Gwen's Pov:
The sun downs and the dim were already scattering outside. Gumagabi na and my knees are now trembling. My heart beat so fast.
Unang beses itong pupunta si Hash ng bahay na gabi. Hindi ko 'rin alam bakit ako kinakabahan. Hindi ko 'rin alam bakit gabi kung pwede namang bukas nalang. Shet! I can't resist myself.
Mag alas 7 na ng gabi. Pabalik balik ako sa pag-upo sa sofa. Maya maya ay tatayo na naman para tignan kung nandiyan na ba siya.
Ilang sandali akong na-upo nang may kumatok na sa pintuan. Shet! Kinabahan na agad ako. Hindi ko din alam bakit ganto 'yung nararamdaman ko.
"Gwen?" Boses iyon ni Hasher mula sa labas ng pinto. Hindi ko pa ito nabuksan dahil sa inayos ko ang sarili ko saka pinakalma.
"Pasok lang, hindi 'yan nakalock." Sagot ko na naka-upo padin sa sofa.
Binuksan niya naman ang unlock na pinto. Pumasok siya at natunganga talaga ako sa kaniya. Shet! Nakasoot siya ng white T-shirt saka above the knee short na kulay itim. Above the knee ito pero panlalaki padin ang dating. I don't know why but I find him more hot and attractive because of he wore. He's so handsome.
Nakatingin din siya sa'kin na nakatayo parin sa pinto. Nagtagpo ang mga mata namin. Shet! His stare! Ilang segundo din siyang nakatitig sa'kin, ilang segundo din siyang nakatayo sa pinto. Umiwas ako ng tingin para sugpuin ang lagkit ng titig naming dalawa.
"Ahmm... asan 'yung notes mo?" Nagsimula na siyang lumapit sa gawi ko. "Pahiram naman... dito ko na kokopyahin."
I couldn't resist everything but what I wished is to surpass this scene of us. Masyadong uncontrollable kapag may temp na. Dito pa talaga kokopya na pwede namang hiramin niya nalang 'yung notes ko at dun nalang siya kokopya sa bahay nila! Shet!
"Saglit lang, kukunin ko lang sa taas." Tumayo ako para kunin dun sa kwarto ko.
Tumalikod ako sa kaniya para kunin ang notes ko sa taas at ramdam ko na sinusundan niya ako ng tingin habang tumatalikod. Ramdam ko ang titig niya.
Hasher's Pov:
Hindi ko kayang iwasan sa pagtitig si Gwen every time na mag tagpo ang aming mga mata, kahit na matignan ko lang siya, pakiramdamn ko ang hirap iligaw ng paningin ko.Tangnaks! Bakit ganto?
Habang naghihintay sa kaniya na makabalik ay iginala gala ko ang aking paningin sa kabuuan ng sala. Halata talagang nag-iisa lang siya dahil kaunti lang 'yung mga gamit na nakikita ko. Halos lahat ay pambabae pa at siguro'y pag-aari niya iyon.
Bakit naman kaya mag-isa lang siya dito? Wala ba siyang family? Paano siya nabubuhay kong wala siya nun? Bobo mo Hash! Natatawa ako sa mga naisip ko.
"Eto 'yun." Dumako ang paningin ko sa kaniya habang pababa ng hagdan, may bitbit siyang notebook.
Ngumiti ako at tumango.
"Alin ba 'yung hindi mo na take down dito?" Inisa-isa niya sa pagbukas 'yung page saka itinuro turo ang mga title of topics.
Umupo siya sa sofa na hindi tumitingin sa'kin. Pinagmasdan ko lang siya ng maiigi. Napadpad ang paningin ko sa pisngi niya, sa lips tsaka sa notes na.
"Yan!" Sabay hawak ko sa kamay niya para pigilan siya sa pag-open ng next page nang sa gayon ay hindi iyon matakpan. "Ito ang hindi ko na take down, Principles of quadratic equations."
Namalayan kong kinuha niya 'yung kamay niya sa ilalim ng palad ko. "Sige, ikukuha muna kita ng juice. Ano bang gusto mong flavor? Apple? Pineapple? Strawberry? Grapes? Mango? Orange---"
BINABASA MO ANG
Love Me Back (Back Series 1)
General FictionPosible bang may mabubuong pag-ibig sa dalawang taong pinaglapit ang tahanan? Posible bang mag kasundo ang kanilang dalawang puso? Posible ba na ang dalawang mag kapit bahay, ay pwede sa kapit buhay? Posible-Ganiyan palagi ang nasa isip natin kapag...