5 years later....
-Arren's House-
*Wendel's 5th Birthday*
Arren's POV
"Hon! Ang cake?! Saan na ang cake niya?" (Bea)
"Relax, pinadeliver na daw dito. Kumalma ka nga, hehe."
"Ready naman ang lahat diba? Wala na tayong kulang?" (Bea)
"Yup! Everything is set! Bisita nalang ang hihintayin." sagot ko sabay lapit sa kaniya at inakbayan siya. "Ito kananaman, basta may handaan hindi ka na mapakali."
"Tsk! Alam mo naman ako eh, gusto ko maayos ang lahat. Ayokong may magkamali." dahilan niya.
"Hon, kid's party lang 'to...hindi 'to kasal! Pa'no nalang kaya kung mag debut na si Areena??"
"Nako!! Siyempre gusto ko—" (Bea)
"Hep! Tama na..." singit ko sa kaniya. "Matagal pa 'yon, hindi pa'ko handa. I-enjoy muna natin sila hangga't bata pa." dagdag ko.
Agad akong napatingin sa malayo at napangiti ng patago. 14 years old na si Areena, may dalaga na ako. Habang ang bunso kong si Wendel 5 years old na. Parang kailan kolang sila kinarga sa aking mga kamay pero ngayon ang bilis nilang lumaki. Siguro mabilis lang talaga ang panahon? Hanggang ngayon ay pakiramdam ko kahapon lang natapos ang digmaan namin sa Zeon. Akalain mong limang taon na pala ang lumipas, hahaha!
"Oh? Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" singit ni Bea sabay tabi sa gilid ko.
"Wala hon, na aalala kolang ang lahat na nangyare." sagot ko sabay buntong hininga. "It's been five years na pala."
"Oo nga eh...limang taon na palang putol ang kamay mo." sagot niya kaya agad ko siyang siningkitan ng mata.
"Parang may pinaparinggan ka yata?"
"H--Huh?! Hahaha! Wala! Tsk...totoo naman kasi eh! Hahaha!" (Bea)
"May laman pati yung tawa mo eh!"
"Jusko ito naman! Hahaaha! Wala nga! Hali ka kiss kita!" (Bea)
Agad niya akong hinatak at hinalik-halikan sa pisngi.
"Ay nga pala, anong oras pupunta ang kambal dito?" tanong niya sa'kin.
"Uhhm--hindi ko alam eh. Pero—"
"Huh?! Bakit hindi mo alam?! Tsk! Hon naman eh! Baka nakalimutan mong bigyan sila ng invitation?!" pagpapanic niya nanaman.
"Psh! Pwede ko bang makalimutan ang kambal?! Siyempre nabigay ko kay Lucifer 'yon at last month pa!" dahilan ko.
"Nako! Makakalimutin na ngayon si Lu. Siguradong nawala na sa isip niya na may party ngayon." (Bea)
"Naaaah! Siya pa! Hindi niya pwedeng kalimutan ang birthday ng inaanak niya." giit ko pa.
"Sabagay...sabagay! Hahaha! Na alala mo 'yung 3rd birthday ni Wendel??" natatawang saad ni Bea.
Agad naman akong napayuko at na pa iling. "Psh! Oo naman! Ginulat niya tayong lahat n'on! Tss..."
"HAHAHAHA!" (Bea)
*Flashback*
-Wendel's 3rd Birthday-
BINABASA MO ANG
Hybrid's "L U C I O U S" (completed)
FantasyDuring the war against a big threat that endangered the world of men, Lucifer made a choice and arose from the depths of hell and fought side by side with his brother Arren to defeat the great concurer Cain. After a glorious victory, Lucifer returne...
