisa pa niya.

"Oo, seryoso." Ngumuso ulit ako.

"Pasensya kana talaga." Tinignan niya ang braso ko. "Baka napaano 'yang braso mo, tara dalhin kita sa infirmary!"

"Just don't." Tumayo ako saka agad na binanta ang dalawang palad. "Talagang ayos lang ako, at tsaka malayo ito sa bituka."

Kalmado lang ako at salungat naman 'yung sa lalaki. Bakas sa mukha niya ang pag-alala. Hindi mapakaling panay tingin sa braso kong tinamaan ng bola.

"By the way, I'm Teo." Tinignan ko ang palad niyang nakalahad.

"Gwen." Inabot ko ang palad niya. Ngumisi ako as if na kalimutan na 'yung sakit sa bola.

"Talagang ayos ka lang Gwen ah?" Muli na naman niyang usisa.

"Ano kaba, ayos lang ako. Tsaka huwag mo nang abalahin 'yun. Hindi mo naman sinadyang tamaan ako." Sabi ko.

Love Me Back (Back Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon