Chapter 3 - Unbalanced

222 31 14
                                        



Hello darlings!! Haaaay, pasensiya na ha? Pagod ako eh, baka kaunti lang ang ma ikikwento ko sa inyo ngayon. Ang hirap mag pa lipat-lipat nang tirahan eh! Psh! Okay, start na tayo!



So, nakilala na natin si Eve. Well, gusto kong makilala niyo pa siya nang mabuti kaya mag umpisa muna tayo sa kaniya.



>>>>>>>>




*Flashback* (Five years ago)





"Punyeta ka talagang babae ka! Wala ka nang ginawang tama! Bakit ba ganiyang trabaho ang pinili mo?!"




"Po? Tita sa bar lang naman po ako nag tatrabaho, Bartender po ako d'on. Ano po ang masama d'on?"





"Ang sabi ni aling tinay nakita ka daw niya na may nilalanding lalake tapos gabi pa! Kaya siguro ginagabi ka palagi dahil nakikipaglandi ka pa sa mga lalake doon sa bar noh?!"





"Tita hindi po! Guest lang po siguro namin 'yon. Hindi po ako-"





"Ilang beses na kitang sinabihan ha? May trabaho ka na pala tapos ni hindi kaman lang umaambag sa mga gastusin dito sa bahay ko!"





*May kinuha si Eve na sobre sa kaniyang bulsa at kumuha nang pera*




"Ito po tita, pasensiya na ito lang ho kasi ang mabibigay ko dahil-"




*Hinablot nang tiyahin ang buong sobre*





"Yan! Dapat marunong kang makisama dito!"





"Tita pang enrollment ko ho ang iba diyan!"




"Anong enrollment?! Sinong may sabi na mag-aaral ka pa?!"






"Pero tita-"






"Mag trabaho ka nalang para hindi ka naman pabigat dito! Baka nakalimutan mo ang mga sakripisyo ko sa'yo ha! Pasalamat ka pa nga dahil kinupkop kita!"





"S--Sorry po."




>>>>>>>




Maliit palang nang iniwan si Eve nang kaniyang ina. Namatay ito dahil sa matinding karamdaman kaya ibinilin siya nito sa tiyahin. Pero imbis na mahalin at alagaan ay inabuso nila ang kaniyang pagkatao. Pinapaaral naman nila si Eve pero lahat may kapalit, Pinagtatrabahu-an ni Eve ang lahat kapalit nang pag-aaral niya. Ginawa siyang katulong kahit maliit pa. Taga linis, taga laba, basta lahat nang "taga" ay inako niya na. Hindi ito nag rereklamo dahil sa wala na siyang matakbuhan pa kung itatakwil siya nang kaniyang tiyahin. May dalawang anak ang kaniyang tiyahin, isang babae at isang lalake na ubod nang yabang at katamaran! Kahit kutsarita ay ibibigay pa kay Eve para hugasan. Wala rin siyang sariling kwarto doon at tanging sa ilalim nang hagdan siya natutulog. Ang kumot niya ay pinaglumaan pa, at isang unan na halos hindi mo na matawag na unan dahil parang naka higa ka parin sa simento kapag natutulog. Habang lumalaki na si Eve ay hindi ma iwasan na umiiba na rin ang kaniyang pangangtawan. Mas lalong lumabas ang kaniyang kagandahan at mas lalong kumorte ang kaniyang katawan. Napakamasayahin niyang dalaga, Matalino at masipag kaya scholar siya sa paaralan na kaniyang pinapasukan. Natapos niya ang highschool sa sarili niyang pagsisikap hanggang sa pag tungtong sa kolehijo. Pero bigla siyang na pa hinto sa pag-aaral dahil sa isang pangyayare na gumuho nang kaniyang mundo.





Isang gabi, habang siya ay natutulog sa kaniyang tanging pwesto, sa ilalim nang hagdan. Umuwi ang asawa nang kaniyang tiyahin kasama ang anak nito na lasing. Hindi sila naramdaman ni Eve dahil mahimbing na itong natutulog. Nagulat nalang siya nang bigla siyang hinila nang kaniyang pinsan at tinakpan ang kaniyang bibig.




Hybrid's "L U C I O U S" (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon