Chapter 37 - The devil Within

251 30 36
                                        

*Flashback*

*Arren's House*

*WENDEL'S BAPTISM PARTY*

"Lolo....." (Marcus)

"Anong ginagawa mo dito?! Diba sinabihan ns kita na h'wag kang susulpot ng basta-basta?" (Arren)

"Sorry po...may importanteng sasabihin lang kasi ako." (Marcus)

"Dito ka...hali ka dito!! Tsk! tapos ganiyan pa ang suot mo. Bakit nga ba ganiyan ang suot mo??" (Arren)

"Uh--This is my Royal Suit kapag na sa palasiyo po ako. Hehe." (Marcus)

"Well, next time kung bibisita ka h'wag kang mag suot ng ganiyan. Sa panahon namin walang hari at reyna dito kaya baka mag taka sila." (Arren)

*Natahimik si Marcus at napayuko.

"B--Bakit?! May nasabi ba ako?" (Arren)

"Ito na ang huling dalaw ko sa inyo, Lolo." (Marcus)

"Bakit naman?!" (Arren)

"Babago na ang kasaysayan sa susunod na mga linggo. Pero bago pa mangyare 'yon, gusto kong malaman mo na kahit anong mangyare, magtiwala kalang kay Lucifer." (Marcus)

"W--What?! Teka..teka...anong babago ang kasaysayan?!" (Arren)

"Things will be a lot different in our world for the next weeks to come. Hindi ko po ito pwedeng sabihin sa inyo dahil baka hindi ito matutuloy. Basta tandaan molang ang sinabi ko, MAGTIWALA KALANG KAY LUCIFER." Napahinto si Marcus sabay pasimpleng pumaling kay Lucifer na seryosong nakatitig din sa kanila. "He may be the devil...but believe me, Lolo..he's the only hope if this world is worth saving."

Hindi nag tagal ay may kinuha siyang maliit na parang relo at binigay ito kay Arren. "if the time comes, don't hesitate to ask for help. A single push from this button will send a becon on my world. Pupuntahan agad kita, hindi kayo pwedeng mapahamak ni Lucifer. Kayong dalawa ang magiging simbolo ng bagong—"

"Okay, that's enough...." naka ngiting singit ni Arren. "Hindi mo na kailangan sabihin sa akin ang mga detalye, at ayaw ko rin malaman. Kung ano mang pagsubok ang haharapin namin, lalaban kami! Like we always do...so don't worry about us!" dagdag niya.

Ngumiti lang din si Marcus at tumango. Inilahad niya ang kaniyang kamay para makipagkamayan kay Arren. "You've always been an inspiration to us, Lolo. Keep safe and..." napahinto siya habang naka tingin sa kamay ni Arren. "Ingatan mo ang kamay mo na'to..." dagdag niya sabay atras at nag tago sa malaking puno ng kahoy.

May pinindot siya sa kaniyang relo at pagkatapos ay unti-unti siyang nag laho sa harap ni Arren.

>>>>>>>


"Sino 'yon?!" (Lucifer)

"Sino??" (Arren)

"Yung kausap mo malang!" (Lucifer)

"Ah mga bisita, ang isa si Ms. Bridget supervisor ni Bea sa ospital." (Arren)

"Ahh, ngayon lang ako naka rinig ng lalake tapos pambabae pangapan." (Lucifer)

"Teka...sino bang—" (Arren)

"Yung lalake, sa may likod, nakita kita, ano ka ba?!" (Lucifer)

"Ahhhh..delivery man 'yon, may inorder si Bea online, kaya ayun." (Arren)

"Ahhhhhhhh...." (Lucifer)

Hybrid's "L U C I O U S" (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon