Chapter 26

41 3 0
                                    

Gwen's Pov:

Matapos ang Christmas party ay naging magaan ang loob ko. Siguro dahil ito sa mga nangyari kahapon. Kung saan, naging hopped to public ang relasyon namin ni Hasher. Where everyone witnessed how he kissed me. For how he show to the public his love for me.

Tinuloy namin ang napag-usapan  may kinalaman sa Christmas break, so we here traveling down to South Arzemia.

Kakalagpas lang namin sa boundary ng South tsaka North. Kita ko na sa labas ng kotse ang mga matatayog na puno ng kahoy. Ang mga matataas na hanay ng bundok tsaka mga nagsisilawakang farm ng mga negosyante dito sa South o sa probinsya ng Arzemia.

Nadaanan nadin namin ang bridge ng Dasma River. Ilog kung saan ang source ng dam na siyang naging supply ng tubig sa buong North. Malaking ilog ang Dasma kung kayat nagawa nitong hatiin ang supply ng tubig sa probinsya at syudad (South—Province | North—City). Ang ilog din ng Dasma ang kinukunan ng patubig sa mga farm dito sa South. Ganto ka ganda ang South, although malayo sa mall at mga fast food but then so comfortable with the abundance for the beauty of nature.

"Malayo pa ba ang mansion niyo?" Tumawa si Hasher at nilingon ako sa kabilang upuan sa front.

"Malaki lang 'yun pero hindi 'yun mansion." Tumawa na din ako. "Malayo-layo pa, dun talaga 'yun sa proper ng South Arzemia. Sa tantya ko ay aabutin pa ng twenty minutes ang byahe."

Tuloy tuloy naman kase ang byahe namin dahil bukod sa walang aberya. Maayos din ang daan. Konkreto ito dahil sabi pa ng Gobernador dati, kailangan daw na sementado ang daan dito sa South papuntang North para mas madali at maayos ang pag-angkat ng mga produkto mula sa probinsya ng Arzemia tungong syudad.

"Sweetheart, look!" Binagalan ni Hasher ang pagpapatakbo ng sasakyan at manghang itinuro ang lawak ng palayan nang madaanan namin ito.

Nakabukas lang kase ang bawat bintana sa gilid namin dahil para mas ma-enjoy namin ang travel with the sceneries around South Arzemia.

"Rice Farm." Tinignan ko narin ang malawak na palayan na itinuro niya. "Negosyo iyan ng mga Hescalante."

"Sobrang lawak, sobrang ganda." Pag-puri nito at halata talaga sa mukha niya ang pagkalibang.

"Well, sa pagkakaalam ko'y nasa 50 hectares ang kabuuang lawak ng rice farm nila. Tsaka, they're known for having this big business since ang farm nilang ito ay eni-export narin sa ibang bansa ang product." Kuwento ko.

"Hanep!" Ani Hash na hindi pa makapaniwala. Tumingin naman siya sa kasunod pang farm nang lumagpas na kami sa rice farm ng mga Hescalante. "Pineapple Farm?"

Tumingin din ako sa kasunod na farm. Hindi maalis ang mga mata ni Hasher dun na para bang may alam siya sa farm na iyon.

"Bakit?" Usisa ko nang maamo ko sa mukha niya ang kaalaman. "This farm familiar to you?"

Napilitan siyang lumingon sa'kin. "Lazmiede pineapple farm? Right?" May bahid na pagdududa ang nakapinta sa mukha ng boyfriend ko.

"Oo, Lazmiede nga ang may-ari ng farm na 'yan." Tumango ako sa pagtatakang humihigit sa'kin bakit niya alam. "Do you know them?"

"Actually, Tito ko ang may-ari ng farm na ito. Kapatid ni mama." Kuwento niyang nagpamangha sa'kin. Tumingin naman siya ulit sa farm na may ngisi sa labi. "Ito pala 'yung farm nila Tito."

"Kaya pala inaya mo'kong dito sa South mag bakasyon, may relatives ka din palang may lupain dito..." Sabi ko.

"Tsaka, kinukwento din kase ng pinsan ko na maganda ang lugar na ito, now I see, maganda nga." Tumango tango siya. Bumaling naman siya sa'kin at ngumisi. "Nga pala, malayo pa ba tayo sa proper?"

Love Me Back (Back Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon