Chapter 32 - Mixed Emotions

246 31 21
                                    

Lucifer's POV

"Ako si LUCY.... ang iniwan mong anak.."

"Ang iniwan mong anak...."


"Ang iniwan mong anak...."

"Ang iniwan mong anak...."


"Ang iniwan mong anak...."


Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya. Lalo pa sa mga galit niyang mga mata na naka titig sa akin. Katulad na katulad ito sa'kin na lumiliyab kapag nagagalit. Masasabi ko talagang anak ko ang kaharap ko ngayon. Walang duda!

Para din siyang si Eve kapag nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Ang pinagkaiba niya lang ay ang kaniyang pananamit. Si Eve ang linis, pero siya...... Sarap punitin ang kaniyang suot para lumabas nalang lahat ng balat niya. Psh! Samahan mo pa ng itim na eye shadow na akala mo black eye! Kakainis! Tinalo niya pa si Momo sa itim ng eyebags.


"Oh?! Ba't natahimik ka?!" bulaw niya nanaman. "Hindi ka makapaniwala na buhay pa ako?!" dagdag niya sabay lapit at tinapik ang balikat ko. "Gusto kolang sabihin sa'yo na HINDI KITA KAILANGAN DITO!"


Ang angas...... Psh!


Tumalikod siya at nag umpisang umalis pero bigla kong hinawakan ang kaniyang braso.


"Teka.... L--Lucy, pakinggan mo muna ang sasabihin ko." panimula ko. Para akong ba iilang sa kaniya. Sa mga oras na'to ay kailangan kong mag pa-iway sa kaniya lalo pa't ma init ang kaniyang ulo. "Hindi ako umalis, bigla akong—"



"I DON'T CARE!" biglang sigaw niya sabay tinabig ang kamay ko. Lumapit siya sa harap ko at ngumisi. "Kung ano man 'yan... Wala akong pakialam! Hindi ko kailangan ang paliwanag mo, tanda!" dagdag niya.



Gustong-gusto ko na siyang patulan! Kating-kati na ang mga kamay kong hambalusin siya. Uugghh!!


"LUCILLA!!"


Napatingala kami noong may biglang sumigaw at tinawag siya.


Si Areena pala at kasama niya si Wendel. Namangha nanaman ako sa mga anak ni Arren. Wendel is very impressive using Arren's Wings. Parang sanay na sanay na siya dito.


Kumunot lang ang noo ng anak ko sabay tinalikuran ako. Na pa iling ako at napahugot ng buntong hininga.


"Anong ginagawa mo?! Bakit ganiyan ka kung sumagot sa Ama mo?!" bulaslas ni Areena sa kaniya. "Umayos ka!" dagdag nito.


Yumuko lang si Lucy sabay buntong hininga sabay iwas ng tingin. Mukhang mataas ang respeto niya kay Areena.

"Areena... Tama na. Hayaan mo siyang—"

"Sandali lang, Uncle Lu." Singit ni Areena habang hindi inaalis ang tingin sa anak ko. "Hali ka dito!" Biglang utos niya.


Nakasimangot namang lumapit si Lucy kay Areena. At noong tumapat na ito sa harap niya ay laking gulat ko nalang nang bigla niyang pinitik ang tenga nito.



"Araaaaaay!! Ate, ano ba?!" (Lucy)


"Hoy! Hindi ganiyan ang tinuro sa'yo ni Mommy! Umayos ka." naka ngiting saad ni Areena.




"Teka!" singit ko... "Mommy mo?! Si Bea?!" tulala kong tanong.


"Opo ninong... Nag aalala na nga siguro 'yon." sagot naman ni Wendel.


Hybrid's "L U C I O U S" (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon