*H E L L.....*
Habang abala si Momo sa pag asikaso ng impiyerno, biglang may pumutok galing sa madilim na kalangitan. Kunot noo siyang nag tungo sa may terasa ng palasiyo at pinagmasdan ang akala mo'y bulalakaw na bumabagsak na agad lumikha ng butas sa malawak na patag.
Noong nawala ang makapal na usok ay agad lumitaw ang tatlo na nilalang. Una ay napangiti pa si Momo noong makita ang tatlo sa kanila, ngunit unti-unting nawala ang mga ngiti niya noong masilayan ang isang nilalang na may pinakamalapad na ngisi.
"S--Satan??" Kunot noo niyang sambit.
Takang-taka siya kung bakit walang posas at malayang nakakagalaw ng maayos si Sataniel. Mas lalo pa siyang nag taka dahil bakit may kulang sa kanila...bakit hindi niya nakikita si Abaddon at Samyaza.
Nag umpisa nang mag lakad ang tatlo at nangunguna si Sataniel habang kasunod si Amilia sa gilid niya.
Dahil sa matinding kutob ay agad lumipad si Momo at lumapag sa dulo ng mahabang tulay na pumapagitan sa palasiyo.
"Hanggang diyan lang kayo!!" Biglang sigaw niya noong na sa kalagitnaan na sina Sataniel. "Saan na si Abaddon at Samyaza?! Anong nangyayare dito?!" Dagdag niya.
Ngumisi lang si Sataniel at humakbang ng isang beses. "Momo.... Kneel before your new King!" Saad niya.
Agad nanlaki ang mga mata niya noong marinig ang sinabi ni Sataniel. Napaatras siya ng konte habang umiiling. "N--New King?! Nagbibiro ka ba?!" sigaw niya sabay paling kila Amilia at Arazeth. "Zeth, Ano 'to?! Anong ibig sabihin nitong alupong na'to?!"
Wala sumagot ni isa sa kanila. Mas lalo pa siyang nag taka dahil bakit parang wala sa sarili si Amilia. Walang ka emo-emosiyon ang kaniyang mukha at parang sumusunod lang siya na walang ka alam-alam.
"Step aside, Momo!" biglang saad ni Arazeth.
"SAGUTIN NIYO MUNA ANG TANONG KO! SAAN SI ABADDON?! BAKIT—"
"Wala na si Abaddon!" naka ngising singit ni Sataniel. "Bumalik na siya sa pagiging abo! HAHAHAHAHA!"
Muling nanlaki ang mga mata ni Momo noong marinig ang sinabi ni Sataniel. "A--Ano?! Hindi!! Hindi 'yon pwedeng mamatay! ARAZETH!!! Anong ginawa niyo?!" buong lakas niyang sigaw.
"Satan is our new king now Momo! Step aside or you will be executed!" Banta naman ni Arazeth.
Namuo ang matinding galit sa mukha ni Momo hanggang sa ito'y lumiyab ng napakalaki. Lumuhod siya habang naka latag ang kaniyang isang palad sa simentong inaapakan nila.
"I AM THE KEEPER OF THIS CASTLE!! I... WILL... NOT..... LET YOU.... PASS!!!!" (Momo)
Pagkatapos niyang banggitin 'yon ay agad sumiklab ang buong sahig at nagkaroon nang malaking harang na gawa sa apoy. Dahan-dahan itong lumaki hanggang sa sumakop ito sa buong palasiyo.
Kasunod n'on nagsipagdatingan ang mga alagad ng kahari-an at agad pumorma sa likod ni Momo, handa silang ibuwis ang kanilang buhay para iligtas ang palasiyo.

BINABASA MO ANG
Hybrid's "L U C I O U S" (completed)
FantasyDuring the war against a big threat that endangered the world of men, Lucifer made a choice and arose from the depths of hell and fought side by side with his brother Arren to defeat the great concurer Cain. After a glorious victory, Lucifer returne...