Chapter 30

35 2 0
                                    

Hasher's Pov:

Mag-aalas 9:00 na ng gabi nang matapos namin ang pagdedesenyo dito sa rooftop ng school building. Mabuti nalang at pumayag din ang guard ng campus.

Ayos na 'yong mga lights. Ayos na din ang isang table at dalawang upuan. Nakaset-up nadin ang mga table candles, mga red roses, wine tsaka nakalatag narin ang mga rose petals sa mesa.

Dito ko sa roof top bukas ng gabi i-dadate ang taong mahal ko. Dito ko dadalhin si Gwen. Alam niyang may surprise ako sa kaniya pero hindi niya alam na ito ang surprise ko.

"Hash, sobrang effort mo naman." Sabi ni Zushaine matapos ayusin iyong skirting sa mesa.

"Para sa taong mahal ko, Zu." Ngumisi ako at iniisip na naman ang magandang si Gwen.

"Until now, hindi ko pa nakikita iyang girlfriend mo." Nagkibit balikat ito at bahagyang sumimangot.

"You can see her anytime. Sobrang ganda nun, mas maganda pa sayo." Pang-aasar ko dito at pinisil ang kaniyang pisngi.

"Tse! Maganda kaya ako, kaya nga gusto kong mag model diba." Umirap din ito sa kawalan na siyang ikinatatawa ko.

Sobrang mapagmahal sa sarili talaga itong si Zushaine. Tawang-tawa talaga ako kapag siya itong kasama ko. Minsan nga lang kami mag kasama pero this time pumayag naman siyang gawin kong designer for my surprise to my sweetheart.

Zushaine Lazmiede is my cousin. She's beautiful and indeed fit for modeling events. Sabi pa nga niya, pangarap niya talaga ang maging model dahil aniya pa, sayang ang pagiging sexy at maganda kung hahayaan niya lang itong dalang-dala niya. Ang yabang diba?

"Pinsan, mauna na ako sayo. Tutal at tapos na naman ang pinatrabaho mo sa maganda mong pinsan." Pamamaalam ni Zushaine.

Aba'y taas noo. Tumatawa nalang ako saka umiling-iling sa sinabi niya.

"Or maybe, ihahatid na kita." I offered but she simply shaked her head.

"No need. This sexy and beauty queen won't need someone who can fetch me somewhere, I can handle anything for myself." Taas noo niyang utas at iwinasiwas ang buhok sa kawalan.

"Taray mo naman, Zushaine Lazmiede. Mana ka talaga syempre sa magulang mo." Sabi ko.

"Sige na at mauna na ako sayo. Iwan na kita dito, siguro naman surprise na ito para sa girlfriend mo." Sabi niya at umalis na ng rooftop.

Nagpasalamat naman ako sa pinsan ko bago siya umalis. Mabait at matulungin si Zushaine kaya sayang ang katangian niyang 'yun kapag hindi niya ako tutulongan sa preparation ko ngayon.

Naiwan akong mag-isa. Sumisilay sa labi ko ang ngiti habang iniimagine ang mahal kong naka-upo ngayon sa designed chair. I hope I can make her happy by this simple surprise for tomorrow night. I love you my sweetheart.

Gwen's Pov:

Gumagabi na at bukas na bukas ay Valentines day at seniors ball na namin. Bukas pa naman ng gabi iyon pero still excited. Excited na din ako sa surprise ng boyfriend ko. Ano kaya 'yun?

Alas 9:30 na ng gabi at hanggang ngayon ay gising pa din ako. Umaasa kase akong pupunta pa siya dito dahil 'yun ang sabi niya. Pero dinadalaw nalang ako ng antok at hanggang ngayon ay wala paring Hasher ang dumating. O baka may pinagkakaabalahan lang o di kaya ay busy kaya hanggang ngayon ay wala pa siya. Hindi ko na rin siya tinawagan dahil baka ma disturbo ko lang ito.

Napagdesisyunan kong matulog nalang para maaga pa bukas ay maayos ko na ang sarili ko.

Kakahiga ko lang sa kama ko nang biglang tumunog 'yung calling ringtone ng cellphone ko. Kinuha ko iyon sa side table at tinignan ang tumawag.

Love Me Back (Back Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon