Hasher's Pov:
"Hash!" Rinig ko mula sa loob ang boses ni Mama at ang pagkatok nito sa pintuan ng kwarto ko.
Napatigil ako sa pag-ayos ng mga gamit ko sa cabinet. Tumungo ako sa pintuan at binuksan si Mama.
"Bakit po, Ma?" Tanong ko pagkatapos kong buksan ang pinto. "May iuutos kayo?"
"Anong utos utos ka diyan?" Nakapamaywang si Mama. "Yung mga requirements mo, naipasa mo na ba?"
"Of course naman, Ma! Si Hash pa." Tumango ako, yung tipo ng tango na may dating ng kayabangan.
"Mabuti naman at para bukas papasok ka nalang." Tumango pabalik si Mama. "Siya nga pala, ayos ba sayo 'yung school na 'yun?"
"Ayos naman, 'yun nga lang medyo kinakabahan ako, syempre bago pa ako at isa pa wala pa akong kilala sa school na 'yun." Wala naman talaga akong kilala dahil second semester na at ngayon pa lang ako mag transfer.
"Hay naku, Hash! Sa gwapo mong 'yan, inaakala mong walang makipagkilala sayo? At isa pa, sa simula lang 'yung kaba, by the following days nun, ikaw na 'yung bida." Mayabang ang tenor ng boses ni Mama.
Umiling ako sa sinabi ni Mama. Agree ako dun sa part na 'sa simula lang 'yung kaba' dahil kapag tumagal, I'm sure madami din naman akong makikilala.
Paano ba naman kase, pinilit kami ni Papa na lumipat dito. Pati tuloy pag-aaral ko ay naapektuhan. Hindi ko naituloy dun sa lugar namin, sa lugar ni Mama. Hanggang first semester lang yung history of studies ko 'ron. Pero di bale, itutuloy ko na lamang dito.
Umalis na si Mama ng silid ko. May iniwan kase siyang niluluto sa kusina kaya hindi din siya tumagal sa kwarto ko. Inayos ko ulit 'yung mga gamit ko. Matapos kong ayusin iyon ay binuksan ko ang sliding window dahil sa nakaramdam ako ng aliwalas. Pati kase air-conditioning system ay di pa din na install sa amin kaya hangin muna sa labas ang sinasamantala ko.
Matapos kong buksan ang sliding window ay napako ang paningin ko sa kaharap na sliding window. Nakabukas din ito at may isang babae ang nakaharap sa salamin. Pamilyar ito sa akin subalit hindi ko lang talaga lubusang makilala. Iginala ko ang aking paningin sa baba ng bahay nila. Nagbabakasakaling may natatandaan ba ako o pamilyar sa bahay nila. Yung gate! Tang!na! Napamura ako sa isipan dahil ang babaeng nakikita ko ngayon ay 'yung babaeng hiningian ko ng tubig last day. Si Gwen!
Hindi ito nakatingin sa bandang bintana kaya paniguradong hindi niya ako nakikita. Umiwas na lamang ako ng tingin sa gawi niya. Baka kase kapag nahuli pa niya akong nakatingin sa kaniya, sasabihin pa niyang pinagsasamantalahan ko siya.
"Kuya!" Napatingin ako sa likuran ko nang humigit ang boses ng kapatid kong si Nake sa buong kwarto ko. Naiwan ko palang nakaawang ang pinto kanina nung umalis na si Mama kaya nakapasok itong si Nake.
"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.
Hindi kaya nakita niya akong nakatingin kanina sa babae sa kaharap na bintana? Siguradong aasarin na naman ako ng lokong 'to. Pero, hindi naman bakas sa mukha niya ang asarin ako kaya stay calm.
"Bakit nga kase?" Tanong ko ulit para idistract ang mga mata niyang umiikot sa loob ng kwarto ko. Baka kase mapunta pa ang paningin niya sa sliding window at alam mo na, loko si Nake.
"Hmmm...." Mabuti nalang at tumingin din si Nake sa'kin. "Kakain na 'raw, sabi ni Mama."
Tumango naman ako sa kapatid. "Sige, susunod na ako. Aayusin ko lang 'tong mga natitirang gamit."
Tumalikod na ang kapatid ko. Matapos kong ayusin yung mga natitirang kalat ay sinulpayan ko muna 'yung sliding window kung saan kita ko kanina si Gwen na ngayon ay wala na. Umalis na din ako ng kwarto saka tumungo ng kusina.
BINABASA MO ANG
Love Me Back (Back Series 1)
General FictionPosible bang may mabubuong pag-ibig sa dalawang taong pinaglapit ang tahanan? Posible bang mag kasundo ang kanilang dalawang puso? Posible ba na ang dalawang mag kapit bahay, ay pwede sa kapit buhay? Posible-Ganiyan palagi ang nasa isip natin kapag...