Gwen's Pov:
Matapos ang mahigit isa at kalahating oras na salu-salo sa bahay nila Hasher sa wakas ay pauwi nadin ako. Currently walking out from their gate and now finally walking down to my home. Pero bago pa ako nakalabas sa bahay nila ay hinatid naman nila ako sa pinto. Nag-aya pang dun na matulog na siyang inayawan ko. Nagoffer din si Hasher na ihahatid ako pero tinanggihan ko na siya. Sobrang lapit lang naman kase ng bahay namin at kung tutuusin, sampung hakbang dadating na nga ako sa bahay.
Alas 8:30 na ng gabi nang makauwi ako. Naka-uniform parin hanggang ngayon. Kainis lang kase 'tong si Hasher! Lahat nalang ng tungkol sa amin alam na ng pamilya niya, masyadong rush! Ayaw pa akong pabihisin kung hindi siya bibihis? Ayaw akong pauwiin nang hindi niya sinasabi? Shet lang! Kainis lang!
Sa kabila ng lahat ay wala na akong maalalang nangyari kamakailan bukod dun sa mga pangyayari sa hapag. Para bang natakpan ang isipan ko ng tuwa dahil sa mga nalaman ko. Pati tuloy mama ni Hasher ay mama ko na rin. Pero ayos na rin 'to dahil kahit papaano, open ako sa family ng boyfriend ko. How about kila mommy and daddy? Magiging open kaya si Hasher sa family namin? Well, imposibleng hindi. Nung nandito nga sina mom at dad, panay ang panunukso kahit na hindi pa naman kami nun, ngayon pa kaya?
Pagkatapos kong maayos ang gamit ko sa eskwela sa kwarto ko ay pumunta naman ako ng banyo para mag toothbrush at mag half bath. Habang nag to-toothbrush sa harapan ng salamin ay hindi ko maiwasang mag-imagine. Naiimagine ko si Hasher sa repleksyon ng salamin na nakayakap sa likod ko habang naka-topless. Iwan ko pero para akong baliw na ngumingisi at dinadama na ang ginagawa ko ay nasa realidad. Naalala kong muli iyong ibinulong niya kanina sa hapag na ‘You'll be Mrs. Gomez soon’.
"Hoping for... my love.." Nakapikit at nakangisi kong ibinulong iyon sa kawalan.
Diniinan ko nalang ang pag-pikit ko at kinikilig pang iniimagine na namang kinakasal na kami. Shet! Bakit ganto ako ngayon? Ang saya-saya ko. Hayst! Napabuntong hininga nalang ako nang nararamdaman ko na nakabaon pa pala sa bunganga ko ang toothbrush. Dumilat ako at namilog ang dalawang mata nang nakita ko si Hasher sa repleksyon ng salamin. Nakatayo siya sa likuran ko. Naka-topless na tulad talaga nung sa imagination ko. Umakma akong lilingunin siya para magkaharap kami pero pag-ikot ko pa nga lang ng leeg ko sa likuran ay wala namang tao. SHIT! Kung ano nalang kase mga iniisip ko, namamalikmataan ko tuloy siya. Hayst!
Napabuntong hininga nalang ulit ako nang matapos na akong mag-toohbrush. Natapos na din ako sa half bathing. Sinusuklay ko nalang ngayon ang buhok ko at pinulupot ang puting tuwalya sa katawan. I felt relieved ngayong nakapag-half bath ako. Lumabas na ako ng banyo para mag-bihis sa taas.
Pagkalabas ko ng banyo ay dumiretso kaagad ako sa taas para magbihis. Matapos kong ayusin ang sarili ay bumaba ako para tawagan sina mom and dad. Matagal narin kaseng wala kaming communication. Iwan ko kung busy ba sila ngayon basta ang sa'kin lang ay gusto ko silang maka-usap. I'm craving for their voices.
Bitbit ko ang laptop at cellphone ko nung bumaba na ako para pumuntang sala. Habang bumababa sa hagdan ay sumabong ang kilay kong tinignan ang lalaking naka-upo sa sofa. Nagtaka ako kung bakit siya nandito at diretso pa talaga sa loob? Such an illegal trespassing! Well, I don't care about trespassing. I know him for more and the only thing I'd care is that his appointment of coming here?
"Hoy! Ba't ka nandito?" Kaagad kong tanong kay Hasher nang makababa na ako ng hagdan.
"Anong hoy? Hindi mo'ko kilala?" Kunot noo niyang tanong at medyo naiirita ang ekspresyon sa mukha. "Hoy pa nga!"
"Sweetheart, why are you here?" Malambing kong tanong para pambawi sa busangot niyang mukha.
Ngumisi siya sa'kin. "I like that, sweetheart is better than my name, so starting now, call me sweetheart instead of calling me Hasher."
BINABASA MO ANG
Love Me Back (Back Series 1)
General FictionPosible bang may mabubuong pag-ibig sa dalawang taong pinaglapit ang tahanan? Posible bang mag kasundo ang kanilang dalawang puso? Posible ba na ang dalawang mag kapit bahay, ay pwede sa kapit buhay? Posible-Ganiyan palagi ang nasa isip natin kapag...