Chapter 36 - SUPREMO

287 31 37
                                        



*Flashback*

*Thousand years ago....*


It was said that in the land of Nod, there was a man who was punished by God to a life of wandering for all eternity.

He was the first man who committed a crime by killing his own brother out of jealousy...

And his name was CAIN.....

Pero kahit siya ay hinatulan ng habang buhay na pagkabuhay ay ikinatuwa pa ito ni Cain. Dahil sa kaniya ay nabuo ang isang siyodad at siya mismo ang naging tatay ng lahat at kinilalang Ama ng buong lugar.

Dahil sa ma itim niyang hangarin ay winasak at sinira niya ang kalikasan upang mabuo ang lugar na kaniyang hinahangad. Doon na na nagalit ang panginoon kaya ipinadala niya ang kaniyang mga Arkanghel para ihinto ang maling pamamalakad.

Sa bundok ng Nod ay doon ipinatawag si Cain at kinausap ng mga Arkanghel.

"Pinapahinto ng panginoon ang iyong pamamalakad, Cain." (Michael)

"Nilason mo na ang buong lugar dahil sa ma itim mong hangad sa mundo." (Gabriel)

"Ang mga hayup, mga pananim at magagandang kalikasan na nilikha ng panginoon ay iyo nang sinira." (Rafael)

"Ano ang iyong paliwanag?!" (Michael)

Sa tindig ni Cain ay mukhang hindi siya takot at walang repestong pinapakita sa mga alagad ng Dios.

"Ano pa ba ang gusto niyo?! Pinarusahan niyo na ako ng walang kamatayan, pero pati pamamalakad ko ay gusto niyo pang pakialaman?! This land belongs to me and for me alone! Ni minsan ay hindi ako nag hingi ng tulong sa kaniya at—" (Cain)

"TINGNAN MO!!" sigaw ni Michael. "SINIRA MO NA ANG KALIKASAN!" Dagdag niya habang naka turo sa ilalim ng bundok.

Doon makikita ang mga nangingitim na patag. Tuyong-tuyo ang mga ilog at puno ng mga patay na hayup. Wala nang mga kahoy dahil inubos na nila sa pag gawa ng kanilang siyodad. Wala na rin silang makain dahil hindi na sila maka tanim sa tuyong lupa na kanilang sinira. Everything the eyes can see is all destroyed and nothing left to be saved!

"Ngayon sabihin mo sa'min kung tama itong iyong ginagawa?!" dagdag na sigaw ni Michael.

Napatingin muna si Cain sa lugar na kaniyang sinasakupan. Napangisi ito at muling pumaling sa mga anghel. "Maganda naman ah?! Wala akong sinira dito dahil itong lupang tinatayu-an natin ay akin! Ako ang unang nakatungtong dito kaya akin lahat ito!" buong tapang niyang sagot.

Nagdugtong ang mga kilay ni Michael sabay hugot ng kaniyang espada!

"How dare you desecrated the creation of God!! You shall be—" (Michael)

"ENOUGH!!!"

Bigla silang napatingala noong may papalapag na anghel, at kasunod n'on ay agad silang napaluhod noong makilala nila kung sino.

"General..." (Gabriel)

"Ma'Lord..." (Rafael)

Lumapit si Arren kay Michael at hinawakan nito ang kamay niyang may espada.

"Lower down your sword, Michael. This is not the way..." seryosong saad ng kaniyang heneral.

Noong binaba na ni Michael ang kaniyang espada ay agad siyang pumaling kay Cain.

"Your days here is Over!" Seryosong tugon nito kay Cain. "I will put an end to this mess!" dagdag ni Arren at kasunod n'on hinugot niya ang kaniyang espada at inangat sa langit. Bumuklat ang kaniyang metal na pakpak at biglang umilaw ang buong kapaligiran.

Hybrid's "L U C I O U S" (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon