Lucifer's POV
Nararamdaman ko ang init mula sa sikat ng araw. Pa wala-wala ito dahil sa malamig na simoy ng hangin galing sa bintana. For so long, I've never felt this calm and relaxed in my intire existence. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, humugot ako ng buntong hininga at napatingin sa kisame.
Wait.... Kisame?
Dahan-dahan kong inikot ang aking paningin, doon ko palang napagtanto na sa isang kwarto pala ako ngayon. Naka higa ako sa kama na may puting mga unan at puting kumot na naka tabon sa aking katawan. May nakikita din akong mga picture frames sa gilid ng bawat sulok ng kama. Pati sa taas ng mga aparador at katabi ng mga bulaklak. Pinipilit kong iniisip kung paano ako napunta dito at kung bakit ako nandito, pero bakit wala akong ma alala?
"W--What the f—"
Ilang sandali pa ay may gumalaw, Agad akong nakaramdam nang pag higpit na hawak sa aking dibdib kaya dahan-dahan akong napatingin doon. Ma ingat kong inangat ang kumot para makita kung ano 'yung gumalaw, at noong malaman ko kung ano ay biglang nanlaki ang aking mga mata.
Isang braso!! At naka yakap ito sa akin! Sa gulat ko ay bigla akong na pa usog at noong akma ko na sana siyang gigisingin ay nagulat naman ako sa sunod na nangyare.
"PAPA, WAKE UP!! WAKE UP!!!"
Halos pumutok ang puson ko noong may tumalon na batang babae deretso sa aking tiyan.
"W--What the—Sino....anong—"
"Good morning!! Papa, good morning!" sigaw niya pa ulit at lumulundag-lundag pa siya sa tiyan ko na parang kabayo!
Natulala ako noong napangiti siya sa harap ko habang nilalaro ang tali ng kaniyang damit. Mahaba ang kaniyang itim na buhok, Mahaba rin ang kaniyang pirik mata at matangos ang ilong nitong batang 'to. Ka pansin-pansin din ang kaniyang rosy cheeks na pisngi at pinkish ang kaniyang mga labi.
Siguro mga na sa limang taong gulang ito. Mas lalo pa akong natulala noong dumapa siya sa dibdib ko at niyakap ako.
"I want to sleep again with papa.." saad niya sa maliit na boses.
Ilang sandali pa ay gumalaw ang katabi ko, hindi ko pa nakikita ang kaniyang mukha dahil natatabon pa rin ang kumot. Sa isip kolang, napaka gulo naman nitong matulog!
"Mama!!" biglang sigaw ng bata sabay umikot para malaglag sa tabi niya. Until now I'm still speechless, god damn it!!
"Mmmm...." sagot ng babae sa garagal na boses.
Doon na ako napa upo at na pa usog noong marinig ang kaniyang boses.
"Mamaaaaaaa!!"
"Lucy... Antok pa si Mama." sagot ng babae.
So lucy pala ang pangalan ng bubwit na'to!
"Please!! Please! I want omelette!! Omelette!!" muling sigaw ng bata sabay tinutulak-tulak niya pa ang likod ng kaniyang mama.
Teka.... So mama ang tawag niya sa babae tapos sa akin kanina pap—Oh no! Hahahaha! No way!! Parang---hindi 'to pwede mang—
"Hon?" biglang saad ng babae.
Tulala akong naka tingin sa kaniya habang siya ay naka talikod sa akin. Pumaling naman ang bata at naka ngiting tinuturo ako.

BINABASA MO ANG
Hybrid's "L U C I O U S" (completed)
FantasyDuring the war against a big threat that endangered the world of men, Lucifer made a choice and arose from the depths of hell and fought side by side with his brother Arren to defeat the great concurer Cain. After a glorious victory, Lucifer returne...