3rd Person's POV
"Bea, salamat sa pag tanggap sa amin dito." (Amilia)
"Wala 'yon...." sagot ni Bea habang malungkot na tinitingnan ang kambal. Ilang sandali pa ay unti-unting tumulo ang kaniyang mga luha.
"M--May problema ba?" (Amilia)
Hindi sumagot si Bea at mabilis siyang nag punas ng luha. "Na aawa lang ako sa dalawang 'to. H--Hindi manlang nila nakilala ang kanilang ina. Ang saya pa naman ni Eve dahil magkakababy na sila ni Lucifer." saad niya sabay muli siyang na pa iyak.
Napayuko lang si Amilia at pilit pinipigilan ang kaniyang mga luha. "I was with her the whole time, she was so brave Bea." saad din ni Amilia na mas lalong nagpahagulhol kay Bea.
"Ano na ngayon? Paano na sila?" (Bea)
"Sabi ni Lucifer ilikas namin sila, hahanapin niya nalang daw kami habang inaayos niya pa ang gulo." (Amilia)
"Well, they can stay here for as long as they want! Aalagaan ko sila kahit wala pa si Lucifer." seryosong tugon ni Bea habang inaayos niya ang kumot ng dalawa.
Noong inilabas kasi sila Amilia at Adam ay napunta sila sa labas ng bahay ni Arren. Hindi rin nila alam kung bakit doon sila dinala pero mabuti nalang dahil magulo na ang buong siyodad.
"Are you seeing this?!"
Agad nabaling ang kanilang atensiyon kay Adam na nakatingin sa labas ng bintana.
"Bakit?!" (Amilia)
"Bakit nagkakagulo na sila?! May nagtatakbuhan, may mga nasusunog na bahay, mga buildings, bakit ganito na ang nangyayare?" saad ni Adam sabay paling sa kanila.
"Nagsisimula na ang apocalypse na sinasabi ni Arren." tulalang sagot ni Bea.
"A--Apocalypse? Ito na ba ang delubyong nakalaan?!" (Amilia)
Tumango lang si Bea habang tinatapik-tapik ang mga binti ng kambal. Natutulog kasi sila at ayaw niya itong magising.
"B--Bakit hindi nila napapansin ang bahay niyo?" muling saad ni Adam. "Parang hindi nila nakikita? Bakit nilalagpasan lang nil—"
"May nilagay na harang si Arren dito." singit ni Bea. "Alam niya na darating ang araw na'to kaya pinaghandaan niya talaga na hindi kami mapapahamak." dagdag niya.
"S--So parang nagiging invisible ang bahay niyo gan'on?!" (Adam)
"Oo...." (Bea)
"Whoah!" (Adam)
"Saan nga pala si Arren? Kanina pa kami dito pero hindi pa namin siya nakikita." Tanong ni Amilia dahilan para mapahugot ng buntong hininga si Bea.
"Si Arren kasi ang tipong hindi mapakali kapag may problema katulad nito." (Bea)
"Psh...alam ko. Heneral siya namin dati kaya alam ko ang ugali niya." singit naman ni Amilia.
"At may inutos si Lucifer sa kaniya, Ang sabi niya lang sa'kin na h'wag umalis dito hangga't hindi siya naka uwi. Natatakot na nga ako eh!" (Bea)
*TOK...TOK..TOK!"
Lahat sila napatingin sa pinto noong may kumatok. Nag madali namang lumapit si Adam para buksan ito.

BINABASA MO ANG
Hybrid's "L U C I O U S" (completed)
FantasyDuring the war against a big threat that endangered the world of men, Lucifer made a choice and arose from the depths of hell and fought side by side with his brother Arren to defeat the great concurer Cain. After a glorious victory, Lucifer returne...