Chapter 9

48 6 0
                                    

Gwen's Pov:

Muntikan na akong mabulunan ng sariling laway dahil sa sinabi ni Hasher. Arrgh! How can make it normal? Nag-kunwari akong natawa dahil dun. Iyon nalang ang ginawa ko aside sa ipakita ko sa kaniya na dinama ko puso't isipan 'yung sinabi niya.

Iwan ko kung nag ooverthink lang ba ako kaya ko binibigyan ng malalalim na kahulugan 'yung sinabi niya. Alam kong ibig niyang sabihin nun ay kaming dalawa 'yung kukuha ng materials sa stock room but my traitor mind keep on thinking nonsense. Shet!

"S-sige." Ilang sandali din akong na blangko pagkatapos niyang sabihin iyon. "Tsaka... tama ka. May bigating bagay talaga dun."

"Sabi sayo diba." Kumindat siya kasabay ng pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi.

Napako na naman ang mata ko sa mukha niya. Iba talaga ang baon niyang pigura. The way his red lips angled when he smile. The way his glamouring eyes stare at you. When his overall stunning looks stand near at you. I don't know what to do but to panic.

How to resist everything to me? Every time na magkalapit kami pakiramdam ko natu-traumatize ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin at bigla bigla na lamang akong matataranta. Is this fvcking normal?

"Asan stock room niyo?" Utas niyang nakapagpabalik sa'kin sa realidad.

"D-Diretso l-lang." Nauutal kong sabat. Paano ba naman kase, nauna pa siya sa akin kaya ayun hindi naman pala alam kung saan.

"Dito ba?" Tanong niya sabay turo sa isang pintuan.

"Oo. Diyan nga." Tumango ako.

Binuksan niya iyon at bumungad sa amin ang madilim na silid. Napalunok ako nang maaninag ang buong lawak ng kadiliman. Bumilis ang paghinga ko gayong napagtanto kong kaming dalawa lang. Please do cooperate my beloved mind, wag kang mag-isip ng kung ano ano. Don't rebell to Gwen. Makakaraos din tayo dito.

"Wala bang lights dito?" Nakapamaywang si Hasher nang nilingon niya ako. "Sobrang dilim."

Nanatili lang kaming nakatayo sa pintuan.

"Eh? Bakit? Takot ka sa dilim?" Tumatawang tanong ko.

Siguro takot siya sa dilim. Aha! Ngayon! Napag-isipan kong kulitin siya at takutin imbes na magpakataranta. Matutuwa talaga ako nito, panigurado!

"H-Hindi ako natatakot." Tinagilid niya ang ulo niya at pinasadahan ng tingin ang madilim na parte.

"Oh? E, ba't ka nuutal?" Tawang tawa na ako.

"Kase naman--"

"Kase takot ka?" Panunugpo ko habang tumatawa.

"Sino bang may sabi sayo na takot ako sa dilim?" Naaninag ko sa mukha niya ang kaseryusuhan. Tumikhim pa siya kasabay ng pag sabong ng kaniyang dalawang kilay.

Shet! Kung galit man siya and I'm thankful. The way he turns to aggrevated the more he caught my attention. He's totally indeed handsome when he act normally but then when he act like he's angry is indeed so much more handsome. Ghad!

"Kapag galit. It means takot." 'Yan lang 'yung tanging naisagot ko sabay tawa.

Dahan dahan siyang lumapit paharap sa'kin at tinitigan ako sa mga mata. "Who told you that? Huh?"

This is the first time I heard him talking English. Well, I don't know if he already did it speaking back then, but this time I'd say different. Kapag ka nag eenglish siya ay mas lalong dumagdag sa looks niya.

"Huh? Sino may sabi niyan?" Mariin niyang sinabi iyon sa'kin.

Napalunok ako ng ilang beses. Bumibilis ang pag-hinga ko. Natataranta na naman ako. Sino ba naman kase 'yung hindi matataranta ngayong magkalapit na ang mukha naming dalawa? Pero kahit na tinangay na ako ng sistema ko ay sinubukan ko paring pabigatin ang sarili nang sa gayon ay maiwasan ang kasunod na mangyayare.

Love Me Back (Back Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon