Chapter 11 - Long time friend

249 31 26
                                        



Eve's POV



So okay, After that night..




After that most embarrassing but nakakakilig situation in my life kind of night??? hindi ko na tinigilan si Lucious! Hihi! Well, i mean hindi tinigilan na palagi ko nalang siyang tinatawag, hahaha! Yung kakababa niya palang doon sa lungga niya ay tatawagin ko nanaman siya ulit, Hahaha! Pero kahit na iinis 'yon ay hindi niya pa rin ako matiis, yiiiiee!!Tinawag kong most embarrassing moment 'yon dahil ni minsan ay hindi pa ako umamin na gusto ko ang isang tao, and the most interesting part pa is... Yung nilalang na nagustohan ko ay ang hari pa ng Impiyerno! Si LUCIFER, Hahaha! Diba? Siguro iniisip niyo na nahihibang ako at kung anong pumasok sa kokote ko dahil bakit ako nagkagusto sa kaniya diba?



Wala eh...i just like the guy! He's the most interesting, most unique, most cutest, the most funniest and the most sweetest guy I've ever met! Pasimple lang 'yon pero ang sweet kaya niya, and i know he really cares about me and that makes my heart go crazy!! I mean, everything about him drives me crazy naman, hahaha! I know right? Parang tanga noh? I just can't help it! I can't call this love yet pero i got this urge or should i say I'm a bit clingy towards him! Gusto ko siya palaging kasama, gusto ko siyang inaasar, gusto ko siyang iniinis dahil every time na magsalubong ang kaniyang mga kilay ay mas lalo akong nag eenjoy na kasama siya. I really don't mind him shouting, or cursing, or whatever he always does dahil gan'on na siya eh, gan'on na ang nature niya, But pag dating sa'kin gentle naman siya at ma ingat which makes him more so nakakagigil minsan, hahaha! That's the most weirdest part in me dahil tanggap kolang kung ano siya. Weird ba 'yon?


Pero ang kumuha talaga ng atensiyon ko palagi ay kahit gaano niya pa ka tanggi, alam kong gusto niya rin ako! He just don't admit it yet dahil confused pa siya sa mga nararamdaman niya.

Mag hintay lang siya dahi I'm gonna break him! Hahaha! Pa aaminin ko talaga 'yon! Hahahaa!



"EVELYN!! Ano ba?! Bumaba ka na nga!!"


Yiiiiee!! speaking of the devil, nandito na siya! Kakababa niya lang kaninang umaga, pinabalik ko nanaman ngayon hahaha!




"Coming! Wait lang!!" sigaw ko habang nag mamadaling bumaba ng hagdan.



Pagkababa ko ay pansin ko agad siyang naka tayo in front of the window. As usual, wearing his black suit and with his hands inside his pockets. Naka tali ang buhok niya at naka suot siya ng itim na shades. Haaaay! Wala lang, ang gwapo kasi!



"Hi LuLubear!" bati ko agad kaya napalingon siya habang naka salubong ang kaniyanv kilay, hahaha!



"Tumigil ka nga! Ang dami mo nalang tinatawag sa'kin!" inis niyang saad dahilan para mas lalo pa akong nangiti.


Lumapit ako at humalik sa pisngi niya dahilan para magulat nanaman siya. Hahaha! After n'on mabilis akong yumakap.


"G--Ginagawa mo?!" tulala niyang tanong.


He always ask me that everytime may halik at yakap. Combination 'yan eh pero tatanong parin kung anong ginagawa ko, haha! Ay nako!



"Bakit?! Ayaw mo?" kunot noo kong sagot sabay yakap ulit sa kaniya. "Namimiss lang kita eh." dagdag ko.



"Psh! Kanina lang ako nawala namiss agad! KANINA LANG!" (Lucious)



"Eh hayaan mo na!"


Kahit nag rereklamo lang siya pero minsan nahuhuli ko siyang ngumingiti nang patago. Ewan ko ba bakit hindi niya pinapakita ang mga nararamdaman niya. Hindi ko alam kung nahihiya ba siya or gusto niya lang talaga itago sa'kin.



Hybrid's "L U C I O U S" (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon